Chapter 44: Waking up

1.8K 98 13
                                    

Waking up

​Malalim ang iniisip ko habang nasa karwahe kami pabalik sa palasyo. Hindi pa rin mawala sa utak ko ang madugong eksena na pagbibitay kila Vivian pero higit sa lahat ay hindi pa rin nawawala sa utak ko yung babaeng may puting buhok na malaki ang kutob ko na si Freya.

Pero bakit naman niya ako tititigan? Napakagat ako sa kuko ko habang iniisip ang mga posibleng dahilan ng mga tingin ni Freya. Maaari na may nagawa ako sa kaniya nang hindi ko napapansin o kaya-

Bigla akong napatigil nang maalala ko noong sumanib siya kay Vivian.

'Anna'

That's right! Tinawag niya si Anna at that time at simula noon ay hindi ko na ulit nakausap si Anna at malamang ay nagtatago siya ngayon at tinatakasan si Freya.

Napatango-tango ako. Pero bakit naman niya hina-hunting si Anna?

Ang tanging alam ko lang na may malaking atraso kay Freya ay si Psyche, kaya mas lumaki ang kutob ko na si Anna nga si Psyche.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Trevas na nasa tabi ko. Nandito kami ngayon sa loob ng karwahe pabalik sa palasyo.

Napabuntong hininga ako bago sumandal sa sandalan at tumitig sa labas ng bintana. Palubog na ang araw at pumapasok sa loob ng karwahe ang yellowish-orange na liwanag na nagmumula dito.

"It's Anna"

Alam na ni Trevas ang tungkol kay Anna. Pinakita nung goddess of tears kay Trevas ang mga sikreto ko at malamang isa na roon ang tungkol kay Anna at doon sa frozen chrysanthemum pero hindi ko alam kung anu-ano pa ang nakita ni Trevas dahil hindi naman niya sinasabi sa akin. I just wish na hindi niya nakita yung sikreto ko na hubad akong matulog dati.

"What about Anna?" tanong ni Trevas bago niya ako inabot at sinandal ang ulo ko sa may dibdib niya.

"Yung winter demon kanina. She's probably your mother right?" nag-aalangan kong tanong.

"I think so..." sagot niya habang nakatingin sa labas ng bintana. "What about it?"

"Tinawag niya si Anna noong una ko siyang nakaingkwentro, At malaki ang kutob ko na si Psyche si Anna at kaya siya biglang naglaho ay para takasan si Freya"

"Don't think about it too much... walang magagawa ang pag-iisip ng pag-iisip at kung totoo man ang hinala mo, you don't have to worry dahil hindi naman ikaw yung target ni F-Freya" Napansin kong medyo nautal si Trevas. Malamang dahil hindi niya alam kung anong itatawag kay Freya.

Napatango-tango ako. Maybe I really shouldn't think about it too much...

Mabilis na lumipas ang mga araw at payapa naman kaming nakapamuhay nila Trevas hindi tulad ng inaasahan ko. Nabalitaan ko na nagpadala ng mga tauhan yung hari para ipahanap yung babaeng may puting buhok na sa malamang ay si Freya at hindi ko mapigilang magtaka. Bakit ngayon niya lang ito pinahanap? Ilang taon na ang lumipas pero bakit ngayon lang nagawa ng hari na ipahanap si Freya?

Nitong mga nakaraang araw ay hindi ako makatulog ng maayos kakaisip sa kung anu-anong mga bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap ang kasagutan at imbes na mabawasan ay lalo pang nadagdagan ang iniisip ko nang mabalitaan kong gising na si Alastor.

"Anong plano mo?" tanong ko kay Trevas habang naglalakad kami palabas ng palace hall. Kakatapos lang ng pagpupulong na isinasagawa once a week para lagi kaming updated sa mga kaganapan sa kaharian.

"I don't really know" sabi ni Trevas bago isinuot sa bulsa ang mga kamay niya.

"You don't really have to worry about him... wala na ang mga kakampi niya so wala na siyang magagawa pa laban sayo" sabi ko bago humakbang pababa ng hagdan sa harap ng palace hall. Napalingon ako sa likuran namin at nakita sila Lina at Lieutenant Jared na mukhang may pinag-aawayan na naman.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon