Chapter 17: Light versus Darkness

2.7K 124 4
                                    

Light versus Darkness

“You see that Alissa? That’s the real Trevas” sabi ni Luke pero hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatitig kay Trevas at hindi pa rin makapaniwala na siya nga ito.
 
“Now tell me, sasama ka sa demonyong iyan?” tanong ni Luke na siyang nagpakunot ng nuo ko. Napalingon ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na tumigil na sa paglalaban ang lahat at pinanuod nalang ang labanan sa pagitan ng dalawang pinuno ng dalawang panig. Napansin ko sa mga titig nila ang gulat at takot kakampi man namin iyon o kaaway pero ang pinaka nagpakirot sa puso ko ay ang pag atras at paglayo ng mga tauhan ni Trevas mula sa kaniya na para bang takot sila sa sarili nilang pinuno.
 
Wala na ang dating respeto at paghanga sa mga mata nila at napalitan na iyon ng takot at hindi ko alam kung darating pa ba ang panahon na titingalain nilang muli si Trevas ngayon na nakita na nila ang tunay niyang anyo.
 
Napatitig ako kay Trevas at napaiwas naman siya ng tingin bago humarap kay Luke. Ngayon alam ko na kung bakit ganon nalang ang galit sa kaniya ng mga tao at maging ang sarili niyang ina ay ayaw sa kaniya kahit na wala naman siyang ginagawang masama.
 
“Manahimik ka na” nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang nakakatakot na boses ni Trevas at alam kong hindi lang ako kundi pati yung iba pang nakarinig ay kinilabutan din. Nandoon parin naman ang totoong boses ni Trevas pero parang may isa pang nagsasalita kasabay niya na mas malalim ang boses at mas nakakatakot.
 
“Gamitin mo ang Ultimate skill mo at kung sino man ang manalo sa laban natin ang siyang magwawagi sa gerang ito”
 
Sandaling napaisip si Luke bago nagsalita. “Kapag natalo kita, susuko ka at isasama ko si Alissa pabalik sa Bauxacel”
 
Napalingon sa akin si Trevas bago muling ibinalik ang tingin kay Luke at nagsalita sa nakakakilabot niyang boses. “Kapag nanalo ako, pipirma ka ng kasunduan ng pakikipag alyansa sa kaharian ng Beifang at hahayaan mong magdesisyon si Alissa kung sasama ba siya sayo o hindi”
 
“Fair enough” sabi ni Luke bago siya biglang tamaan ng liwanag na mula sa kalangitan at kasabay nuon ay nagcrack din ang lupang kinatatayuan niya at nang mawala na ang liwanag ay nagbago narin ang anyo niya tulad ni Trevas. Ito ang unang beses na makikita ko ang paggamit ni Luke sa ultimate skill niya kaya ito din ang unang beses na makikita ko siyang nagbago ng anyo.
 
Magkaibang-magkaiba ang itsura ng anyo nila ni Trevas. Kung si trevas ay nababalot ng kadiliman, si Luke naman ay nababalot ng liwanag. Meron din siyang pakpak na kulay puti at ginto at kakulay nito ang suot-suot niyang armor na siyang parang nagliliwanag.

“Walang mangingialam sa laban na ‘to” Sabi ni Luke sa isa ding kakaibang boses bago sandaling napatingin sa akin na para bang para sa akin talaga ang sinasabi niya. Napakuyom ako ng kamao bago dahan-dahang tumayo pero tulad ng sinabi ni Luke ay wala akong balak na mangialam dahil once na mangialam ako ay mawawalan ng bisa ang ginawa nilang kasunduan at masasayang lang ang pagod ni Trevas sa pakikipaglaban kay Luke.
 
Hindi pa ako nakakatayo ng maayos nang biglang umatake si Luke dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Kasing bilis ng kidlat ang bawat galaw ni Luke at halos hindi mo na siya makita. Gayunpaman, nakakasabay si Trevas sa bawat pag-galaw nito at halos kulay itim at puti nalang ang makikita mo sa laban nila.
 
Pinaghalong pagkamangha at kaba ang naramdaman ko at ng iba pang mga nakakasaksi sa labanan. Takot dahil natatakot ako sa anumang maaring magawa ni Luke kay Trevas. Alam ko ang lakas ni Luke dahil sabay kaming lumaki pero sa kabilang banda, wala akong kaalam-alam sa limitasyon ng kakayahan ni Trevas.
 
Hindi ko na alam kung gaano tumagal ang labanan, nasa ere na silang dalawa ngayon at patuloy parin sa mabilis nilang labanan. Sandali silang naghiwalay bago muling pinagaspas ang mga pakpak nila at muli na namang naglaban.
 
Mula sa langit ay biglang tumama ang isang kidlat  sa puwesto ni Trevas pero bigla siyang binalot ng kadiliman at kasabay noon ay bigla siyang nateleport pabalik sa lupa at naiwang nasa ere si Luke. Nasa likod ni Luke ay ang palubog na na araw kaya naman lalong nagliwanag ang suot suot ni Luke na kulay puti at gintong armor at ang pakpak niyang patuloy sa pagpagaspas.
 
Itinaas ni Luke ang dalawang kamay niya at sa gitna nuon ay unti-unting nabuo ang isang bolang liwanag na kakulay na kakulay nung palubog na araw na para bang hinihigop niya ang liwanag na nagmumula dito. Nang mas malaki na sa ulo ng tao ang bola ng ilaw sa kamay ni Luke ay bigla niya itong itinutok sa direksyon ni Trevas at kasabay nuon ay ang pag-agos ng isang nakakasilaw na liwanag mula duon sa bola ng ilaw papunta sa direksyon ni Trevas.
 
Itinaas ni Trevas ang mga braso niya at kasabay nuon ay lumabas na naman ang isang bilog sa harapan niya na may bituin sa gitna at mga salitang hindi mo maiintindihan pero kumpara sa ginawa niiya kaninang shield ay mas madilim ang kulay nito at mas malaki kaya naman hindi siya tinamaan ng liwanag na nagmumula kay Luke.
 
Itinaas ni Luke ang kanang kamay niya habang ang kaliwang kamay ay patuloy pa din sa pagpapadala nung liwanag kay Trevas. May kumislap kislap na kuryente sa kanang kamay ni Luke bago niya ito itinutok muli sa direksyon ni Trevas at kasabay nuon ay ang sunod-sunod na pagtama ng makakapal na kidlat sa shield na ginawa ni Trevas.
 
Nakita kong napaatras si Trevas nang tumama ang unang kidlat sa shield niya at nang tumama ang panglimang kidlat ay hindi na nakayanan pa ni Trevas kaya bigla siyang napaluhod sa sahig at kasabay nuon ay ang paglaho ng shield na nagpoprotekta sa kaniya sa mula sa liwanag na nagmumla kay Luke kaya naman direktang-direkta na siyang tinamaan nuon.
 
“NO!” sigaw ko nang makitang tumalsik si Trevas nang halos ilang metro mula sa kinaro-roonan niya at walang nakakaalam kung buhay pa ba siya o hindi. Tatakbo na sana ako papunta kay Trevas nang biglang may tumamang kidlat sa harapan ko at doon natagpuan ko si Luke na seryosong nakatingin sa akin at hindi na ako magugulat kung sakali mang pati ako ay patayin ni Luke kung humakbang pa ako ng isang beses.
 
Napatigil ako sa paglalakad at napakagat ang labi nang maalala ko ang babala niyang huwag akong mangingi-alam. Tinalikuran ako ni Luke bago naglakad palapit kay Trevas. Nanginig ang mga tuhod ko at napaupo ako sa sahig habang pinapanuod ang mga pangyayari.
 
“Trevas” halos mangiyak na ako sa pagtawag sa kaniya habang pinapanuod ko ang paparating niyang kamatayan. Isa na naman bang inosenteng buhay ang mawawala sa kamay ni Luke?
 
“Please stop...” pagmamakaawa ko kay Luke kahit na alam kong hindi niya ako papakinggan tulad ng ginawa niya sa akin nuong nanghihingi ako sakanya ng tulong.
 
Hindi siya huminto sa paglakad at kahit na lumingon ay hindi niya nagawa habang naglalakad siya palapit kay Trevas. Nang makarating na siya sa tabi ni Trevas ay itinaas niya ulit ang kamay niya at duon ay naipon muli ang kumikisapkisap na kuryente at nang itapat niyang muli ang kamay niya kay Trevas ay tumama ang isang makapal na kidlat sa kaniya.
 
Gusto kong umiwas ng tingin at huwag na panuorin ang ginagawa ni Luke na paulit-ulit na pinatatamaan ng kidlat si Trevas pero hindi ko magawang umiwas ng tingin dahil umaasa pa rin ako na somehow, babangon si Trevas at tatalunin si Luke.
 
“Ganito ba kadaling matalo ka?” tanong ni Luke habang paulit-ulit paring kinikidlatan si Trevas pero biglang nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita niyang nakatayo na si Trevas nang mawala ang liwanag na nagmumula sa kidlat niya.
 
“No” sagot ni Trevas sa nakakatindig niyang balahibo bago sinapak sa muka si Luke dahilan para ito naman ang tumalsik ng ilang metro.
 
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang lahat pero parang mas lumaki at mas dumilim ang itim na usok na nakapalibot kay Trevas.
 
“Paanong-“ biglang naputol ang sinasabi ko nang marinig ko ang boses ni Anna.
 
‘Look at the sky’
 
Napakunot ang nuo ko sa sinabi ni Anna pero tumingin parin ako sa madilim na na kalangitan dahil kanina pa lumubog ang araw.
 
“Mas lumakas ang kapangyarihan ni Trevas nang maggabi dahil tulad mo na kakampi ang tubig, kakampi ni Trevas ang kadiliman”
 
Napatanog ako bago manghang-manghang napatingin kay Trevas na ngayon ay naglalakad na papalapit kay Luke na nakahiga sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya. Dahan-dahang tumayo si Luke at nang makita niya si Trevas na naglalakad papalapit sa kaniya ay agad siyang nagteleport gamit ang lightning teleportation niya pero laking gulat ng lahat nang bigla ding maglaho si Trevas sa kinaroroonan niya at walang nakapansin nang biglang may sumulpot na itim na anino sa likod ni Luke at kasabay nuon ay bigla na namang tumalsik paharap si Luke pero bago pa siya bumagsak sa lupa ay bigla siyang hinawakan ni Trevas sa paa at hinagis sa kalangitan.
 
Inabot ng halos 30 feet ang inabot ni Luke nang ihagis siya ni Trevas pero bago pa siya magsimulang mahulog ay biglang sumulpot si Trevas sa tabi niya habang nasa ere at hinampas siya sa may dibdib dahilan para mabilis siyang bumagsak sa lupa.
 
Nahukay ang malaking bahagi ng lupa sa pinagbagsakan ni Luke dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya. Nakita kong napa-ubo ng dugo si Luke dahil doon pero bago pa siya makabangon mula sa pagkakahandusay sa gitna nung malalim na hukay ay bigla na namang sumulpot si Trevas sa tabi niya at tinutukan siya ng isang matulis na itim na bagay sa leeg niya.
 
“I won” sabi ni Trevas sa kaniya habang hindi parin inaalis yung matulis na bagay sa leeg ni Luke.
 
“Sinuwerte ka lang” sagot ni Luke dahilan para mas lalong ilapit ni Trevas yung matulis na bagay sa leeg niya at kasabay nuon ay unti-unting naging kulay itim yung mga uagat niya sa leeg. “Alright, Alright. Panalo ka na”
 
Umatras si Trevas mula sa kaniya at iniunat ang kamay para sana tulungan siyang tumayo pero hinampas lang ni Luke yung kamay niya bago tinulungan yung sarili na tumayo at kasabay nuon ay ang paghiyawan ng mga tauhan ni Trevas at ang pagluhod ng mga tauhan ni Luke na siimbolo ng pagtanggap ng pagkakatalo.
 
Nagdiwang at nagsaya yung mga tauhan ni Trevas dahil sa pagkakapanalo pero ni isa ay walang lumapit sa kaniya dahil hanggang ngayon ay nasa nakakatakot pa rin siyang anyo.
 
Pa ika-ika akong naglakad palapit kay Trevas at tahimik naman niya akong tinitigan habang pinapanood na maglakad papalapit.
 
Nginitian ko siya nang magkalapit na kami bago ko siya niyakap sa bewang dahilan para bigla siyang manigas sa puwesto.
 
“Thank you” pabuntong-hininga kong sabi sa kaniya. Hindi ko alam kung nagpapasalamat ba ako sa kaniya dahil sa natalo niya si Luke o dahil sa ligtas siya basta ang alam ko lang ay kailangan kong magpasalamat sa kaniya.
 
“No, Thank you” sabi ni Trevas bago ako niyakap pabalik at kasabay noon ay ang unti-unti niyang pagbalik sa dati niyang anyo.
 
Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at nakitang bumalik na siya sa dati niyang itsura at ganon din si Luke na kanina pa pala kami kunot-nuong pinapanuod.
 
“Lieutenant Jared” tawag ni Trevas bago nagpalingon-lingon para hanapin ito pero kahit saan siya tumingin ay hindi niya ito nakita. Lumapit sa amin si Sergeant min at nagsalita.
 
“Dinala ni Miss Lina si Lieutenant Jared sa clinic, general Trevas” sumaludo si Sergeant min kay Trevas pero kitang kita ko sa mga mata niya ang takot at sigurado akong pati si Trevas ay napansin iyon pero hindi niya lang sinasabi.
 
“Anong nangyari kay Lieutenant Jared?”
 
“Napuruhan siya sa laban kanina kaya kinailangan siyang dalhin sa clinic pabalik sa kampo” sagot ni Sergeant min at napatango naman si Trevas bago ibinaling ang tingin kay Luke.
 
“Paki posas ang lalaking ito para hindi niya magamit ang kapangyarihan niya” Ang posas na ginagamit sa mundong ito ay isang mahiwagang posas kung saan ang nagsusuot nito ay hindi makakagamit ng kapangyarihan niya.
 
“Hindi mo na kailangang iposas ako, tumutupad ako sa pangako” sabi ni Luke.
 
“I don’t trust you” sagot ni Trevas bago tumango kay sergeant min at pinosasan naman nito si Luke na napabuntong hininga nalang bago lumapit sa amin at tumingin sa akin.
 
“Hindi kita ibabalik sa Bauxacel for now... pero hindi ibig sabihin na hindi ako gagawa ng paraan para mapilitan kang bumalik” sabi ni Luke habang nakangisi bago sumunod kay Sergeant min pabalik sa kampo kasabay ng mga tauhan niya at ni Trevas.
 
“We won” sabi ko habang nakatanaw parin sa mga mage at wizard na sabay-sabay na naglalakad pabalik sa kampo mapa kakampi man ito o kaaway.
 
“Yes, we won” pagbuntong hininga ni Trevas bago kami sabay na naglakad pabalik sa kampo.

Author's note:

1. Transformation ni Luke pero gawa sa feathers yung pakpak niya

 Transformation ni Luke pero gawa sa feathers yung pakpak niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon