Chapter 61: Magic seal

1.3K 72 1
                                    

Magic seal

Unedited


​Sa isang kampo ay merong mga naka assign na magluluto ng pagkain habang meron din namang naka assign na magpapadala ng pagkain sa bawat tent. Bawat oras ng pagkain sa isang araw ay iba iba ang nakatoka kaya naman iba ibang lasa ng pagkain din ang matitikman mo sa loob ng isang araw.

Minsan ay may pagkain na masarap, minsan naman ay may pagkain na sobrang alat o kaya naman ay sobrang tabang pero ngayong unang araw namin dito sa kampo sa bundok ng Jeufeng ay masarap naman ang pagkain. Mukang magaling magluto ang na-assign sa pagluluto ng pagkain.

Napasandal ako sa upuan at napahawak sa tiyan ko dahil mukang naparami ata ang kinain ko pero bigla akong napatigil nang makita ko si mama na nakatingin lang sa akin at hindi ginagalaw ang pagkain niya.

"Bakit hindi ka kumakain, ma?" tanong ko sa kaniya bago humigop ng tubig mula sa baso ko.

Pilit na napatawa si mama. "You know I'm dead right?"

Napatigil ako at doon ko lang naalala ang sinabi niyang parte nanga lang pala ng kaluluwa niya ang nakikita ko ngayon.

"By the way, bakit wala parin si Lina? Gaano kadami ba yung pinaguusapan nila ni Jared?" Tanong ni mama nang mapansin niyang wala parin si Lina at lumalamig na ang pagkain na nakahain para sa kaniya.

"I'll look for her, baka naligaw lang at hindi mahanap kung nasaan itong tent natin" sabi ko bago tumayo at lumabas ng tent para bumalik sa main tent kung saan kami nagmeeting kanina pero bago pa ako makalayo ay naaninag ko si Lina na dahan dahang naglalakad.

"Lina!" Tawag ko sa kaniya bago ako naglakad papalapit sa kaniya pero hindi pa ako nakakahakbang ay nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang mapaluhod sa sahig.

Dali dali akong tumakbo papunta sa kaniya at doon ko lang napansin na namumutla siya at pawis na pawis.

"Anong nangyari? Anong ginawa sayo ni Captain Jared?" tanong ko sa kaniya at inalalayan siya tumayo.

"Masama lang ang pakiramdam ko" nanginginig ang boses niya at nanghihina ang mga tuhod niya habang inaalalayan ko siya pabalik sa tent namin.

"What happened?" nag aalalang tanong ni mama pagkapasok na pagkapasok namin pero inilingan ko lang siya dahil maging ako ay hindi rin alam kung ano ang nangyari.

Dinala ko si Lina sa isa satatlong higaan at hiniga siya doon.

Nakita kong napapikit si Lina at napahawak sa tiyan habang nakakunot ang nuo na para bang nakakaramdam ng matinding sakit.

"Tell me the truth Lina, what happened?" Tanong ko ulit sa kaniya kaya napamulat siya at napatingin sa akin. Maluha luha ang mga mata niya pero hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sama ng pakiramdam niya o may iba pang dahilan.

Umiling si Lina. "Bigla lang sumama ang pakiramdam ko, baka may nakain lang akong hindi maganda"

Napakunot ang nuo ko, base sa memorya ko ay hindi pa kumakain si Lina ng kahit ano mula ng dumating kami dito sa kampo at ang kinain lang naman namin noong nanatili kami sa Knoxx manor ay pagkain na patagong binili ni Trevas sa shopping district ng Bauxacel pero hindi nalang ako nagsalita at pinunasan ang nuo niyang pawis na pawis gamit ang isang tuwalya.

"You don't have to take care of me, hindi na ako bata" natatawang sabi ni Lina bago kinuha yung towel mula sa akin at pinunasan yung sarili niya kaya wala akong ibang nagawa kundi panoorin nalang siya.

"Buong araw mo lang talaga akong tititigan?" Natatawang tanong ni Lina nang makita hindi ako gumalaw sa pwesto ko at pinanuod lang siya.

"Maybe, do you want me to?" Sagot ko, naalala ko yung mga panahong si Lina ang nagaasikaso sakin sa tuwing ako ang may sakit noong bata pa ako. Tatlong taon lang halos ang tanda sa akin ni Lina kaya siya ang inassign ni mama na amging personal maid ko noon pero kahit na ganon ay kapatid halos ang turing namin sa isa't isa.

"No, I think mas maganda kung gagawin niyo na ngayon yung pag u-unseal sa kapangyarihan mo" Sabi ni Lina bago biglang napahawak sa tiyan niya na para bang sobrang sakit noon.

Bigla kong naalala ang tungkol sa bagay na iyon. Napalingon ako kay mama na nakaupo sa kabilang kama.

"I think we should unseal it tomorrow" Sagot ni mama sa akin bago pa ako makapagtanong kung kelan niya gustong I unseal. "Medyo nakakapagod ang prosesong iyon kaya sa tingin ko dapat bukas nalang natin gawin at magpahinga nalang muna ngayon araw tutal kakarating palang naman natin at sa susunod na araw pa ang pag atake natin sa kampo ng mga rebelde"

Tumango ako. Sang ayon din ako sa gusto ni mama dahil ayaw ko ding iwan ngayon si Lina na walang ibang mag aalaga kundi kami ni mama pero mukang tutol si Lina.

"I think you should do it now" Sabay kaming napalingon sa kaniya ni mama.

"Why?"

"You'll never know what will happen" sabi ni Lina kaya sabay kaming napatigil ni mama.

Ito na ang pangalawang beses na narinig ko ang mga salitang iyon ngayong araw at hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong kinabahan.

"Sa tingin ko mas magandang I-unseal niyo na ngayon ang magic mo para makapag training ka pa bukas" sabi pa ni Lina kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya.

Ibinaling ko ang tingin ko kay mama at nakitang nakatingin din siya sa akin. "What do you think?"

"May point si Lina pero ikaw parin ang magdedesisyon kung kelan mo gusto" sagot sakin ni mama.

Gusto ko talagang mag stay nalang muna dito sa tent at alagaan si Lina pero biglang napakunot ang nuo ko nang makita ko ang mga tingin sa akin ni Lina.

"Go" sabi niya na para bang nagmamakaawa sa akin na pumayag na ako sa gusto niya. Bakit ba parang gustong gusto niya akong umalis?

Napabuntong hininga nalang ako at napatango. "Fine, pero magpapadala ako dito ng Alchemist para malaman ang sakit mo at mabigyan ka ng gamot"

Ngumiti lang si Lina bago tumango at kahit noong palabas na kami ni mama ng tent ay hindi na siya umimik pa.

Bago lumabas ng tent ay napalingon ako sa kaniya. Nakatulala siya kung saan at hindi ko alam kung anong iniisip niya pero napansin kong may pag aalala sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.

Nagkibit balikat nalang ako bago lumabas ng tent. Hindi ko alam kung bakit parang ang weird ni Lina ngayon pero malamang dahil lang iyon sa pag uusap nila ni Captain Jared kanina.

***

Wala akong ideya kung ano ang proseso sa pag aalis ng magic seal ni mama sa akin pero medyo kinabahan ako nang dalhin niya ako sa malawak na lupain sa tabi ng kampo.

Nakaset up ang kampo sa paanan lang ng bundok ng Jeufeng kaya patag ang lupang inaapakan namin at walang snow dito kumpara sa tuktok ng Jeufeng na nababalot ng makapal na niyebe dahil sa sobrang taas.

"Bakit kailangan nating lumayo sa kampo?" Tanong ko kay mama habang nililingon yung naglalakihang tent na nilalakaran namin palayo.

Napansin ata ni mama yung kaba sa muka ko kaya napatawa siya. "Don't worry, parang kagat lang to ng langgam"

"Bakit parang ayaw kong maniwala sayo?" tanong ko sa kaniya pero imbes na magsalita ay tumawa lang siya ulit. Naalala ko bigla yung bungisngis na anririnig ko mula sa kaniya noong nagpapanggap pa siyang si Anna.

"Stay there" sabi niya sa akin na nasa gitna ng malawak na lupain bago siya humakbang paatras.

Magtatanong na sana ako kung ano ba talaga ang gagawin niya at kung bakit siya lumalayo nang bigla niyang iniunat ang kamay niya sa direksiyon ko at kasabay noon ay ang biglang pagsulpot ng puting magic circle sa kinatatayuan ko.

Umiilaw ang magic circle na iyon at palaki ito ng palaki at nang akala ko ay hindi na ito titigil sa paglaki ay bigla namang sumulpot ang mga white at transparent na mga magic ring na siyang nagpaikot ikot sa akin sa magkakaibang direksyon at bilis. Kasabay noon ay bigla akong nakaramdam ng kung anong parang kumirot sa dibdib ko at parang may gustong kumawala mula sa pinakaloob looban ng katawan ko kaya napaluhod ako sa may sahig at napahawak sa dibdib ko.

Naramdaman kong biglang dumaloy sa katawan ko ang kakaibang kapangyariha na hindi ko alam kung saan nagmumula. Kakaiba ang kapangyarihan na iyon, ibang iba sa nararamdaman kong kapangyarihan sa tuwing ginagamit ko ang water element ko at ibang iba din ito sa kapangyarihang naramdaman ko noong sumanib sa akin si mama.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at hindi ko narin naintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko dahil nasisilaw ako sa matinding liwanag na nagmumula sa mga magic ring na patuloy parin sa pag ikot sa akin basta ang alam ko lang ay sobrang sakit ng buong katawan ko.

Kumikirot ang bawat kalamnan ko at parang dinudurong ang mga buto ko at hindi ko alam kung paano pero pakiramdam ko ay unti unti itong pinapalitan ng bago.

Gusto kong sumigaw sa sakit na nararamdaman ko pero parang walang lumalabas na boses sa bibig ko at hindi ko namalayan na unti unti na akong nawalan ng malay.

Author's note:

1. Removing of seal picture


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon