Chapter 7: Trevas

3.5K 192 4
                                    

Trevas

It has been a month simula noong naglakbay kami ni Lina paalis ng kaharian ng Bauxacel. Mas pinili naming pumunta sa kaharian sa hilaga na tinatawag na kaharian ng Beifang kesa manatili sa Bauxacel kung saan maraming makakakilala sa amin.

Nanatili muna kami ni Lina sa gubat malapit sa kaharian ng Beifang kesa manirahan sa loob ng kaharian. Dito kasi sa gubat ay malayang malaya kami ni Lina na makapag training.

Mabilis akong umilag pakaliwa nang biglang paliparin ni Lina papunta sa akin yung isang malaking bato.

Isang Air User level 4 si Lina kaya naman isa sa mga kakayahan niya ang magpalutang ng mga bagay bagay gamit ang kapangyarihan niyang hangin.

Pasikat palang ang araw pero gising na gising na kami ni Lina at kasalukuyang nag t-training para mas lalong mahasa ang kapangyarihan namin.

Pinalibot ko ang watter barrier sa paligid ko bago ko ito unti-unting pinagyelo. Naghagis nang naghagis nang bato at kung ano ano pang matitigas na bagay si Lina sa direksyon ng ice barrier gamit ang air element niya pero kahit anong gawin niya ay wala manlang naging gasgas sa yelong iyon.

Natatakpan ako ng Ice barrier kaya hindi nakita ni Lina ang pagteteleport ko palabas ng ice barrier papunta sa may likuran niya. Napansin nalang niya nang itutok ko sa leeg niya ang hawak hawak kong matulis na ice spear.

"I won again" bulong ko sa kanya bago ako lumayo at kasabay non ay biglang naglaho ang hawak hawak kong spear at ang ice barrier na kanina pa binabato ni Lina.

"Paano mo nagagawa iyon?" Tanong ni Lina.

Napalingon ako sa kanya at nagdalawang isip kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo.

"You can teleport?" Manghang-manghang tanong ni Lina.

Nginitian ko siya bago ako tumango. Umupo ako sa may malaking bato sa gilid at pinalipad-lipad sa mga daliri ko ang isang bulaklak na may matulis na talutot.

"Wow Alissa" napangiti ako dahil hindi na ako tinatawag ni Lina na Young miss. "Kaya mong kontrolin ang tubig, yelo, mga bulaklak. Kaya mong lumipad at mag teleport"

Hindi ko masisisi si Lina kung bakit ganon nalang ang pagkamangha niya. Dito sa mundong ito ay maswerte kana kung makakakuha ka ng dalawang element at napaka swerte mo na kung tulad ko ay makakakuha ka din ng kapangyarihan ng isang flower spirit. At idagdag mo pa ang kakayahan kong makapag teleport na tanging Light user lang ang nakakagawa at ang kakayahan kong makalipad na tanging level 10 air user lang ang makakagawa.

Nitong nakalipas na isang buwan ay nagagamay ko na ang bago kong kapangyarihan at maging ako ay namamangha dahil sa sobrang lakas nito at sigurado ako na once na ma-master ko na ang pagkontrol dito ay wala nang makakatalo pa sa akin. Not even luke.

"Ano pang kaya mong gawin?" Tanong ni Lina bago umupo sa tabi ko.

'Anna?'

'Yes?' sagot ni Anna.

'Ano pang kapangyarihan ang kaya mong gawin?' tanong ko sa kanya.

'Mas exciting kung unti-unti mong matutuklasan' bumungisngis si Anna dahilan para mapa iling-iling ako.

'So ibig sabihin meron pa akong kapangyarihan na hindi na tutuklasan?' tanong ko sa kaniya.

'Yep!'

"Alissa?" Napalingon ako kay Lina na ngayon ay nakatitig sa akin tyaka ko naalala na naguusap nga pala kaming dalawa.

"Ano ulit yung tanong mo?"

"Ano pa ang kaya mong gawin? Bukod sa water and ice magic, teleportation at levitation?"

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon