Chapter 10: Palace

3K 167 1
                                    

Palace

Buhay pa din siya?" Tanong ng isang babae kay Alastor.
 
Magkaharap sila ngayon at nakaupo sa dalawang magkaharap na sofa. May isang maliit na coffee table sa pagitan ng babae at ni Alastor kung saan naka hain ang dalawang tasa ng tsaa.
 
Nasa isang malaking silid sila ngayon. Mataas ang kisame kaya nagtataasan din ang mga bintana na may mga magagarbong kurtina. Nababalutan din ng magandang karpet ang sahig na siyang gawa sa mamahaling balat ng hayop.
 
Unang tingin mo palang sa kuwarto ay masasabi mo nang mahal ang bawat gamit dito at isang lugar lang ang nakaka afford ng mga mamahaling gamit dito. Ang palasyo.
 
Tumango si Alastor. "Yes, mother"
 
Inihampas ni Vivian ang hawak niyang tasa sa coffee table sa harapan niya dahilan para mabasag ito. Buti na lamang ay ubos na ang laman nitong tsaa kaya naiwasan niyang mapaso.
 
"Napaka hirap talagang patayin ng lintik na Trevas na yan" saad ni Vivian bago napahawak sa sintido niya at napasandal sa sofa.
 
"Bakit ba hindi nalang natin siya patayin ng diretso? Bakit kailangang lasunin pa natin siya?" Tanong ni Alastor sa nanay niya.
 
"Alam mo ba kung anong klaseng lason yung pinainom natin sa kaniya?" Tanong ni Vivian.
 
"Fire blossom poison" sagot ni Alastor. Alam na alam niya ang tawag sa lasong iyon dahil siya mismo ang naglalagay noon sa inumin ni Trevas sa nakalipas na mga taon.
 
"Exactly, yung fire blossom poison na pinainom natin sa kaniya ay isang napaka tinding lason. Kapag nainom iyon ng isang tao ay aabutin lang siya ng ilang minuto bago mamatay kung hindi magagamot"
 
Nanlaki ang mga mata ni Alastor at gulat siyang napatingin sa nanay niya. "Then panong—"
 
"Panong buhay pa siya?" Pagpuputol ni Vivian sa sinasabi ni Alastor.
 
Napatango-tango si Alastor. Gusto niyang malaman kung paanong buhay pa si Trevas eh ilang taon na nila siyang nilalason gamit yung fire blossom poison.
 
Napatawa si Vivian pero bakas sa muka niya ang pagka-irita. "Hindi siya gaanong naapektohan nung lason dahil hindi siya tao... He is a demon"
 
Sanay na si Alastor na tinatawag ng nanay niya na demonyo si Trevas na panganay niyang kapatid pero hanggang ngayon ay hindi parin niya lubos na maintindihan kung bakit.
 
Sabay na napalingon sila Alastor at Vivian sa may gawi nang pinto nang makarinig sila ng tatlong sunod sunod na katok kasunod ang isang malumanay na tinig.
 
"Your majesty(Queen), Your highness(Prince), malapit na po magsimula ang pulong sa palace hall"
 
Nagtama ang paningin nila Vivian at Alastor bago sila sabay na tumango.
 
"Susunod kami" sabi ni Vivian bago ibinaling ang atensyon kay Alastor at nginitian ito.
 
"This time, kailangang matanggal na natin ang pagiging crown prince ni Trevas para ikaw na ang magiging tagapagmana ng trono"
 
Tumayo si Vivian at pinagpagan ang palda niya kahit wala naman itong dumi bago taas nuong naglakad palabas ng kuwarto at sa likod niya ay nakabuntot naman si Alastor.
 
Nang dumating sila sa palace hall para sa pagpupulong ay nandoon na ang halos lahat ng heneral at prime ministers ng kaharian na siyang tumutulong sa pagpapatakbo ng kaharian ng Beifang.
 
Umupo si Vivian sa puwesto niya sa kanang upuan katabi ng hari habang si Alastor naman ay umupo sa kaliwa na siyang ininakunot ng nuo ng mga nakakita.
 
Naka reserve kasi yung upuan sa kaliwa ng hari para sa crown prince na si Trevas kaya walang karapatan si Alastor na umupo doon pero dahil sa mas pabor ang halos lahat na si Alastor ang maging crown prince ay walang umimik para pagsabihan si Alastor.
 
Ilang minuto din ang lumipas at sa wakas ay dumating na ang hari na siyang tanging hinihintay bago magsimula yung pulong.
 
Malaki ang katawan ng hari at matatag ang mga tindig niya. Nakakatakot din ang seryoso niyang muka at ang mga masasama niyang tingin kaya naman agad na tumahimik ang buong silid nang pumasok siya.
 
Sabay-sabay na tumayo ang lahat at yumuko sa direksyon ng hari. Naglakad siya papunta sa upuan niya pero bigla din siyang napatigil nang mapansin niyang may naka puwesto sa upuan ni Trevas na madalas ay walang laman. Napakunot ang nuo niya at tinitigan si Alastor na kasalukuyang nakayuko sa kaniya bilang paggalang.
 
Ramdam na ramdam ni Alastor ang titig ng nakakatakot niyang amang hari kaya naman biglang naginig ang tuhod niya at kinailangan niyang kumapit sa may lamesa para suportahang tumayo ang sarili.
 
Napansin ng hari ang bawat galaw ni Alastor pero hindi siya umimik at pumwesto lang sa upuan niya. "Rise"
 
Sabay sabay na dumiretso muli ng tayo ang lahat bago umupo nang makaupo na ang hari.
 
Nagsimula ang pulong at napag-usapan ang mga problema, reklamo at mga plano para sa kapakanan ng buong kaharian. Napagusapan din nila ang banta ng mga barbarians sa gawing kanluran ng kaharian na patuloy sa pamumuwerhisyo sa mga maliliit na bayan sa kaharian ng Beifang.
 
Walang sinusunod na batas ang mga barbarians na ito na namumuhay sa kanluran kaya naman hindi sila natatakot sa mga opisyal na maaring magkulong sa kanila kaya naman isa sa mga malalaking problema ng kaharian ang mga barbarians na ito.
 
"Bakit hindi tayo magpadala ng isang heneral para sugurin ang pinaka sentro ng kampo ng mga barbarians para tuluyan na silang mawala?" Suhestyon ng isa sa mga minister.
 
Napatango ang karamihan at sumang-ayon sa sinabi nito pero hindi umimik ang hari dahilan para mapatingin ang lahat sa kaniya at hinintay na magsalita siya.
 
Sumandal sa upuan yung hari bago bumaling sa katabi niyang si Alastor.
 
"Nasaan si Trevas?" Napatahimik ang lahat dahil sa tanong ng hari. Walang gustong sumagot sa tanong niya dahil bukod sa nakakakot ang aura na nakapalibot sa hari ay wala ding nakaka alam kung nasaan na nga si Trevas.
 
Bumuka ang bibig ni Vivian at magsasalita na sana nang biglang bumukas ang pinto at napatingin ang lahat sa direksyon niyon.
 
"Nandito" Seryosong sagot ni Trevas.
 
Mas lalong tumahimik ang buong silid habang gulat na nakatingin ang lahat sa direksyon ni Trevas pero hindi sila sakanya nakatingin kundi sa babae sa tabi niya na may makinis na maputlang balat at magagandang asul na mga mata.
 
****
 
"Bakit kailangan mo 'kong dalhin dito?" Bulong ko kay Trevas habang pinagmamasdan yung mga tao na nakatingin sa akin.
 
Alam ko na sila yung mga heneral at mga minister na namumuno sa kahariang ito kaya hindi ko lubos maisip kung bakit ako dadalhin ni Trevas dito.
 
Bago pa makasagot si Trevas ay bigla siyang naputol nang biglang sumulpot si Lina sa likod namin.
 
"Sorry nahuli ako, may nakita akong guwapo sa labas eh" sabi ni Lina.
 
Bigla ko siyang hinampas sa braso dahilan para inis siyang napatingin sa akin. Magsasalita pa sana siya pero bigla siyang napatigil nang makita niya yung mga tao sa luob ng kuwarto na nakatingin sa kanila.
 
"Doon nalang ako sa labas, kakausapin ko yung poging royal guard" bulong ni Lina bago dirediretsong naglakad palabas.
 
Napailing-iling ako at gusto kong matawa nang bigla akong makarinig ng nakakatakot na boses.
 
"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?" Napalingon ako sa nagsalita. Isa itong lalaki na nasa mid 40's ang edad. Meron siyang mahabang buhok na nakatali sa isang ponytail at masasabi mong guwapo ang lalaking ito kahit na may edad na pero ang pinaka kapansin-pansin sa kaniya ay ang nakakatakot niyang aura at ang seryoso niyang mukha na para bang hindi siya marunong ngumiti.
 
Nakaupo yung lalaki sa pinaka maganda at pinaka kakaibang upuan sa mahabang lamesa kaya sigurado ako na siya yung hari ng kahariang ito.
 
Napahalukipkip si Trevas bago nilipat-lipat ang tingin mula sa hari at kay Alastor na naka upo sa kaliwa nito.
 
"Saan ako uupo? Mukang may bago na kayong crown prince eh" Sagot ni Trevas na para bang hindi hari yung kausap niya.
 
Napakunot yung nuo ng karamihan dahil sa kawalan ng respeto ni Trevas sa hari pero hindi umimik ang hari kaya hindi na din sila nangialam.
 
Bago pa makasagot yung hari ay nagsalita yung babae sa tabi niya na sa tingin ko ay ang reyna at nanay ni Trevas.
 
"Do you really think na karapat-dapat kang maging crown prince?"
 
Nanliit ang mga mata ko at tinignan ko ng maigi yung reyna. Napakuyom yung kamao ko nang maalala ko ang sinabi ni Trevas na ang nanay niya mismo ang naglason sa kaniya noong bata pa siya. Paano niya nagawa iyon sa sarili niyang anak?
 
"Sa tingin mo ba talaga pwedeng maging tagapagmana ang katulad mong demonyo?" Pagpapatuloy pa nito pero mas lalo pa akong nainis nang imbes na patahimik ng mga heneral at minister sa pagsasalita yung reyna nila ay napatango tango pa sila na para bang sang-ayon na dapat nang palitan si Trevas sa pagiging crown prince.
 
Magsasalita na sana ako para sana sagutin yung reyna kahit na alam kong mapaparusahan ako sa gagawin ko pero buti nalang ay bigla kong napigilan ang sarili ko sa pagsasalita nang umalingaw-ngaw sa buong silid ang malakas na tunog nang hampasin ng hari yung lamesa sa harapan niya.
 
"Silence!" Sigaw nito na siyang ikinatahimik nung mga nagbubulong-bulungan na dapat na ngang alisin si Trevas sa puwesto. Bakit gustong-gusto nilang palitan si Trevas?
 
"Gusto niyong palitan si Trevas sa pagiging crown prince?" Pagpapatuloy nito.
 
"Yes, My king" sagot nung isa sa mga heneral.
 
"Why?"
 
"Kalat na kalat sa buong kaharian ang bali-balita na hindi kayo ang totoong Ama ni Trevas my king. At maraming mamamayan ang tutol na maging tagapagmana si Trevas na may kapangyarihan ng isang demonyo" Napakunot ang nuo ko. Kapangyarihan ng demonyo? Hindi ba kaya lang naman niyang pumasok sa mga anino?
 
"Ang sinasabi mo, ay palitan ko ang crown prince ng kaharian ito dahil lang sa mga sabi-sabi? Ganyan na ba kababaw ang mga minister at heneral ng kahariang ito?" Seryosong tanong nung hari.
 
Agad na tumayo yung nagsalita kaninang heneral bago yumuko sa direksyon ng hari. "That's not what i meant my king, ayaw ko lang na dumating ang araw na maging hari si Trevas pero hindi siya susundin ng mga mamamayan at baka magdulot ito ng pag-aalsa at kaguluhan"
 
"hmm?" Tanong nung hari bago lumingon sa tabi niyang si Alastor na kanina pa walang imik.
 
"Kung ganon, sino ang gusto niyong ipalit na crown prince?"
 
"My king, bukod kay Alastor ay wala nang iba pang mas karapatdapat na magmana ng—" hindi natuloy ang sinasabi ng reyna nang bigla siyang putulin ng hari.
 
"Hindi ikaw ang tinatanong ko" seryoso ang muka nito kaya halos manginig na sa takot yung reyna at nanahimik nalang bago napayuko.
 
"Gusto niyong ipalit si Alastor kay Trevas?" Tanong nung hari sa mga heneral at minister sa harapan niya. Tumango naman ang lahat at sumang-ayon na siyang lalong nagpakulo ng dugo ko.
 
Napalingon ako kay Trevas sa tabi ko pero nakita kong kalmado lang siyang nakatingin at pinapanood ang mga pangyayari kaya hindi na ako nagsalita.
 
"Trevas" tawag nung hari pero napalingon din ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya ngayon kay Trevas.
 
"Anong masasabi mo?" Pagpapatuloy nito. Binalik ko ang tingin ko kay Trevas at nakita kong seryoso ang muka niya.
 
Sandaling natahimik si Trevas bago siya nagsalita. "Kung kaya akong talunin ni Alastor sa isang round ng duel papayag ako—"
 
Bago pa tuluyang matapos ang sinasabi ni Trevas ay biglang nag-ingay ang mga tao sa silid at pilit na tumutol sa gustong mangyari ni Trevas.
 
Biglang tumayo sa kinauupuan yung reyna bago galit na nagsalita. "You want to fight Alastor in a duel? Balak mo ba siyang patayin?"
 
Bakit ganon nalang katindi ang reaksyon nila? Napalingon-lingon ako at pinagmasdan ang reaksyon ng bawat tao sa loob ng kuwarto. Napatingin ako sa gawi ni Alastor at nagtama ang paningin naming dalawa, bakas sa muka niya ang takot at pagkagulat bago siya agad na yumuko.
 
"Kung hindi niya ako kayang talunin, then hindi siya karapat-dapat na maging tagapagmana" sagot ni Trevas.
 
"Then sa tingin mo ikaw ang karapat-dapat? You don't have the right to inherit the throne dahil unang una hindi kita—"
 
"Vivian!" Napatigil ang lahat sa pagsasalita nang umalingaw-ngaw sa buong kuwarto ang malakas at galit na boses ng hari.
 
Napatingin sa hari yung reyna na sa malamang ay Vivian ang pangalan bago ito bumalik sa pagkakaupo.
 
"My king, forgive me" halos pabulong nitong saad pero rinig na rinig iyon ng lahat dahil hanggang ngayon ay nababalot parin ng matinding katahimikan ang buong silid.
 
Tumango lang ang hari bago ibinalik ang tingin kay Trevas at nagsalita. "I can't let you fight with Alastor"
 
Bigla akong nakaramdam ng dissapointment. Gusto ko pa namang mapanuod si Trevas na makipaglaban para malaman ko kung bakit ganon nalang ang pagtutol ng lahat sa kagustuhan ni Trevas na makipag duel sa kapatid niya.
 
"Pero—" pagpapatuloy nung hari. "I will let you fight something else"
 
Hindi sumagot si Trevas pero nagpatuloy lang sa pagsasalita yung hari. "Napagusapan lang namin kanina ang tungkol sa mga barbarians sa kanluran na kasalukuyang gumagawa ng gulo sa isa sa mga maliliit na bayan ng kaharian. At pinaplano namin na magpadala ng tauhan para sumugod sa sentro ng kampo ng mga barbarians para tuluyan na silang mawala"
 
"So... Gusto niyong ako mismo ang sumugod sa kampo ng mga barbarians para sugpuin sila?" Tanong ni Trevas pero imbes na sumang-ayon ay umiling ang hari bago napangisi.
 
Nakakatakot ang mga ngisi niya at tila ba may binabalak siyang masama lalo na nang bigla siyang tumawa at sumandal sa upuan niya.
 
"No, Gusto kong kayong dalawa ni Alastor ang sumugod sa kampo ng mga barbarians. At kung sino sa inyong dalawa ang makakapatay sa pinaka leader nila ang siyang hihirangin kong tagapagmana ng tronong ito"

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon