Chapter 13: Set

3K 141 7
                                    

Set

Mabilis na lumipas ang isang linggo at sa wakas ay dumating na din ang araw ng pag-alis namin papuntang kanluran. Maaga palang ay gising na kami nila Lina at Trevas para maghanda pero hapon na nang dumating kami sa kampo sa kanluran kung saan naka pamalagi ang nasa 3,000 na mandirigmang pangungunahan ni Trevas.

Dapat talaga ay 5,000 na mga mandirigma ang pangungunahan ni Trevas pero ang lahat ng iyon ay tauhan ng palasyo at walang wala ito sa 3,000 na mandirigma na si Trevas mismo ang nagtrain at nagpalakas.

Ang napagusapan nung una ay tag 5,000 sila Trevas at Alastor na mandirigmang gagamitin pero nagpumilit si Trevas na ang pangungunahan niya ay ang mga sarili niyang tauhan kaya naman in the end, pumayag ang hari kahit na 3,000 lang ang tauhan ni Trevas habang 7,000 naman ang kay Alastor.

"Bakit ka pumayag na mas kaunti ang tauhan mo?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa loob ng kampo. Napakaraming kulay green na tent ang nakatayo sa loob ng kampo pero sa pinaka gitna ay ang isang malaking tent kung saan kami kasalukuyang patungo.

Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao dahil bukod sa lutang na lutang ang suot suot naming damit ay kaming dalawa lang ni Lina ang babae na naririto.

Nang makapasok na kami sa malaking tent ay tyaka lang ako hinarap ni Trevas at sinagot ang tanong ko. "Mas pipiliin kong pangunahan ang 300 na mga tauhan na pinagkakatiwalaan ko kesa sa 500 na mga tauhan na anumang oras ay maaring magtraydor sa akin"

Magsasalita pa sana ako pero biglang naagaw ang pansin ko ng tatlong lalaki sa loob ng tent na kasalukuyang nag-uusap habang nakapalibot sa isang malaking lamesa na may mapa at may pin kung saan-saan. Kung isang normal na element user lang ako ay malamang hindi ko maiintindihan ang mapa na ito pero ako si Alissa Knoxx, anak ng isang makapangyarihang heneral kaya naman naiintindihan ko ang ibig sabihin ng nasa mapa.

"Bakit may mga babae dito?" Tanong nung lalaki na may itim na mahabang buhok na naka pusod at isang manipis na balbas.

"Care to introduce us general?" Tanong ng isang lalaki kay Trevas na siyang ikina tigil ko. Trevas is a general?

Napalingon ako kay Trevas bago napatingin sa balikat niya kung saan ngayon ko lang napansin ang apat na bituin na nakatahi sa suot suot niyang combat clothes na nagsisimbolo na isa nga siyang heneral.

"Alissa, Lina, this is lieutenant general Jared" tinuro ni Trevas yung lalaki na seryoso ang mukha at may itim na mahabang buhok. Napatingin ako sa balikat niya at doon nakita ko ang tatlong butuin na nakatahi sa combat clothes niya.

"This is sergeant major general Min" tinuro ni Trevas yung lalaking blonde ang buhok at nginitian naman niya kami. Tulad ng ginawa ko kay lieutenant Jared, tinignan ko din ang balikat ni Sergeant Min at doon nakita ko ang dalawang bituin.

"And this is Colonel Jay" kulay black din ang buhok ni colonel Jay tulad ng kay Lieutenant Jared pero higit na mas maaliwalas ang mukha niya kumpara kay Lieutenant Jared na parang laging galit sa mundo.

"Everyone, this is Lina" tinuro ni Trevas si Lina "And this is Alissa"

"And why are they here?" Tanong naman ni Sergeant Min.

"They are powerful Mage at kailangan natin sila sa laban" sagot ni Trevas bago naglakad papalapit sa lamesa at pinagmasdan ang mapa na nakalatag doon.

"May alam ba sila sa pakikipaglaban?" Kunot nuong tanong ni lieutenant Jared na siyang ikinataas ng kilay ko.

"Are you mocking us?" Tanong ko sa kaniya dahilan para mapalingon siya sa direksyon ko.

"No, gusto ko lang makasiguro na hindi kayo tatanga-tanga sa oras mismo ng laban" sagot nito.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon