Chapter 23: Freya

2.1K 109 0
                                    

Freya

“Kill that child!”
 
“Patayin niyo hangga’t hindi pa siya nakakapag-“ naputol ang sinasabi ng isa nang mas dumilim pa ang itim na mahikang pumapalibot kay Freya at mula roon sa likod niya ay sumulpot ang isang itim na nilalang na nasa sampung talampakan ang taas. Meron itong mga matutulis na sungay at mahahabang kukong kulay pula na siyang marahang humahaplos sa balikat ni Freya.
 
“It’s a D-demon! Totoong demonyo!” sigaw nung isa bago napaupo sa sahig at sinubukang lumayo pero bago pa siya makatayo ay bigla siyang pinalibutan ng itim na mahika at kasabay noon ay unti-unting sumulpot mula sa lupa ang dalawang itim na nilalang pero hindi makita ang mga mukha nila dahil nakatalukbong sila ng isang itim na hood. Napasigaw sa takot yung lalaking pinalibutan nila pero hindi rin nagtagal ay naglaho ang boses niya nang higupin ng mga naka hood na itim na nilalang ang kaluluwa niya at tanging buto nalang ang natira sa kaniya.
 
Marami pang lumabas na mga naka-itim na hood mula sa lupa at hinigop ang kaluluwa ng mga taong nagkakagulo na ngayon at nagsisigawan habang nagtatangkang tumakas pero walang pinatakas si Freya at natatawang pinanood ang mga pangyayari. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng tuwa at satisfaction tuwing naririnig niya ang makapanindig balahibong sigaw ng mga tao habang unti-unti silang namamatay.
 
Humakbang si Freya habang ang mga itim na nilalang ay nagliliparan sa palibot niya at hinihigop ang kaluluwa ng sino mang makakita. Dahan-dahang naglakad si Freya at nakangising pinagmasdan ang mga bangkay sa paligid niya pero bigla siyang natauhan ng makarinig siya ng isang pamilyar na sigaw.
 
“Freya!”
 
Napatigil sa paglalakad si Freya at lumingon sa pinanggalingan ng sigaw. Nagtama ang mga paningin nila ng mga magulang niya na nakaluhod pa rin sa sahig at duguan. Kasabay noon ay biglang naglaho ang mga itim na nilalang na nakapalibot kay Freya at bumalik sa ilalim ng lupa at ang dating kulay puting buhok niya ay bumalik sa pagiging kulay itim.
 
Napapikit-pikit si Freya at napatingin sa mga bangkay sa paligid niya. Sandali siyang nakaramdam ng takot at guilt nang maalala niyang siya ang may kagagawan ng lahat ng ito pero agad din iyong nawala nang maalala niya kung gaano kawalang hiya ang mga taong ito kanina sa mga magulang niya.
 
“Freya...” binaling ulit ni Freya ang tingin sa mga magulang niya at dahan-dahang naglakad papalapit sa kaniya.
 
“What have you done?” tanong ng nanay niya na siyang nagpakunot ng nuo niya.
 
“It’s okay, they deserve it” maikling sagot ni Freya pero napansin niya ang takot sa mga mata ng mga magulang niya. “Why? Mali po ba ako?”
 
“We have to go” sabi ng nanay niya, hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong niya. “Sigurado akong babalik ang mga tao at ikaw naman ang pagtatangkaan nila. No- hindi ka nila pagtatangkaan, sisiguraduhin nila na mapapatay ka nila”
 
Simula noon ay lumipat sila Freya at ang mga magulang niya sa pinakaliblib na bahagi ng kagubatan kung saan walang mga taong makakagulo sa kanila. Pero simula rin noon ay nagbago na si Freya. Akala ng mga magulang niya ay dahil iyon sa pagkatuklas niya sa pagiging winter demon pero hindi nila alam na kaya siya nagbago ay dahil sa namulat siya sa sakim na ugali ng mga tao. Namulat siya sa katotohanang hindi tanggap ng mundo ang mga dark user na katulad nila at hinding-hindi na darating ang panahon na matatanggap din sila ng mundo.
 
As years passed, mas lalong lumaki ang galit ni Freya sa mga tao dahil  minsan ay umuuwing sugatan ang tatay niya pagkagaling sa bayan para bumili ng mga pangangailangan nila na hindi matatagpuan sa gubat na ito. Pumupuntang bayan ang tatay niya atleast twice a month pero kadalasan siyang umuuwing sugatan dahil namumukaan siya ng mga tao pero buti na lang ay lagi siyang nakakatakas gamit ang shadow teleportation na isa sa mga karaniwang kapangyarihan ng mga dark user.
 
“I want to burn the whole city” saad ni Freya habang pinapanood niyang gamutin ng nanay niya ang tatay niyang umuwi na namang sugatan.
 
“Stop it Freya, walang magandang maidudulot kung paghihigantihan mo sila” suway ng nanay niya sa kaniya. Maging siya ay natatakot kay Freya sa tuwing walang emosyon siyang nagsasalita tungkol sa pagwasak ng isang kaharian na para bang simpleng bagay lamang iyon at napakadaling gawin.
 
13 years old na si Freya ngayon pero para na siyang matanda mag-isip dahil maaga siyang namulat sa kasakiman ng mundo pero hindi pa rin siya pinapayagan ng mga magulang niya na umalis ng gubat at bumalik sa kaharian ng Beifang na pinaka-kinamumuhian niyang lugar.
 
Kasalukuyang naka-upo si Freya sa damuhan sa gitna ng gubat ilang metro ang layo sa kubong tinitirhan nila. Sa tapat niya ay may waterfalls na naglilikha ng ingay pero humahalo sa mahihinang tunog ng mga ibon sa mga puno at mga hakbang ng mga mapanganib na hayop sa paligid.
 
Napalingon si Freya sa kanan niya nang marinig niya ang mga yabag ng paa ng isang manticore. Isa itong lion na may mahahabang sungay at mga pakpak habang ang buntot ay katulad ng sa alakdan pero imbes na matakot si Freya at kalmado lang niyang tinignan ang mapanganib na hayop. Sanay na siyang makakita ng mga katulad nito at sanay na rin ang mga hayop dito sa gubat sa kaniya kaya hindi na siya inaatake ng mga ito.
 
Nagkibit-balikat nalang si Freya nang maglakad na papalayo yung manticore at itinuon na niya ulit ang atensyon niya sa napakagandang waterfalls sa harap niya pero bigla siyang napatayo nang makarinig siya ng hindi pamilyar na boses.
 
“Royal guards!”
 
Nagtago si Freya sa isang puno at sinilip kung saan nagmumula ang boses. Minsan kasi ay may napapadaang mga mangangaso sa gawing ito kaya konklusyon ni Freya ay isa rin itong mangangaso na naghahanap ng mga hayop na mahuhuli pero laking gulat ni Freya nang tumambad sa kaniya ang isang batang lalake na halos ka edad niya lang. Palingon-lingon ito sa paligid na para bang nawawala at muntik pa ngang madapa sa ugat ng isang malaking puno kung hindi lang siya napakapit sa isang halaman.
 
“Anyone?” tanong nung batang lalaki kaya sigurado na si Freya na nawawala nga ito. Pinagmasdan niya muna ng ilang minuto yung batang lalaki na nagpaikot-ikot sa gubat habang nagtatawag ng kung sino man at nang maka sigurado na si Freya na hindi naman ‘Dangerous’ ang batang ito dahil bukod sa mag-isa lang ito ay level 5 earth and air user lang ito. Walang wala sa kapangyarihan ni Freya na isang level 7 dark user at the age of 13.
 
“Who are you” diretsahang tanong ni Freya pagkasulpot na pagkasulpot niya sa anino ng isang malaking puno sa harapan nung batang lalaki na siyang ikinagulat nito at napahawak pa sa dibdib bago napahakbang paatras.
 
“Who are you?” tanong nito pabalik.
 
“Nauna akong magtanong” sumandal si Freya sa puno at pinanliitan ng mata ang batang lalaki. Napaubo ito ng bahagya bago ipinaglandas ang kamay sa dibdib at yumuko na para bang binabati ang isang maharlika.
 
“I am Henrick Beifang”

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon