Chapter 4: Trials

4.2K 197 3
                                    

Trials

Kasalukuyan akong naglalakad paalis ng malawak na lupain na pinanggalingan ko. Ang kaninang lupain na punong puno ng bulaklak ay ngayon ay lupa nalang ang makikita at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ako ang may gawa noon.

Nang makaalis na ako sa malawak na lupain ay natagpuan ko ang sarili ko tapat ng isang malawak na lawa. Napakaganda ng lawa at nagrereflect dito ang maliwanag na mga butuin at malaking buwan pero ang pinaka kapansin pansin ay ang isang malaking bato sa gitna noong lawa kung saan may naaninag akong nakaupo.

"Sino yun anna?" Tanong ko habang titig na titig sa kung sinomang nakaupo doon sa bato pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maaninag dahil sa dilim.

"Bakit hindi mo lapitan?" Bumungisngis na naman si Anna kaya bigla akong kinabahan.

Dahan dahan akong lumapit doon sa lawa habang nakatingin padin doon sa taong nakaupo sa may bato.

Nang makarating ako sa lawa ay ginamit ko ang aking mahika para makapaglakad sa ibabaw ng tubig. Bawat hakbang ko ay nagdudulot ng maliliit na alon sa tubig pero hindi parin gumagalaw sa puwesto yung nakaupo doon sa may bato.

Nang ilang metro nalang ang layo namin sa isat isa ay bigla akong napatigil nang mapagtanto ko kung ano yung nakaupo doon. Hindi ito tao, isa itong serena. Nagningning ang kulay berde nitong makikinam na buntot dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan habang ang kanyang buhok ay kasing itim ng kalangitan.

Ngumiti ito sa akin bago biglang tumalon sa tubig una ang uluhang bahagi ng katawan. Kasabay ng paglusong niya sa tubig ay bigla din akong lumubog dahilan para pumasok ang tubig sa ilong ko.

Isa sa mga katangian ng Water user tulad ko ang makahinga sa ilalim ng tubig kaya naman hindi ako natatakot na malunog pero bago pa ako makapag react sa mga nangyayari ay biglang nawala yung tubig sa paligid ko dahilan para bumagsak ako sa may buhangin sa ilalim ng lawa.

Gulat akong napalingon lingon sa paligid at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mataas na pader ng tubig di kalayuan. Akala ko ay biglang nawala ang lawa pero it turned out na sa puwesto ko lang biglang nawalan ng tubig.

Nilipat ko ang tingin sa serenang nasa may pader ng tubig na nakangising nakatingin sa akin. Dahan-dahan itong naglangoy papalapit sa akin at nang makarating na siya sa lugar na walang tubig ay biglang umilaw ang buntot niya at napalitan ito ng isang paa at nakasuot na siya ngayon ng isang green na mahabang palda.

Walang duda, isa din siyang water user tulad ko. At sigurado ako na mas mataas ang level niya sa akin. "Who is she?"

"She's Aquarius, the Water spirit" sagot ni Anna.

"Spirit pero may pisikal na katawan?" Kunot nuo kong tanong.

"Lahat ng spirit may pisikal na katawan pero mas pinipili nilang manatiling spirito. Tanging si Aquarius lang ang gustong gustong nasa pisikal niyang katawan dahil sayang daw yung ganda niya kung hindi niya ipapakita" Gusto ko sanang tawanan ang eksplenasyon ni Anna pero bigla itong nawala sa isip ko nang maglabas ng isang malaking vase si Aquarius mula sa kung saan. kulay puti ang vase na ito na may disenyong kulay asul at sa pinaka bukasan nung vase ay may umaagos na tubig.

Iniunat ni Aquarius ang kamay niya at itinapat ito sa direksyon ko dahilan para bigla akong mapaluhod at kasabay noon ay ramdam ko ang unti-unting pag-agos ng mahika palabas ng katawan ko. Isang kulay asul na ilaw ang nagmumula sa akin ang dahan-dahang umagos papunta sa hawak hawak na vase ni Aquarius.

"Quick! Stop her bago niya mahigop lahat ng kapangyarihan mo!" Sigaw ni Anna dahilan para bigla akong matauhan.

Iniunat ko ang kamay ko sa direksyon ng pader ng tubig at kinontrol ito papunta sa direksyon ni Aquarius. Napatigil si Aquarius sa paghigop ng kapangyarihan ko at napaiwas pero nanlaki ang mga mata niya nang muntik na niyang mabitawan yung vase.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon