Chapter 30: Coronation day

2.1K 111 16
                                    

Coronation day

"Where is he?" Bungad na tanong ni Vivian pagkapasok na pagkapasok niya sa waiting room ng courtyard ni Alastor kung saan kami kasalukuyang naghihintay para sa balita tungkol sa kalagayan ni Alastor na kasalukuyang chine-check up ng isang royal alchemist.

Mas malaki at mas maganda ang courtyard na ito kumpara sa courtyard ni Trevas kaya naman pakunot ng pakunot ang nuo ko habang pinagmamasdan yung loob ng courtyard na puno mga mamahaling gamit. Meron pa ngang isang malaking painting na nakasabit sa itaas noong fireplace na ipininta pa ni Mauline na isang kilalang-kilalang artist.

Tinuro ni Trevas yung pinto sa may tabi niya. Nakasandal kasi siya sa pader dahil hindi na siya kasya sa upuang inuupuan namin ni Lina habang si lieutenant Jared naman ay nakaupo sa armrest sa side ni Lina.

May mga katulong din na pabalik-balik sa kwarto para magdala ng pagkain para sa amin pero mas pinili namin na huwag yun kainin dahil wala kaming tiwala sa mga katulong ni Alastor.

Dire-diretsong naglakad si Vivian papunta roon sa pinto na tinuro ni Trevas pero bago pa siya makalapit doon ay bumukas na yung pinto at lumabas ang hari kasunod noong royal alchemist.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't napagkasunduan na nating hindi ka na magpapakita rito?" Tanong nung hari kay Vivian.

"I'm not here for you" sabi ni Vivian bago dire-diretsong naglakad papasok sa kwarto kung saan kasalukuyang nakahiga si Alastor sa kama. Umupo sa tabi ng kama si Vivian bago hinawakan ang kamay ni Alastor pero imbes na maawa at lumambot ang puso ko ay lalo lang akong nainis. Kaya niya naman palang mag ugaling tao pero bakit napakademonyo niya kay Trevas? Sabihin na nating hindi niya anak si Trevas, pero Trevas deserves to be treated just like how she treated Alastor. 

Naagaw ang atensyon ko ng magsimulang magsalita yung alchemist tungkol sa kundisyon ni Alastor pero hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya basta ang naintindihan ko lang ay hindi agad-agad magigising si Alastor dahil dumaloy yung dugo niya paakyat sa utak niya dahil sa pagkakabitin patiwarik.

"Hindi pa ba siya mamamatay?" Tanong ni Lina kaya naman bigla ko siyang hinampas sa hita at tinignan naman niya ako ng masama at binalak pang gumanti pero bago pa mangyari yon ay biglang lumabas ng kwarto si Vivian at napatingin kay Lina.

"No, hindi pa siya mamamatay dahil mauuna ka" sabi nito.

"Excuse me?" Tanong ni Lina at kitang-kita ko na napakuyom ang kamao niya dahil malamang ay pinipigilan ang sarili na sugurin si Vivian dahil alam niya na once na saktan niya si Vivian ay gulo ang kapalit dahil bukod sa isang prinsesa ng Firlame si Vivian ay mababa lamang ang ranggo ni Lina na dating personal maid ko lang.

"Sisiguraduhin ko na lahat kayo" tinuro pa niya kami isa-isa. "Mauuna kayong mawala sa mundo kesa kay Alastor"

"Vivian, nakakalimutan mo atang nasa teritoryo kita" sabi noong hari dahilan para mapabaling sa kaniya ang tingin ni Vivian. 

"Oh yeah? Try me Henrick, try me" banta ni Vivian bago siya naglakad palabas ng courtyard.

Bigla akong kinabahan. Hindi naman siguro gagawa ng gulo si Vivian?

Lumipas ang ilang araw at mabuti naman ay hindi gumawa ng gulo si Vivian. Ine-expect ko pa naman na gagawa ng skandalo si Vivian pero tahimik naman kaming nakapanirahan sa nakalipas na araw. Madalas kaming chill lang ni Lina sa courtyard ni Trevas habang si Trevas at Lieutenant Jared ay busy sa pagt-train sa mga tauhan nila sa training camp na matatagpuan sa tabi ng palasyo. Minsan sumasama kami ni Lina sa kanila at pinapanood yung mga mandirigma / wizards na may magagandang katawan na paikot-ikot na nag j-jogging paikot sa field.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon