Chapter 64: Deaths

1.3K 69 0
                                    

Deaths
Unedited

Gusto ko pa sanang magikot ikot sa loob ng kampo para sana hanapin si Lina pero mas nanaig sakin ang pagaalala dahil sa flare signal na unti unting naglalaho sa madilim na kalangitan.
 
Nilingon ko si mama ilang metro ang layo mula sa akin. Tinutulungan niya akong hanapin si Lina pero tulad ko, naagaw din ng pulang flare signal ang atensyon niya.
 
“We should head back, kailangan tayo nila Trevas” sabi ni mama habang naglalakad paplapit sa akin.
 
Tumango ako. Nag aalala parin ako kay lina pero sa ngayon, mas mabuti kung tutulong kami kay Trevas na nasa front lines.
 
Sabay kami na nagteleport ni mama at sakto naman na nasa tabi lang namin si Trevas at Alastor na nagulat dahil sa biglang pagsulpot namin.
 
“What the f*ck” mura ni alastor.
 
“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kaniya, nasa harapan kami ngayon ng libo libong mga tauhan ni Trevas na handa nang makipaglaban.
 
“I’ll… kung totoo ang sinasabi ni Jared na may dadating na kalaban… I’ll fight too… tutal nandito narin naman ako” sabi niya bago napatingin kay Trevas at ibinalik ang tingin sa akin. “Sa tingin mo ba talaga ito ang oras para makipagtalo sakin?”
 
Napailing nalang ako sa kaniya bago itinuon ang atensyon sa harapan namin. Tahimik pa ang paligid at wala pang kalaban na nakikita pero nanatili kaming alisto.
 
Rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko dahil sa katahimikang bumabalot sa amin. Wala rin ako masyadong makita dahil nababalot ng ulap ang buwan na siyang tanging nagbibigay liwanag sa amin.
 
Unti unti ay nakarinig kami ng ingay mula sa malayo. Hindi ko malaman kung anong klaseng ingay iyon hanggang sa unti unting nawala ang ulap na nakatakip sa buwan at doon, ilang kilometro ang layo sa amin ay kita namin sila captain Jared at Lieutenant Min kasama ang iba pang mga tauhan na mabilis na pinapatakbo ang kanya kanyang kabayo papunta sa amin.
 
Nakita kong itinaas ni Captain Jared ang kamay niyang may hawak na kung ano. Hindi ko masyadong maaninag kung ano yung hawak niya dahil masyado silang malayo pero nang may lumabas na pulang ilaw mula doon na siyang lumipad sa kalangitan ay tyaka ko lang napagtanto na isa na naman itong flare signal na siyang lalong mas nagpabilis ng kabog ng dibdib ko.
 
Kung ang unang flare signal ay warning sa amin na may paparating na kalaban, ang ikalawang flare signal ay nagsasabi na malapit na sila at eksaktong eksakto naman na paglaho ng flare signal na ipinadala ni Captain Jared sa madilim na kalangitan ay naaninag ko sa likuran nila ang libo libong mga kalaban.
 
“Long range, ready!” sigaw ni Trevas nang maaninag niya din ang nakakakilabot na dami ng bilang ng mga kalaban mula sa malayo.
 
Itinaas niya ang kanang kamay niya at kasabay noon ay naghanda na din yung mga nasa humigit kumulang isang libong mga tauhan niya na sinanay talaga bilang long range wizards na naka puwesto sa pinakalikuran namin.
 
Nanatiling nakataas ang mga kamay ni Trevas habang pinapanood at hinihintay sila captain Jared na mabilis na pinapaandar ang kabayo at nang nasa isang daang metro nalang ang layo nila ay tiyaka niya ibinaba ang kamay bago sumigaw. “Now!”
 
Pagkasigaw na pagkasigaw niya noon ay nagpakawala ng kapangyarihan yung mga long ranged wizards at napuno ng mga tira nila ang kalangitan bago ito unti unting bumagsak papunta sa kinaroroonan ng mga kalaban.
 
Karamihan sa mga long ranged wizards ay mga fire user kaya naman napuno ang kalangitan ng nagliliwanag na mga apoy na magkakaiba ang laki at alab na siyang tumupok sa maraming kalaban.
 
“How many?” tanong ni Trevas kay Captain Jared nang makarating na sila sa tabi namin pero hindi parin niya inaalis ang tingin sa mga kalabang ilang kilometro nalang ang layo.
 
“Around four to five thousand” sagot ni Captain Jared bago bumaba sa kabayo niya.
 
Napatango si Trevas. “We can manage”
 
Nasa 3,000 ang kabuuang bilang ng mga tauhan ni Trevas at higit na mas kaunti ito kesa sa estimated na bilang ng mga kalaban ayon kay Captain Jared na nasa four to five thousand pero tulad ng sinabi ni Trevas, We can manage.
 
Although mas kaunti ang bilang namin kumpara sa mga kalaban, pagdating sa experience at training ay mas lamang ang mga tauhan ni Trevas.
 
“Earth users!” Sigaw ulit ni Trevas at this time, ang mga earth users na kasama namin sa front lines naman ang naghanda.
 
“Code Red” sunod na sigaw ni Trevas at kasabay noon ay biglang nagkaroon ng mga patusok sa lupa sa harapan ng mga kalaban na siyang nagpatumba sa mga kabayong sinasakyan nila. Marami rami din ang nahulog sa sinasakyang kabayo dahil sa mga patusok na iyon pero agad din nakabawi ang kalaban at sinira ang  mga patusok na iyon gamit ang mga earth user sa panig nila bago nagpatuloy sa paglusob sa amin.
 
At doon ko lang napansin, hindi ko makita si Psyche o kahit si Luke saan man ako tumingin pero bago ko p masabi kay Trevas ang napansin ko ay biglang may kung anong lumiwanag sa may likuran namin at kasunod noon ay umalingaw ngaw ang isang malakas na kulob.
 
Bigla akong kinabahan at nanlamig ang buong katawan ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari at tama nga ako, pagkahupang pagkahupa ng malakas na kulog ay pumalit naman ang sigawan ng mga long ranged wizard na tauhan ni Trevas na naka puwesto sa pinaka likuran.
 
Nakakapanindig balahibo ang sigaw nila at rinig na rinig mo talaga sa mga boses nila ang matinding sakit na nararamdaman nila bago sila mawalan ng hininga.
 
“Back stabber piece of sh*t” Rinig kong mura ni Alastor bago siya tumakbo papunta sa likuran kung saan nagmumula ang mga sigawan.
 
“Captain Jared at Lieutenant Min. Kayo ang bahala dito, kami na nila Alissa at ng nanay niya ang bahala sa likod” sabi ni Trevas at bago pa makasang ayon sila captain Jared ay hinawakan na niya kami ni mama sa braso at initeleport papunta sa may likuran.
 
Tulad nga ng inaasahan ko, tutmambad sa amin ang maraming bangkay na halos buto’t balat nalang ang natitira at sa gitna noon ay nakatayo si Psyche na nasa winter demon form niya at sa tabi niya ay si Luke na naka transform din na siyang ultimate skill niya pero imbes na sa kanila ay nakatuon ang atensyon ko kay Lady Mara na tahimik na nakatayo sa may likuran ni Psyche.
 
Diretso ang tindig nito at walang emosyon ang muka habang nakatingin sa mga bangkay sa paligid niya.
 
“Oh look who we have here, It’s nice to see you again” bati ni Psyche bago ngumisi ng nakakatakot sa amin.
 
“Well for me it’s not nice” sagot ni mama pero hindi siya pinansin ni Psyche at nagpatuloy lang sa pagsasalita.
 
“Hindi ko alam kung paano niyo nalaman na susugod kami, it’s suppose to be a surprise” natatawang sabi ni Psyche bago naglakad papalapit sa amin.
 
Bigla kong naalala si Lina dahil sa sinabi niya. Hindi alam ni Psyche na maging kami ay hindi namin alam kung paano nalaman ni Lina ang tungkol sa pagsugod nila.
 
“Well anyways, I have a gift for you dear Trevas” pagpapatuloy ni Psyche bago kinuha yung suot suot niyang mahiwagang bracelet.
 
Nagliwanag yung bracelet na hawak niya bago ito unti unting naghugis isang bag na naglalaman ng kung anong mabigat na bagay. Inihagis ni Psyche sa sahig yung bag na iyon dahilan para matapon ang laman nito at bumulagta sa amin ang isang ulo na dilat pa at nababalot pa ng dugo.
 
Bigla akong napapikit at pinigilan ang sarili na masuka kahit na hinang hina na ang tuhod ko. Pinilit kong burahin sa isip ko ang nakita ko pero alam ko sa sarili ko na tatatak na iyon sa utak ko.
 
“I assume you know whose head is that Trevas?” rinig kong tanong ni Psyche pero hindi ko parin magawang midilat ang mga mata ko. Hindi ko kilala kung kanino mang ulo iyon pero halos bumaliktad na ang sikmura ko at halos bumigay na ang mga tuhod ko, paano pa kaya ang nararamdaman ni Trevas na mukang kilala ang taong nagmamay ari ng ulong iyon.
 
Hindi ko narinig na sumagot si Trevas kaya nagpatuloy lang si Psyche.
 
“Ang hina naman ng spy na pinadala niyo” sabi ni Psyche at doon ko lang narealize na ang ulong inihags niya kanina sa sahig ay pagmamayari ng spy na pinadala nila Trevas sa panig nila Psyche.
 
“Onting torture ko lang, bumigay na agad at sinabi kung nasaan kayo. How disappointing” pagpapatuloy ni Psyche. “Anyways, enough with the talking, Let me kill you now”
 
Bigla akong napadilat nang marinig ko ang sinabi ni Psyche at namalayan ko nalang na nasa harapan ko na si Psyche at nakangisi sa akin.
 
Parang nagslow-motion ang lahat habang papalapit nang papalapit sa akin ang matulis na itim na bagay sa kamay ni Psyche at masyado akong nagulat para makapag react agad pero laking pasasalamat ko nang bigla akong hawakan ni Trevas sa bewang at tineleport kami pareho ilang hakbang mula kay Psyche.
 
“Ugh! Luke!” Inis na sigaw ni Psyche nang bigla akong maglaho sa harapan niya bago nilingon si Luke. “Make yourself useful”
 
Hindi nagsalita si Luke pero nakita kong tumango siya bago naglakad papalapit sa amin ni Trevas.
 
“Go to you mother, ako na ang bahala dito” sabi ni Trevas sa akin pero nakatuon ang mga mata niya kay Luke.
 
“But…” panimula ko. Naalala ko bigla yung kinuwento ni mama, anak ni Zeus at Laramie si Luke kaya walang duda na malakas ang kapangyarihan ni Luke.
 
“It’s ok, I’ve defeated him once, I can do it again” sabi ni Trevas bago siya binalot ng itim na mahika at unti unting nagtransform sa ultimate skill niya.
 
Naging kulay itim ang buong katawan niya at nagkaroon siya ng malalaking mga pakpak at ang tanging nagliliwanag lang sa kaniya ay ang mga mata niya na ngayon ay nakatingin na sa akin.
 
Magsasalita pa sana ako pero biglang naagaw ang atensyon ko nang makita ko ang paglalaban nila mama at Psyche na hindi ko alam kung kailan nagsimula.
 
“Go, kailangan ka ng mama mo” sabi ni Trevas sa nakakatakot niyang boses bago ibinaling ang tingin kay Luke.
 
Tumango ako at maglalakad na sana papalayo pero bigla akong nakaramdam ng kung ano. Parang may kung anong mabigat sa dibdib ko at bigla akong kinabahan na para bang binabalaan ako ng sarili kong katawan sa isang masamang mangyayari.
 
“Go” nabalik sa kasalukuyan ang atensyon ko nang marinig ko ang sinabi ni Trevas. Napatingala ako sa kaniya at hindi ko napigilan ang sarili ko na lumapit sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit.
 
“Don’t die” bulong ko sa kaniya.
 
Sobrang saglit lang ng ginawa kong pagyakap sa kaniya bago ako mabilis na bumitaw at nagteleport papunta sa direksyon nila mama at Psyche kaya hindi ko na narinig ang sagot ni Trevas.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon