Chapter 51: Mastermind

1.4K 78 4
                                    

Mastermind

"I can explain..." pilit akong ngumiti pero hindi pa rin nawawala ang seryosong tingin sa akin ni Trevas. Nandito kami sa may garden sa tabi ng palace hall, Walang ibang tao dito bukod sa amin pero rinig na rinig ang ingay na nagmumula sa loob ng palace hall.

"You lied"

"Not that I want to, ayoko lang na mag-alala ka-"

"I have the right to worry about you Alissa and I have the right to know if you're planning something dangerous like this" napakagat labi nalang ako.

Napabuntong hininga siya bago may iniabot na kung ano. Napatingin ako doon sa inabot niya at napagtantong iyon ang damit ko na tinago ko kanina sa likod ng armor stand.

"Do you have any idea what could have happened kung hindi kita sinundan at naitakas doon sa storage room?"

"uh... speaking of which, paano ka nakapagteleport sa loob ng storage room eh hindi ba't may enchantment na nakapalibot sa silid na 'yon?"

"Alam ko kung paano mag disable ng ganong enchantment dahil meron ding ganon sa storage room ng Beifang" bago ibinaling ang tingin sa hawak-hawak kong libro.

"Laman nito ang lahat ng information na kakailanganin ko para mapatunayang frame-up lang ang kaso kay papa noon" sabi ko dahil alam ko nang itatanong niya kung para saan ang librong ito.

Napatango si Trevas bago napaiwas ng tingin. "You don't have to lie to me about this kind of things, It only made me feel like you don't trust me enough"

Bigla akong napatingala sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa mga mata ko pero kita ko sa mukha niya na hindi talaga niya nagustuhan ang ginawa kong pagsisinungaling sa kaniya. I should have just told him the truth in the first place.

Ibinukas ko ang bibig ko at mag sasalita na sana nang maarinig ako ng pamilyar na boses. Sabay kaming napalingon ni Trevas sa direksyon na pinanggagalingan ng ingay at doon nakita namin sila Minister Haviour at Minister Laxxon na mukhang galing din doon sa building ng Department of Investigation.

"We're screwed" sabi ni Minister Haviour. Hindi ko na narinig pa ang sinagot ni Minister Laxxon nang hawakan ako ni Trevas sa pulsuhan at hinila paalis

"Hide that" turo ni Trevas doon sa hawak kong libro kaya naman dali-dali ko itong ipinasok sa mahiwagang bracelet na suot-suot ko.

"Where are we going?" tanong ko nang mapansing hindi na ito ang daan pabalik sa palace hall.

"We're going home, We can't risk anyone seeing that book in our hands"

"Wait, si Lina-"

"Nauna na siya sa karwahe kanina, marami atang nainom na wine" sagot ni Trevas kaya hinayaan ko nalang siyang hilahin ako papunta sa karwahe.

Nakasuot pa rin ako ng itim na combat clothes habang hinihila ako ni Trevas pero wala naman kaming masyadong nakasalubong dahil hindi pa tapos ang sayawan sa loob ng palace hall at kung sakaling may makasalubong naman kaming palace servant ay agad na nagteteleport si Trevas para hindi kami makita.

Nang makarating na kami sa pinag parkingan ng karwahe ay biglang napatigil si Trevas kaya napatigil din ako. "Why did you-"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang mapatingin ako sa harapan namin at nakita si Luke na nakasandal doon sa karwahe namin at walang emosyong nakatingin sa amin.

Napakunot ang nuo ko lalo na nang mag simulang maglakad papalapit sa amin si Luke.

"Aren't you suppose to be in the party, prince Luke?" kalmadong tanong ni Trevas pero naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon