Chapter 29: He's back

2.2K 94 7
                                    

He's back

Tama nga ang hinala ko, Antoine was the dressmaker on this boutique. Ang hindi ko lang inexpect ay sikat na sikat siya sa buong kaharian ng Beifang dahil sa ganda ng mga gawa niya at minsan panga daw ay dinadayo siya ng mga taga Bauxacel para magpatahi ng damit. Kaya naman hindi na ako nagtaka nang makita ko ang napakagandang sketch ng damit na dinesign ni Antoine para talaga sa amin.

Napahawak ako sa bibig ko at manghang-mangha na napatingin sa sketch ng damit sa isang mahiwagang papel sa harapan ko na dinesign ni Antoine para sa akin at napansin kong ganon din ang reaksyon ni Lina nang makita ang sa kaniya. Pati si Trevas at lieutenant Jared ay nakita kong napataas ang kilay bago napatitig sa papel na nakalutang sa harapan nila kaya naman na-curious ako at sinilip ang kanila. 

Una kong tinignan ang kay Lina. Isa itong kulay pula na dress at may mataas na slit at mababa ang neckline nito. May mahaba itong sleeves at mahabang trail sa likod habang may mga disenyo namang ginto sa may dibdib at leeg para medyo less revealing ang damit. Habang sinisilip ko ang damit na para kay Lina ay napalingon din ako sa sketch ng damit para kay lieutenant Jared dahil magkatabi sila at nag-uusap. 

Katulad ng kay Lina ay kulay pula din ang damit na para kay Lieutenant Jared at meron din itong kulay ginto na armour sa may dibdib. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa ng armour eh party naman ang pupuntahan namin pero nagkibit balikat nalang ako at napasilip sa sketch ng damit ni Trevas pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sakanya.

Hinatak ko palapit sa akin yung nakalutang na mahiwagang papel at pinagtabi yung sketch ng damit niya at nung akin na magka ternong magkaterno tulad ng pagkakaterno ng damit nila Lina at lieutenant Jared.

"Bakit magkaterno ang samin?" Tanong ko kay Antoine na chill na nakaupo sa sandalan ng sofa sa harapan namin.

Nilipat niya ang tingin niya mula sa kuko niyang mukang bagong manicured papunta sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Hindi ba Kayo magkapartner sa grand ball?"

"We're not"

"We are" napalingon ako kay Trevas dahil sa sagot niya. "We are?"

"Bakit? Ayaw mo?" Tanong ni Trevas bago nagpahalumbaba at pinatong ang siko sa may ibabaw ng tuhod niya at tinignan ako.

"Syempre gusto ko" bigla siyang napangisi sa sagot ko at doon ko lang narealize kung gaano ka pangit pakinggan ng sinabi ko. Syempre gusto ko?

"I mean, hindi ko gusto pero hindi ko ayaw" Pagpapatuloy ko dahilan para mabalik ang tingin niya sa akin at napataas ang kilay.

Napahawak ako sa sintido ko. Dapat pala hindi nalang ako nagsalita.

"Ano ba talagang gusto mo?" Natatawang tanong ni Trevas.

"Ikaw daw kasi yung gusto niya" bigla akong napalingon kay Lina at tinignan siya ng masama pero tinawanan niya lang ako bago humarap kay Lieutenant Jared. "Ikaw, ikaw yung gusto ko'

Nakita kong napailing-iling si lieutenant Jared pero napakagat siya sa labi na para bang kinikilig at pinipigilang mapangiti.

"Kailangan namin makukuha ang mga damit?" Tanong ni Trevas kay Antoine.

"mawalang galang na your highness, pero kailangan mong magbayad muna" nakapameywang na saad ni Antoine pero imbes na magalit tulad ng karaniwang reaksyon ng isang royal ay natawa lang si Trevas bago napasandal sa sofa.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon