Chapter 48: Psyche

1.4K 81 2
                                    

Psyche

"What did you just call me?" napataas ang kilay ng babaeng kamukhang-kamukha ni mama at doon ko lang napansin na iba ang kulay ng mga mata niya kumpara kay mama. Kulay asul ang mga mata ni mama habang itim na itim naman ang mata ng babaeng nasa harapan ko. Mas matangkad din ng kaunti ang babaeng ito at iba ang hugis ng muka niya.

"Sorry, you just look like my mother" pagbuntong hininga ko bago napatitig ulit sa mukha ng babae. Paanong kamukhang-kamukha niya si mama?

"Psyche?" naestatwa ako nang marinig ko ang sinabi ni Trevas. Napalingon ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya doon sa babaeng kamukhang-kamukha ni mama. Did he just call her Psyche?

Imbes na sumagot ay ngumisi lang yung babae.

"You're Psyche, I'm sure of it. nakita ko ang isa sa mga portrait mo sa museum sa Beifang" Sabi ni Trevas pero mas lalo lang lumawak ang ngisi ng babae bago siya napatango. "Let me guess, you're Trevas?"

Tumango si Trevas. "You look just like Freya"

Napansin kong naestatwa sa kinatatayuan si Trevas. That's right, si Psyche nga pala ang huling kasama ni Freya ilang taon na ang nakakalipas bago sila parehong biglang naglaho. Itatanong ko na sana kay Psyche ang tungkol doon pero bigla akong nakarinig ng pamilyar na boses.

"Psyche, ready na ang-" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at doon nakita ko si Luke at Lady Mara.

"What are you doing here?" kunot nuong tanong ni Luke nang magtama ang paningin namin. Napahinga ako ng malalim sa loob-loob ko dahil wala na akong ibang naramdaman nang nagtama ang paningin namin.

Humakbang paabante si Trevas at hinawakan ako sa braso bago pinanliitan ng mga mata si Luke. "We're the representative from the Beifang, hindi ba dapat alam mo ang tungkol doon? YOUR HIGHNESS?"

Hindi agad nakapagsalita si Luke at pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Trevas bago napatingin sa kamay ni Trevas na nakahawak sa braso ko.

"That old fool" bulong ni Luke kaya naman napakunot ang nuo ko. bakit hindi alam ni Luke na kami ang gusto ni king Hermes na maging representativeng Beifang para sa Threekingdom alliance?

"Care to introduce us to this- lovely lady, Luke?" tanong ni Psyche kay Luke, hindi inaalis ang tingin sa akin na para bang interesadong interesado sa akin.

"Wait, you don't know me?"

"Do I have to know you?" napakunot ang nuo ko. I was so sure na si Psyche si Anna pero ngayon, hindi na ako sigurado.

"Alissa Kno-"

"We have to go Psyche" pagpuputol ni Luke sa sinasabi ko kaya naman dahan-dahang napalingon sa kaniya si Psyche bago ito napangiti.

"Bakit mukang nagmamadali ka ata?" natatawang tanong ni Psyche sa kaniya.

"It's ready" napansin kong biglang sumeryoso ang mukha ni Psyche nang marinig niya ang sinabi ni Luke. Tumango siya bago nagsimulang maglakad.

"Let's go then"

"Wait-" tawag ko kaya naman napatigil sa paglalakad si Psyche at lumingon sa akin. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero napansin kong may pagka-inip sa mga mata niya kaya naman bigla akong nag alinlangan. Mukhang nagmamadali ata siya.

"Let's meet again"

"I'm sure we will" sabi niya bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Napabuntong hininga ako, ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Sino si Psyche? Kung hindi siya si Anna, then bakit goddess of butterflies din ang tawag ni Anna sa sarili niya? At bakit kamukhang kamukha ni Psyche si mama?

"Tara na, gutom na ako" naudlot ang paglalayag ng isip ko nang marinig ko ang boses ni Lina na mukhang kakagaling lang sa CR. Nagtataka siyang napatingin sa amin ni Trevas nang hindi kami agad nakapagsalita.

"Did I miss something?"

***

Mabilis na lumipas ang tatlong araw at dumating na nga ang unang araw ng grand ball pero hindi pa rin nasasagot ang mga tanong ko. Simula noong una kong nakita si Psyche ay hindi na ulit nagkrus ang landas namin kahit na madalas kaming maggala sa shopping district.

"Baka makita natin siya sa palasyo mamaya" Napatango ako sa sinabi ni Trevas.

Nasa karwahe na kami ngayon na pinadala pa ng palasyo para sunduin kami. Magkatabi kami ni Trevas habang si Lina naman ay nasa harapan namin, nakahalumbaba at nakadungaw sa bintana.

Sakto lang ang dating namin sa palasyo, hindi late pero hindi rin maaga kaya marami nang karwaheng nakapila para sa inspection bago makapasok sa palasyo. Sigurado na ako na malalate na kami dahil mahaba pa ang pila ng mga karwahe pero laking gulat ko nang imbes na pumila ay nagdirediretso lang yung sinasakyan namin papasok at hindi naman kami pinigilan ng mga royal guards.

"Iba talaga pag princess of the first rank" bungisngis ni Lina habang tinatanaw yung mahabang pila ng mga karwahe na nilagpasan lang namin.

"Prince Trevas, Princess Lina and Princess Alissa of the first rank, please follow me" sabi ng isang royal servant sa amin at dinala niya kami sa palace hall ng palasyo ng Bauxacel. Sa totoo lang ay maraming beses na akong nakapasok ng palasyong ito at kabisado ko na rin ang pasikot-sikot nito dahil lumaki nga akong kasama si Luke at isa sa mga playground namin ang palasyo.

"The Representative from the kingdom of Beifang has arrived" rinig kong anunsyo ng isa sa mga royal guards nang makarating kami sa tapat ng pinto ng palace hall. Tradisyon na sa Bauxacel na sa tuwing dumadating sa isang handaan ang mga taga ibang kaharian ay inaanunsyo iyon kaya naman pagkapasok na pagkapasok namin ni Trevas at Lina ay nakatingin ang lahat sa amin at ang iba ay nagbulung-bulungan.

"It's the handsome devil prince" nahagip ng tenga ko ang bulong ng isang babae kaya naman napalingon ako sa kaniya.

Nagtama ang paningin naming dalawa at sabay kaming napakunot ang nuo. Parang pamilyar ang muka ng babaeng ito. Inisip ko nang maigi kung saan ko siya unang nakita pero bago ko pa maalala ay hinawakan ako ni Trevas sa kamay at naglakad papunta sa pinakaharapan ng palace hall. Nakasunod naman sa likod namin si Lina.

"That's him? Ang sikat na sikat na 'The devil'? Hindi ba't masyado siyang gwapo para tawagin lang na demonyo?"

"Malamang, yung katabi niya siguro si 'She devil'?"

"Sino yung isa pa?"

"I can't remember her name, something like lani or lian"

"I don't care about her name, I want crown prince Trevas"

"You can't. It's rumored na may namamagitan sa kanila ni Princess Alissa of the first rank o mas kilala bilang 'she devil'"

"They are not married yet right? Then I still have a chance"

Lalong sumama ang mukha ko nang kung anu-ano pang bulung-bulungan ang nahagip ng tenga ko. Nasanay ako sa Beifang na kinatatakutan si Trevas ng mga kababaihan kaya hindi ko inexpect na ganito ang magiging reaksyon ng mga kababaihan. Siguro kasi hindi pa nila nakikita ang itsura ni Trevas sa tuwing nag-iibang anyo o kaya ay sa tuwing nakikipaglaban sa kaaway kaya ang lakas pa ng loob nila na pagnasaan siya.

"Bakit ba lingon ka ng lingon? Selos ka?" bulong ni Trevas sa akin habang naglalakad pa rin kami papunta sa pinakaharapan.

"You wish" sabi ko bago ko siya inirapan.

"Don't worry, wala akong pakialam sa ibang babae. Just you" seryoso niyang saad kaya naman bigla na naman akong napangiti at hindi ko na pinansin yung mga bulung-bulungan.

"Ako lang ba o parang pamilyar si Princess Alissa?"

"You noticed it too? I wonder..."

"Princess Alissa... Even her name sounds familiar"

Itinuon ko ang atensyon ko sa paglalakad at hindi na pinansin ang bulung-bulungan. Napatingin ako sa walong upuan na nasa harapan.

Ang dalawang upuan sa gitna ay may mataas na sandalan na siyang simbolo ng mataas na pusisyon sa kaharian kaya nakaupo sa isa doon ang hari. Sa kaliwa niya dapat ay ang reyna ng Bauxacel o ang ina ni Luke pero namatay daw ito sa panganganak kay Luke at hindi na nag-asawa pang muli ang hari kaya nanatiling bakante ang upuang iyon hanggang ngayon.

Sa kanan ng hari ay nakaupo si Luke at naka halumbaba pa pero napaupo siya ng tuwid nang makita kaming naglalakad papalapit.

Alam kong isang malaking kasalanan ang tignan ng masama ang hari o ang sinumang miyembro ng royal family pero hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na nang ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa't isa. Bumalik sa alaala ko ang mga kaganapan sa Plaza De Rinos mahigit isang taon na ang nakakaraan. Bumalik sa akin ang mga sigawan at kaguluhan na naganap noong araw na iyon at ang itsura ng bangkay ni papa na para bang kahapon lang iyon nangyari.

Sabay-sabay kaming yumumko nila Trevas at Lina bilang paggalang kahit na labag sa loob ko.

"Trevas Beifang, crown prince of Bauxacel. Lina Lexis, and Alissa Knoxx, princesses of the first rank. Welcome to the kingdom of Bauxacel" bati noong hari na para bang hindi kami taga rito dati ni Lina.

Nagsimula muli ang mga bulung-bulungan pero naglakad lang kami nila Trevas papunta sa tatlong upuan sa kaliwa ng bakanteng upuan na para sa reyna. Nakareserve talaga ang tatlong upuan na ito para sa amin na representative ng Beifang habang ang dalawang bakanteng upuan naman sa tabi ni Luke ay para sa representative na magmumula sa Firlame pero mukhang hindi pa sila makakarating dahil malayo rin ang kaharian ng Firlame kumpara sa Beifang na ilang oras lang ang biyahe mula dito.

"Alissa Knoxx? Hindi ba't patay na siya?"

"And how did she become a princess of another kingdom? And worse, she's the famous 'She devil'?"

"Pfft. More like 'she useless'. Nakalimutan niyo na ba na isang level 2 water user lang si Alissa Knoxx? Malamang ay hindi totoo ang sabi-sabi na napakagaling niya sa digmaan kaya kinakatakutan siya ng mga kalaban" sa gitna ng maingay na palace hall ay lutang na lutang ang boses ng babaeng nakatitigan ko kanina na para bang sinasadya niyang lakasan ang boses niya para marinig ko.

Gusto kong umirap at sagutin ang sinabi niya pero nagtimpi nalang ako at nanahimik. Ayoko namang gumawa ng gulo lalo na't representative ako ng kaharian ng Beifang. Tinignan ko nalang mula ulo hanggang paa yung babae na nakangisi din sa direksyon.

Then it hit me. Bigla kong naalala kung saan ko unang nakita ang babaeng ito. Her name is Hailey at siya ang bangungot ko noong nagaaral pa ako sa Maxica. Isa siya sa mga naging classmates ko noon at siya lagi ang nangunguna sa pangmamaliit sa akin.

Nagsimula ang grand ball at pilit kong hindi pinansin si Hailey na hindi pa rin tumitigil sa pagpaparinig. Ibang iba ang grand ball ng Bauxacel sa grand ball ng Beifang. Kung ang grand ball ng Beifang ay puno ng sayawan at classical music, dito naman sa Bauxacel ay merong mga kung anu-anong performances. Merong mga kumanta, nag painting, tumugtog ng musika at kung anu-ano pa pero ang pinaka inaabangan ng lahat ay ang pagkatapos ng mga performance.

Pag tapos na kasi ang performance ay iseserve na ang mga pagkain pero kasabay noon ay pwedeng mag perform sa gitna ang sinumang may gusto at may talento sa anumang larangan ng sining. Marami ang excited sa bahaging ito ng grand balls ng Bauxacel dahil sa pamamagitan nito ay maari silang makilala at sumikat kung magiging maganda ang performance nila at kung papalarin. Wala akong balak na sumali at mag perform pero hindi ko mapigilang mapairap dahil halos lahat nalang ng kababaihan na nagpeperform ay pasulyap-sulyap kay Trevas na kain lang ng kain sa tabi ko.

"Ang dami mo namang admirer" sabi ko bago sumandal sa upuan. Napalingon sa akin si Trevas, ngumunguya pa rin sa kinakain niya.

Napalingon-lingon si Trevas sa paligid kaya naman napaiwas ng tingin yung mga babaeng kanina pa titig na titig sa kaniya. Lalo akong nairita at parang gusto ko nalang iuwi si Trevas para hindi na siya matitigan ng mga makikiring mga babaeng ito.

"Selos kana?" tanong ni Trevas bago ibinalik ang atensyon sa pagkain na para bang wala lang sa kaniya na kanina pa siya tinititigan ng ibang babae.

Imbes na sumagot ay umirap lang ako. Siguro tuwang-tuwa siya sa loob-loob niya dahil ang daming babae na nagnanasa sa kaniya.

"Hey" tawag sakin ni Trevas nang hindi ko siya sagutin. Hindi ko pa rin siya inimik pero bigla akong napalingon sa kaniya nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mga hita ko.

"Hindi mo kailangang magselos. Masyado silang panget para pagselosan mo"

Napataas ang kilay ko bago ko hindi napigilang matawa. Obvious naman na sinasabi niya lang iyon para hindi ako magselos dahil bukod sa napakaraming babae dito ang mas maganda at mas sexy sa akin ay marami ding mga babaeng mas elegante at mas binibining kumilos tulad nalang ni Lady Mara.

Now that I think about her. Parang hindi ko ata nakita si Lady Mara ngayon. Nagpalingon-lingon ako at sinubukang hanapin si Lady Mara pero bago ko pa siya makita ay naagaw ang atensyon ko nang magpalakpakan ang mga tao dahil mukhang tapos nang magperform yung isang noble lady na tumugtog ng violin.

Nakita kong tumayo si Hailey at naglakad papunta sa harapan, malamang para mag perform pero hindi ko mapigilang kutuban ng masama nang bigla niya akong nginitian.

"I am lady Hailey Haviour, and I want to have a combat duel with Princess Alissa of the first rank"

Bigla na namang nagbulung-bulungan yung mga tao dahil sa sinabi ni Hailey.

Bukod sa performance ng sining ay maaari ring magkaroon ng duel sa kanta, sa sayaw, sa painting pero ang pinaka bihira ay ang combat duel dahil bukod sa maaring may mapinsalang gamit sa palasyo habang isinasagawa ang duel ay maaari ring magkapatayan ang dalawang naglalaban kung hindi mag-iingat.

Imbes na matakot ay bigla akong napangiti, hindi alam ni Hailey kung ano na ang kaya kong gawin.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon