Chapter 16: The devil inside me

2.6K 116 3
                                    

The devil inside me

“Hindi ka ba sasama sa paglusob sa mga natitirang kalaban?” tanong ni Alaric, ang pinuno ng mga barbarians kay Luke na kasalukuyang nakatanaw sa puwesto nila Trevas.
 
Kakatapos lang ng labanan nila laban sa mga tauhan ni Prince Alastor pero naghahanda na sila ulit sa susunod na paglusob.
 
“Kaya niyo na nang wala ako” Sabi ni Luke pero bago pa makapagsalitang muli si Alaric ay may tumawag sa kaniya dahilan para mapalingon silang pareho ni Luke.
 
“Chief Alaric” tawag ng isang barbaro pero hindi sa kaniya nakatuon ang atensyon nila Luke at Alaric kundi sa lalaking hawakhawak niya sa kuwelyo habang kinakaladkad sa sahig.
 
Nakasuot ito ng kulay violet na combat clothes na siyang uniporme ng mga mandirigma ng Beifang at puro paso at lapnos na ito sa katawan malamang ay dahil sa nangyaring labanan kanina.
 
Itinulak nung barbaro yung sugatang lalaki sa may paanan nila Luke at Alaric at doon lang napansin ng dalawa na hindi lang ito ordinaryong mandirigma ng Beifang, ito ay si Prince Alastor.
 
“Please, Let me g-“ biglang naputol ang sinasabi ni Alastor nang bigla siyang sipain ni Alaric sa tiyan dahilan para mapadaing siya at magpagulong-gulong sa sahig.
 
“Pakibitin yan patiwarik sa isang puno. Mamaya ko siya aasikasuhin kapag natalo ko na yung kapatid niya na balita ko ay may lahi daw na demonyo” sabi ni Alaric sa tauhan niya na siya namang sinunod nito.
 
“Maghanda na sa susunod na paglusob” Sabi ni alaric habang naglalakad papuntang front lines. “May huhulihin tayong demonyo”
 
Naiwan na mag-isa si Luke sa kinatatayuan niya pero wala siyang ginawa kundi panuorin ang pagmartsa ng mga tauhan niya papunta sa kinaroroonan nila Trevas. Pinanuod niya mula sa malayo ang nagaganap na labanan pero nang mapansin niyang unti-unting nauubos ang mga tauhan niya ay agad na kumunot ang nuo niya.
 
Isang kidlat ang tumama sa gitna ng nangyayaring madugong labanan kasunod ng isang malakas na kulog at doon kung saan tumama yung kidlat ay nakatayo si Luke. Pinagtinginan siya ng karamihan pero takot silang sumugod sa kaniya dahil nakita nila kung anong nangyari doon sa tinamaan ng kidlat niya na ngayon ay tustadong nakahandusay sa may paanan ni Luke gayunpaman, nakatuon ang atensyon ni Luke sa isang babae na kumokontrol sa libo-libong matutulis na bulaklak.
 
Hindi mapigilan ni Luke na mapangiti habang pinapanuod si Alissa pero agad na nawala ang ngiti niya nang may nag-aalagablab na apoy ang lumilipad papunta sa direksyon ni Alissa kaya naman agad na tumakbo si Luke na kasing bilis ng kidlat papunta sa kaniya at nilayo siya mula doon sa apoy.
 
****
 
Agad akong lumayo sa lalaking nakahawak sa bewang ko na siguradong sigurado akong si Luke kahit hindi ko pa siya nililingon.
 
Nilingon ko siya pero agad ko ding pinagsisihan iyon nang magkatitigan kaming dalawa at bumilis ang tibok ng puso ko. Nginitian niya ako tulad ng paraan ng pagngiti niya sa akin nuong hindi pa nangyayari ang lahat ng ito pero lalo lang akong nainis sa sarili ko dahil napakalaki ng epekto sa akin ng simpleng mga titig at ngiti niya. Only then I realize.
 
I still like him. Sa kabila ng mga pagtatraydor niya sa akin, nandito parin ang feelings ko sa kaniya na nabuo simula pa noong bata kami.
 
Tinitigan ko lang si Luke at ganong din ang ginawa niya sa akin at natigil lang ang pagtitigan namin nang bigla akong balutin ng kadiliman at biglang nateleport papunta sa tabi ni Trevas.
 
“Who’s that?” Tanong ni Trevas bago nagpakawala ng itim na usok papunta sa paparating na kalaban. Nang tumama ang itim na usok ni Trevas sa kaniya ay bigla siyang napaluhod bago unti unting nangayayat hanggang sa buto’t balat nalang ang natitira at wala na siyang hininga.
 
“Luke” matipid kong sagot habang nakatitig sa ngayon ay naglalakad papalapit na si Luke. Napansin kong may papalapit kay Luke na isang water user na isa sa mga tauhan ni Luke pero bago pa ako makapagsalita ay biglang may tumama na kidlat duon sa water user dahilan para humandusay siya sa sahig at walang nakakaalam kung buhay pa ba siya.
 
Napansin kong iniunat ni Trevas yung kanang kamay niya sa direksyon ni Luke at bago ko pa siya mapigilan ay nagpakawala siya ng itim ng usok sa direksyon ni Luke.
 
Napalingon sa akin si Trevas at nagtataka akong tinignan dahil sa pagtangka kong pagpigil sa ginawa niya pero naagaw ang atensyon namin nang magliwanag ang kamay ni Luke at agad na nawala yung itim na usok na nagmula kay Trevas.
 
“Light user?” tanong ni Trevas sa akin ng hindi inaalis ang tingin kay Luke. Napatango ako.
 
“Alissa” napakuyom ang kamao ko nang marinig ko na naman ang boses ni Luke at magtindigan ang mga balahibo ko.
 
Hindi ko siya sinagot pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad papalapit sa akin. Hindi alintana sa kaniya na nasa gitna kami ng madugong labanan at rinig na rinig ang mga daing at sigaw ng mga tao sa paligid dahil kalmado lang siyang nakatitig sa amin ni Trevas.
 
Napansin kong napakunot ang nuo ni Luke nang makita niyang hinawakan ako ni Trevas sa braso bago hinila papunta sa likuran niya para siya ang harapin ni Luke.
 
“Who are you?” tanong ni Luke pero hindi siya sinagot ni Trevas kaya binaling niya nalang ang tingin sa akin.
 
“Alissa, let’s go back to-“
 
“Hindi siya sasama sa ‘yo” pagpuputol ni Trevas sa sinasabi niya.
 
“Pwede bang wag kang mangialam?” Inis na sagot ni Luke sa kaniya. “Hindi ikaw ang kinakausap ko”
 
Bago pa makasagot si Trevas ay inunahan ko na siya. “Wala na akong babalikan sa Bauxacel, Luke”
 
Napatigil si Luke sa paglalakad bago walang emosyong napatitig sa akin.
 
“You can live in the palace with me” sagot ni Luke sa akin.
 
“Kahit bumalik ako, hindi na non mababalik ang dati. Wala na ang Knoxx manor at wala na ang mga mahal ko sa buhay. At dahil iyon sayo at sa pamilya mo”
 
Hindi agad nagsalita si Luke bago ibinaba ang tingin mula sa akin na para bang naguguilty. Namuo ang mga luha sa mata ko bago napatango-tango.
 
“So totoo nga ang hinala ko, kayo at ang tatay mong hari ang may kagagawan ng lahat?” tanong ko sa kaniya kahit na alam ko na ang sagot.
 
Tumingala sa akin si Luke bago walang emosyon ang muka na tumango. Bahagya akong napatawa kahit na namumuo na ang mga luha sa mata ko at nagbabadya nang tumulo anumang oras.
 
“totoo bang friname-up niyo si papa dahil takot kayong maagaw niya ang trono?” Tumango si Luke at hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
 
“pinapatay niyo ang buong pamilya ko para makuha ang mga ari-arian na pagmamay ari ng mga Knoxx?” halos pabulong kong tanong pero alam kong rinig iyon ni Luke dahil tumango siya bilang pag sang-ayon.
 
Napapikit ako bago huminga ng malalim.
 
“So bakit mo ako gustong pabalikin sa Bauxacel? Para ano? Patayin ako para hindi na ako makapaghiganti sa inyo?”
 
Sa unang pagkakataon ay umiling si Luke pero hindi ko pala dapat ikatuwa iyon dahil sa susunod niyang sasabihin. “We’re going to use you. Gagamitin ka namin bilang isang heneral para maglingkod sa kaharian kagaya ng kung paano namin ginamit si Heneral Knoxx noong may silbi pa siya”
 
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na sumugod kay Luke habang sa kamay ko ay nababalot ng yelo. Isinuntok ko sa direksyon niya ang kamaong iyon pero agad siyang nakaiwas at nagbadyang itutulak ako palayo pero agad akong nakalipad palayo sa kaniya at pinaulanan siya ng mga libo-libong matutulis na bulaklak pero bago pa iyon makalapit sa kaniya ay biglang may tumamang kidlat sa akin dahilan para mahulog ako sa sahig kasabay ng paghulog ng mga bulaklak na kinokontrol ko.
 
Namilipit ako sa sakit dahil sa kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Lumapit sa akin si Luke at yumuko sa akin.
 
“I’m sorry” sabi nito bago lumapit sa akin para sana buhatin ako pero bigla siyang tumalsik papalayo nang tamaan siya ng itim na bagay na nagmumula kay Trevas.
 
Dahan-dahan akong bumangon mula sa sahig kahit na ramdam ko pa rin ang kuryente sa katawan ko pero laking gulat ko nang makitang naglalaban sila Luke at Trevas.
 
Mabilis ang bawat galaw nila at walang alin-langan ang mga suntok at sipa nila sa isat-isa halos magkasing bilis lang sila pero hindi noon mababago ang katotohanang level 8 na si Luke habang si Trevas ay level 7 pa lang kaya naman unti-unting nananalo si Luke sa labanan nila.
 
Napaatras si Trevas ng ilang hakbang nang tamaan siya ng kamao ni Luke sa may dibdib pero bago pa siya maka sugod ulit ay iniunat ni Luke ang kamay niya sa direksyon ni Trevas at mula doon ay dumaloy ang isang liwanag na napapalibutan pa ng mga kumikisap-kisap na kuryente.
 
Itinaas ni Trevas ang mga braso niya at ipinag krus sa may dibdib niya at kasabay noon ay ang pagsulpot ng itim na shield na ginamit din niya kanina pero masyadong naging malakas ang puwersa na nagmula kay Luke kaya kahit na nakagamit ng shield si Trevas ay tumalsik siya mula sa kinatatayuan at nakaladkad sa sahig.
 
Agad na bumangon si Trevas at tinitigan si Luke ng masama habang naglalakad papalapit sa kaniya.
 
“Bakit hindi mo gamitin ang ultimate skill mo?” tanong ni Luke sa kaniya dahilan para lalong mainis si Trevas sa hindi ko malamang dahilan.
 
“Natatakot ka bang makita ng lahat ang itsura mo kapag ginamit mo ang ultimate skill?” nakangising tanong ni Luke pero imbes na sagutin siya ay nakita kong napalingon sa akin si Trevas.
 
Sinundan ni Luke ang tingin niya at nang makitang nakatingin si Trevas sa direksyon ko ay bigla siyang napatawa pero hindi iyon totoong tawa.
 
“I see...” sabi ni Luke. “Kung ayaw mong makita ka ni Alissa habang nag u-ultimate skill, then I’ll just kill you”
 
Napakunot ang nuo ko sa sinabi niya at pilit na tumayo para pigilan silang dalawa bago pa niya mapatay si Trevas pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
 
“Stop!” sigaw ko nang magsimulang lumapit si Luke kay Trevas habang ang kamay niya ay napapalibutan ng malakas na agos ng kuryente. Higit kanino man ay alam ko kung gaano kalakas ang kapangyarihan ni Luke, lumaki akong kasama siya at napanuod ko kung paano niya napapatay ang kalaban sa pamamagitan ng mga kuryente niya kaya alam na alam kong maaaring mamatay si Trevas kung hindi ko sila pipigilan.
 
Napakagat ako ng labi at iuunat na sana ang kamay ko para paliparin sa direksyon ni Luke ang mga bulaklak na nakapalibot sa akin kahit na nanghihina pa ako pero nanlaki ang mga mata ko nang hampasin ni Trevas ang sahig at kasabay nuon ay ang pag crack ng lupa at ang pagpalibot sa kaniya ng kadiliman. Nabalot siya ng itim na usok kaya hindi ko na nakita ang nangyayari sa kaniya.
 
“Finally” sabi ni Luke bago ko naaninag ang unti-unting pagtayo ni Trevas at ang unti-unting pagkawala ng mga itim na usok sa palibot niya. Nakita kong humakbang papalapit si Trevas papunta kay Luke dahilan para mas malinaw kong makita ang itsura niya pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
 
Meron na siya ngayong itim na mga pakpak at matutulis na mga sungay at hindi ko na siya mamukhaan dahil purong itim nalang siya at ang tanging umiilaw sa kaniya ay ang mga mata niya na kasalukuyang nakatingin sa akin.

Author's note:

1. Trevas' transformation/ultimate skill

 Trevas' transformation/ultimate skill

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon