Chapter 14: Go

2.6K 133 1
                                    

Go

Madaling araw na nang dalawin ako ng antok kaya naman mag tatanghali na nang magising ako. Bumangon ako mula sa kama at nakitang wala na si Lina sa loob ng tent kaya dali-dali na akong naghanda para sa pagsugod mamayang hapon.
 
Isinuot ko ang combat clothes ko na ibinigay sa akin ni Trevas nung nakaraang linggo pero hanggang ngayon ay manghang-mangha padin ako dito. Ilang minuto rin siguro akong napatitig sa repleksyon ko sa salamin bago nagpasyang lumabas na ng tent.
 
Paglabas ko ay ramdam na ramdam ko na agad ang papalapit na panganib. Naka suot na ng combat clothes ang lahat kaya hindi na ganon ka lutang na lutang ang suot ko. Napansin ko ring naglalakad ang lahat papunta sa direksyon ng entrance ng kampo pero hindi ako gumaya sa kanila at naglakad papunta sa main tent tulad ng napagusapan kahapon.
 
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay narinig ko na ang pangalan ko. "Nasaan si Alissa?"
 
"Here" Sabi ko dahilan para mapalingon sa akin sila Trevas, sergeant Min, at colonel Jay na kasalukuyang naguusap habang nakapalibot doon sa lamesa na may mapa. Napalingon lingon ako sa paligid nang hindi ko nakita si Lina pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang pumasok sa tent si Lieutenant Jared at sa braso niya ay nakapulupot si Lina.
 
"Bakit ba ayaw mo sakin?" Tanong ni Lina.
 
"Hindi sa ayaw ko sayo—'
 
"Edi gusto mo nga ako?" Tanong ni Lina na siyang lalong nagpasakit ng ulo ko. Really Lina? Nakuha mo pang humarot sa lagay na 'to?
 
"Hindi ito ang oras para dyan" seryosong sagot ni lieutenant Jared bago pilit na inalis yung pagkakakapit ni Lina.
 
"Lieutenant" tawag ni Trevas dahilan para mapalingon sa amin ang dalawa. Napansin kong namula ang dulo ng mga tenga ni lieutenant Jared pero si Lina ay taas noo pang naglakad papalapit sa akin.
 
"What was that?" Tanong ko.
 
"What?" Tanong niya pabalik pero bago ko pa siya matadtad ng tanong ay nagsalita na si Sergeant Min kaya nanahimik na kami.
 
"Nakatanggap kami ng balita mula sa spy na pinadala sa kampo ng mga barbarians na merong ibang kaharian ang tumutulong sa kanila"
 
Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya nang marinig namin ang sinabi niya. Ibang kaharian?
 
"Hindi namin sigurado kung anong kaharian pero mas malalakas at mas makapangyarihan ang mga tauhan na pinadala nito kesa sa normal na barbarians kaya mukang hindi magiging madali ang paglusob natin" sagot ni Colonel Jay bago napa halukipkip.
 
"Anong sinabi ng kabilang kampo?" Tanong ni Trevas.
 
"Ang kampo nila Prince Alastor? Ang sabi lang ng major general nila ay tuloy ang digmaan kahit anong mangyari" sagot ni Sergeant min.
 
Napatango tango si Trevas bago napakagat sa kuko habang nagiisip ng malalim. "Sa tingin ko ay mas mabuting alamin muna natin kung gaano kalakas ang mga tauhan ng kahariang tumutulong sa mga barbarians"
 
Napatango tango kaming lahat at sumang-ayon. Hindi namin alam kung gaano kalakas ang magiging kalaban namin kaya hindi magandang ideya kung basta basta nalang kaming susugod.
 
"Colonel, retreat. Paki balitaan nadin ang kabilang kampo." Sabi ni Trevas kay colonel jay pero bago pa siya makasagot ay may biglang pumasok sa tent. Sabay-sabay kaming napalingon at doon nakita naming nakayuko ang isang lalaki na hingal na hingal na para bang may hinahabol.
 
"Ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi kami pwedeng istorbohin kapag nagpupulong?" Seryosong tanong ni lieutenant Jared. Napatayo ng tuwid yung lalaki sa may pinto bago sumaludo at hingal na hingal na nagsalita.
 
"Lieutenant, nauna nang sumugod ang kampo nila Prince Alastor"
 
"What?!" Biglang nahampas ni Trevas yung lamesa dahilan para magtumbahan yung mga flags na nakatayo doon. Dali-daling naglakad palabas si Trevas at susunod na sana sila lieutenant jared at colonel jay pero bigla akong nagteleport papunta sa may pinto at hinarangan ang daan nila.
 
"How did you do that?" Gulat na tanong ni Sergeant Min bago nagpalingon-lingon sa akin at sa puwesto ko kanina sa pinakalikod. Nakalimutan kong hindi pa pala nila alam ang totoong kapangyarihan ko.
 
"Hindi na mahalaga kung pano basta kaya ko kayong iteleport ng sabay-sabay para mas mabilis tayong makarating sa labas ng kampo." Napansin kong nagkatinginan silang apat pero si Lina ay dirediretso lang na kumapit sa akin. Tumango si Trevas sa tatlo bago sila kumapit sa balikat ko at kasabay noon ay ang pagteteleport ko papunta sa harapan ng kampo.
 
Naramdaman ko ang malaking bawas sa kapangyarihan ko pero unti unti din iyong napalitan nang maramdaman ko ang pagdaloy ng kapangyarihan mula sa damit ko.
 
Napalingon lingon ako sa paligid at tumigil ang paningin ko sa kampo nila Alastor di kalayuan na ngayon ay tahimik at wala nang tao.
 
"Shit" narinig kong bulong ni lieutenant Jared habang nakatingin kung saan at nang sinundan ko kung saan siya nakatingin ay halos mapamura na din ako.
 
Kita dito, mga isang kilometro ang layo ay ang sabay sabay na pagmamartsa ng libo libong tauhan ni Alastor papunta sa kampo ng mga barbarians.
 
"What is he doing?!" Tanong ni Trevas bago napasuklay sa buhok.
 
Napalingon ako sa likod namin at nakitang ang 3,000 tauhan ni Trevas ay nakapuwesto na aa kani kaniyang pwesto. Sa harap ay ng mga earth at fire user habang sa gilid at likod naman ang mga water at air user. Meron ding mga rare element user pero dadalawa lang na nature user, walang wala sa kapangyarihan namin ni Trevas na level 7 dark at ako na level 7 din na ice user.
 
"Alissa, kaya mo ba akong iteleport sa puwesto ni Alastor" napalingon ako kay Trevas bago napatingin sa direksyon ng mga tauhan ni Alastor. Kita ko naman kung saan ako magteteleport kaya pwede. Tumango ako kay Trevas kaya naman agad niya akong hinawakan sa pulsuhan at sabay kaming nagteleport sa harapan ng 7,000 na mga mandirigma at sa harapn nila ay si Alastor.
 
"How?" Tanong ni Alastor nang makita niya ang bigla naming pagsulpot sa harapan nila. Itinigil niya ang puting unicorn na sinasakyan niya kaya naman napatigil din yung iba sa paglalakad dahil tanging si Alastor lang ang nakasakay sa isang unicorn.
 
"Stop it already Alastor, hindi ito ang plano natin" sabi ni Trevas na siyang ikinatawa ni Alastor.
 
"What? You actually thought na susunod ako sa plano?" Mayabang na tanong ni Alastor dahilan para mapakunot ng nuo ko. Hindi naman siya ganito kalakas ang loob noong nasa palasyo kami. Lagi lang siyang tahimik na nakabuntot sa nanay niyang demonyo pero ngayon ay ang lakas-lakas ng loob niya dahil merong 7,000 na mandirigma sa likod niya.
 
Napansin kong napakuyom ang kamao ni Trevas kaya naman hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin.
 
"Would you look at that? Napaka sweet naman, siya ba yung nagteleport sa inyo papunta dito?" Hindi kami umimik, hindi namin kailangang sabihin sa kaniya ang kapangyarihan ko.
 
"She's quite useful. Kung ganon, I'll take care of her pag ako na ang hari Trevas. I'll take good care of her" nakangising sagot niya at halos masuka na ako sa pagmumuka niya.
 
"Wag kang tumuloy Alastor, may mga kasabwat na taga ibang kaharian ang mga barbarians kaya hindi dapat tayo magpadalos dalos—"
 
"Oh shut up" pagpuputol ni Alastor sa kaniya. "Walang wala ang mga yan kumpara sa 7,000 na royal army ng kahariang Beifang" sabi niya sabay turo pa sa likod niya.
 
Napansin kong may lumapit kay Alastor na isa sa mga tauhan niya at sigurado ako na to ang major general ng kampo nila alastor dahil sa dalawang star na nakatahi sa may balikat ng suot niyang combat clothes.
 
Ibinaba ni Alastor ng bahagya yung ulo niya para pakinggan ang sinasabi ng lieutenant niya pero biglang uminit ang ulo niya at galit na napatingin dito.
 
"Anong ibig mong sabihin na pumayag na ako sa gusto nila? This is our chance na matalo ang mga barbarians nang hindi ume-epal yang sampid na yan" tinuro ni Alastor si Trevas.
 
Kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya kaya naman kinontrol ko yung maliit na bulaklak na nasa may paanan ko at pinalipad ito sa direksyon ni Alastor. Tumama ito sa pisngi ni Alastor at agad na dumugo, napahawak siya dito at napangiwi sa sakit habang pinagmamasdan yung dugo sa kamay niya.
 
"Who did that?" Sigaw ni Alastor bago nagpalingon lingon pero tumigil ang tingin niya sa amin ni Trevas. "It was you two, right?"
 
Hindi kami umimik dahilan para magalab ang muka ni Alastor sa galit. Inipon niya ang apoy sa may kanang kamay niya at inihagis sa direksyon namin ni Trevas. Bago pa ako makagawa ng water barrier para palibutan kami ay pumunta sa harapan ko si Trevas at pinaikot sa ere yung braso bago pinagkrus sa may dibdib niya at kasabay noon ay may itim na bilog ang sumulpot sa harapan namin at sa gitna noon ay may itim na triangle at mga salitang nakasulat na hindi ko maintindihan.
 
Tumama yung apoy sa ginawang shield ni Trevas pero agad din itong naglaho.
 
"Tumigil ka na Alastor, you can't win this fight" sabi ni Trevas bago unti -unting tinanggal yung itim na shield sa harapan namin.
 
"Then what? Ikaw naman ang susugod para masolo mo yung mga barbarians at ikaw ay maging susunod na hari?"
 
"Hindi lang ito tungkol sa trono Alastor, kailangan nating matalo yung mga barbarians na may kasabwat na ibang kaharian alang-alang sa kaligtasan ng buong Beifang" sagot ni Trevas.
 
"I can defeat them myself"
 
"Hindi mo sila kayang talunin mag-isa, at isa pa this is your first time na sasabak ka sa gera kaya mas maganda kung aatras ka muna at pagplanuhan natin ng maigi" sabi ni Trevas.
 
"Too late" sagot ni Alastor habang nakatingin sa likuran namin ni Trevas. Sinundan ko ang tingin niya at doon nakita ko hindi kalayuan ang sabay sabay na pagmamartsa ng mga barbarians.
 
Nakasuot sila ng damit na gawa sa balat ng hayop at mga helmet na gawa sa matigas na bakal pero napakunot ang nuo ko nang mapansing hindi naman ganon karami ang bilang ng mga barbarians tulad ng inaasahan ko at wala rin silang kasamang taga ibang kaharian tulad ng sinabi ni Sergeant min kanina.
 
Binalik ko ang tingin ko kay Alastor nang marinig ko siyang tumawa.
 
"See? Bakit ako matatakot sa mga iyan?" Tanong ni Alastor bago iniot yung sinasakyan niyang unicorn at humarap sa 7,000 na mga tauhan niya.
 
"Today, we will fight! And we will win! Makukuha natin ang dangal bilang tagapagtanggol ng kaharian at ako ay makukuha ko ang trono at bawat isa sa inyo ay makakatanggap ng parangal!" Sigaw ni Alastor at kasabay non ay ang paghiyawan ng mga tauhan niya.
 
Humarap ulit si Alastor sa direksyon namin bago pinag apoy yung kanang kamao niya at nginitian kami.
 
"FOR BEIFANG!" Sigaw ni Alastor bago pinatakbo yung sinasakyan niyang unicorn at sumunod naman sa kaniya ang libo-libong mga tauhan niya.
 
Hinawakan ko si Trevas sa braso at agad na nagteleport nang malapit na kaming masagasaan ng unicorn ni Alastor. Nakabalik na kami sa puwesto namin kanina sa tabi nila lieutenant Jared at Lina pero kitang kita mula dito ang kaganapan sa side nila Alastor.
 
Walang pag alin-langan na sumugod ang kampo ni Alastor sa mga barbarians na mas kakaunti ang bilang kesa sa kanila. Unang tingin mo palang ay alam mo na kung sino ang mananalo sa laban na ito pero laking gulat ng lahat nang bumukas ang lupa sa paligid ng mga tauhan ni Alastor at mula doon sa hukay ay sumulpot ang libo libong mage at wizard na mukang taga ibang kaharian.
 
Nanlamig ang buong katawan ko habang pinapanuod na mapaligiran ng halos nasa 10,000 mga mage at wizard ang nga tauhan ni Alastor at idagdag mo pa ang mga barbarians na walang habas silang pinaulanan ng pinaghalong apoy, tubig, lupa, at malakas na hangin. Rinig na rinig ang sigawan ng mga tao hanggang dito habang unti-unting nauubos ang mga tauhan ni Alastor.
 
"Retreat!" Sigaw ni Trevas sa isang malakas na boses kaya naman umatras ang halos nasa 3,000 tauhan niya.
 
"Sergeant Min, ready the traps. Lieutenant Jared and Colonel jay, Code red kailangan natin ng back up mula sa palasyo" sabi ni Trevas sa tatlong general at isa-isa naman itong tumango bago umalis para sundin ang utos.
 
Humarap sa amin si Trevas. "You two stay with me."
 
Tumango kami ni Lina bago sumunod sa utos niya. Isa isang pumwesto ang lahat na para bang magkakakonekta ang mga utak nila na kahit na hindi sila magsalita ay alam nila ang dapat gawin. Nasa halos 2,000 ang kasama namin dito sa front lines habang may 500 na nagseset up ng mga traps sa harapan namin habang ang natitirang 500 ay umakyat sa mataas na bundok sa likuran namin para magsilbing long ranged habang kinakalaban namin ang paparating na mga kaaway.
 
Maganda ang pwesto namin dahil may malaking bundok sa likod namin kaya hindi makakasugod patalikod ang kaaway pero ang masama lang ay hindi kami makakatakas kung nagkataon man na kailangan naming tumakas.
 
"Napadala na ang message sa palasyo pero aabutin pa ng ilang oras bago makarating dito ang back-up"
 
Napakagat labi si Trevas sa sinabi ni lieutenant Jared habang tinatanaw ang nangyayaring labanan nila Alastor at ng mga kaaway hindi kalayuan. "Wala ka talagang kwenta Alastor kahit kelan"
 
"What's your order, general?" Seryosong tanong ni lieutenant Jared sa kaniya.
 
"We fight" sagot ni Trevas, hindi parin inaalis ang tingin sa mga kaaway na ngayon ay natatalo na ang mga tauhan ni Alastor.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon