Chaptet 6: Beifang

3.8K 150 1
                                    

Beifang

Nanlamig ang buong katawan ni Luke nang marinig niya ang makapanindig balahibong sigaw ni Alissa. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa royal guard na kasalukuyang tumutusta kay Alissa at tinulak ito papalayo pero huli na. Wala na si Alissa sa puwesto niya at tanging ang kapirasong sunog na damit nalang ni Alissa ang natagpuan doon.

Napakuyom ang kamao ni Luke at agad na hinawakan sa kuwelyo yung royal guard na may gawa ng lahat. "What did you do to her?! Where is she?!"

Nanginig sa takot yung royal guard dahil ito ang unang beses na nakaharap niya nang malapitan ang crown prince na si Luke na kilala bilang isang malakas na Light user. "I-I-I.. I didin't do anything, y-your highness"

"THEN WHERE IS SHE?!" hinagis ni Luke sa sahig yung royal guard dahilan para mapaupo ito sa sahig pero agad din itong gumapang papalapit sa paanan ni Luke at lumuhod.

"Y-your highness, please forgive me, ginawa ko lang po ang tungkulin kong protektahan ang hari" saad nito habang mangiyak-ngiyak na nakaluhod sa harapan ni Luke.

"That was Alissa?" Tanong ng hari na hanggang ngayon ay tulala parin sa kapirasong damit sa sahig kung saan niya huling nakita si Alissa.

"Yes" matipid na sagot ni Luke sa tatay niya.

Napahawak sa sintido ang hari bago napabuntong hininga. 8 years old palang si Alissa nang huli niya itong Makita kaya naman hindi niya ito agad namukaan. Nabalot ng takot at guilt ang buong katawan ng hari nang maalala niyang muntik na niyang mapatay si Alissa nang gamitin niya ang Ultimate skill niyang paghati sa lupa.

"Is she dead?" Tanong ng hari kay Luke.

"NO" mabilis na sagot ni Luke. Alam niya sa sarili niya na hindi pa patay si Alissa, at kung sakali mang wala na nga siya, hinding hindi mapapatawad ni Luke ang sarili niya.

"If not, paano siya biglang naglaho?"

Napailing-iling si Luke. "Teleportation?"

"Imposible, tanging ang mga dark at light user lang na kagaya mo ang nakakagawa ng teleportation"

Hindi umimik si Luke. Biglang pumasok sa ala-ala niya ang ginawang paglutang sa ere ni Alissa. If She can fly, is it really impossible for her to teleport?

Alissa was so different now. Hindi na siya ang dating mahina na kababata ni Luke. Ibang iba na siya sa Alissa na lumuhod sa harap ng palasyo ng tatlong araw. Iba na ang mga tingin at kilos ni Alissa at wala na ang mga dating ngiti sa mga labi niya sa tuwing nagtatama ang paningin nila ni Luke.

Hindi na kilala ni Luke ang Alissa sa kasalukuyan. Pero siguro siya, na hindi pa patay si Alissa.

-Alissa-

'Bakit ang tanga-tanga mo?' Naiiritang tanong ni Anna nang makapag teleport na kami kung saan.

Hindi ako agad nakasagot. Napaluhod ako sa sahig at napapikit dahil sa kuryenteng dumadaloy parin sa katawan ko at Idagdag mo pa ang hapdi ng paso na natamo ko dahil doon sa isang royal guard.

'Anong tanga? Kung hindi lang nange-alam si Luke edi sana napag higantihan ko na ang haring dahilan kung bakit nawalan ako ng ama' Narinig kong napabuntong hininga si Anna sa utak ko.

'Then what? Kung mapatay mo ang hari, panigiradong magiging wanted ka at ka-kailanganing mong magtago habang buhay'

Bigla akong napatigil. That's right. Once na mapatay ko ang hari, hahanap-hanapin ako ng mga royal guards kahit saang sulok ng mundo man ako magpunta at sigurado akong pati si Luke ay hindi ako papakawalan.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon