Chapter 20: Vivian

2.5K 121 4
                                    

Vivian

Natapos ang Infragilis Vow ceremony nang hindi ko namamalayan at sa wakas ay mag mamartsa na ang buong kampo pabalik sa palasyo pero hanggang ngayon ay umi-echo parin sa utak ko ang sinabi ni Luke kanina.

Napa-iling iling ako at pinilit na kalimutan ang lahat ng iyon at nag focus sa kasalukuyan. So what kung naalala niya ang infragilis vow na ginawa namin nuong bata pa kami? Hindi noon mababago ang katotohanang isa siya sa mga naging dahilan ng pagkasira ng buhay ko.

Naging mapayapa naman ang naging paglalakbay namin sa palasyo kahit na kasama namin yung mga barbarians at mga tauhan ni Luke dahil hindi naman sila gumawa ng gulo dahil bukod sa mas madami na ang bilang ng mga tauhan ni Trevas ay hawak din namin ang mga pinuno nilang sila Luke at Alaric na payapang nakikisama sa amin.

Nasa pinaka front lines kami nila Trevas, ang tatlo pang generals, si Lina at sa likod naming anim ay sila Luke at Alaric at pare pareho kaming nakasakay sa kabayo.

"May tanong ako" sabi ko kay Trevas bago pinalakad yung puting kabayong sinasakyan ko papalapit sa kaniya.

"Hmm?"

"Kaya mong magbago ng anyo?"tanong ko dahil kahapon pa ako curious nuong naglaban sila ni Luke.

Napalingon bigla sa akin si Trevas at tinignan ako na para bang ang tanga-tanga ng tanong ko. "Hindi mo alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" pag-iirap ko sa kaniya na siya namang ikinatawa niya.

"tulad nang nakita mo kahapon sa laban namin ni Luke, ang ultimate skill ng isang light at dark user ay ang magbago ng anyo"

"Really?"

"Hindi ba ganon din ang Ice user?" tanong ni Trevas na siyang ikinalaki ng mga mata ko.

"Ang ice, Dark, at light element ang pinaka rarest element sa lahat dahil hindi mo makukuha ang element na iyon kung ni isa sa mga magulang mo ay wala non. Kinikilala ding pinaka malakas na element ang tatlong iyon dahil ang mga may ice, dark, at light element lang ang kayang makapagbago ng anyo. Ang light user ay kayang magtransform bilang isang anghel, ang dark user ay kayang magtransform bilang isang demonyo at ang ice user naman-"

"Ay kayang magtransform bilang paro-paro" pagpapatuloy ko sa sinasabi niya.

Napatango si Trevas. "Hindi lang basta paro paro, kaya mong magtransform bilang isang Goddess of butterflies"

Bigla akong napatigil at kunot nuong napatingin sa kawalan pero lalo akong naguluhan sa sunod na sinabi ni Trevas. "Wala ako masyadong alam sa mga ice user dahil ikaw ang unang-unang naging ice user mula noong biglang naglaho si Psyche"

"Psyche?" sino yun?

"Wala akong masyadong alam tungkol sa kaniya dahil 3 years old palang ata ako nuong napabalita ang paglalaho niya. Psyche is also known as the goddess of butterflies"

Goddess of butterflies?

'Anna?'

Hindi sumagot si anna dahilan para mapakunot ang nuo ko.

'Anna?' tawag ko ulit.

'Don't ask me, hindi ko sasagutin ang mga tanong mo'

'Hindi ba ikaw ang Goddess of Butterflies?' tanong ko pa r in sa kabila ng babala niya.

Narinig ko siyang napabuntong hininga pero hindi niya sinagot ang tanong ko.

'Sino si Psyche?' tanong ko ulit pero tulad ng nauna kong tanong ay hindi siya sumagot. Magtatanong nang magtatanong pa sana ako sa kaniya at kukulitin siya hanggang sa aminin na niya ang totoo pero biglang nabalik ang atensyon ko sa kasalukuyan nang maaninag ko na ang nagtataasang pader ng capital ng Beifang kung saan matatagpuan sa pinaka gitna ang palasyo.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon