Chapter 25: Meant for me

2K 103 2
                                    

Meant for me

Tahimik na naka-upo si Freya sa may damuhan na malapit doon sa waterfalls kung saan sila huling nagkita ni Henrick. Ilang buwan na ang nakalipas mula noong huli silang nagkita at nagsisimula nang magduda si Freya na may nangyari na kay Henrick.

Napakapit ng mahigpit si Freya sa damuhan dahilan para mabunot yung mga damo sa bandang iyon nang hindi niya namamalayan.

Napasuklay si Freya sa buhok niya at hindi niya alam kung bakit inis na inis siyang hindi na siya pinupuntahan ni Henrick pero mas nangibabaw sa kaniya ang lungkot at takot na maaring hindi na ulit sila magkita nito lalo na nang maalala niya ang huli nitong sinabi na ipapakasal na siya sa iba.

Napahawk si Freya sa dibdib niya at kunot nuong napatitig sa kawalan habang inaalam kung ano ba itong nararamdaman niya. Hindi niya mapaliwanag kung ano iyon basta ang alam niya lang ay gusto niyang makita si Henrick kaya napagdisisyonan niyang siya na mismo ang pupunta kay henrick.

Kahit na ilang beses na siyang pinagbawalan ng mga magulang niya, tumakas si Freya at pumunta sa kaharian ng Beifang na minsan na niyang tinuring na pinaka kinamumuhian niyang lugar.

Naka-suot siya ng itim na hood kahit na alam niyang hindi naman siya mamumukaan ng mga tao. Naglakad-lakad siya at hinanap ang palasyo dahil hindi siya makakapagteleport papunta roon dahil hindi niya alam kung saan.

Gabi na nang matagpuan ni Freya ang mataas na pader ng palasyo pero mas mabuti na rin iyon dahil mas makapangyarihan ang kapangyarihan ng mga dark user sa tuwing gabi at pwedeng pwede na siyang magteleport kahit saan maliban sa maliliwanag na lugar.

Naglaho bigla si Freya sa kinatatayuan niya at biglang nagteleport sa ibabaw noong mataas na palace wall kung saan kitang-kita niya ang loob ng palasyo. Agad din siyang bumaba mula doon sa mataas sa pader at nagtago sa isang poste nang may makita siyang dalawang royal guard na sabay na naglalakad.

"Sa tingin mo ba swerte si Prince Henrick kay Princess Vivian?" Pabulong na tanong nung isang royal guard sa kasama niya. Sinasadyang hinaan ang boses dahil malamang ay takot silang marinig ng iba na pinag chi-chismisan ang isang royal.

"Maganda naman si Princess Vivian, hindi ko alam kung bakit tutol na tutol si Prince Henrick sa kasal nila"

Hindi na narinig ni Freya ang pinag u-usapan ng dalawa nang makalayo na ito. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para magteleport papunta doon sa pinto at dahan dahan itong binuksan nang makasiguradong walang nakatingin. 

Pagkapasok na pagkapasok ni Freya ay napataho ulit siya sa isang madilim na sulok nang makarinig siya ng mga yabag ng paa. Sinilip niya kung sino iyon at nakita ang tatlong babae na may hawak hawak na tray at base sa suot nilang kulay brown na bistida at puting apron ay sigurado si Freya na sila ay mga royal servants.

"Ako na naman ang magdadala ng pagkain ni prince Henrick, lagi nalang ikaw eh" sabi nung isang katulong.

"Gaga, pinagnanasaan mo pa din si Prince Henrick eh ikakasal nanga?"

Hindi alam ni Freya kung bakit pero parang gusto niyang sabunutan yung babaeng may pagnanasa kay Henrick at ibaon sa lupa diretso sa impyerno.

"Ayaw niya nga magpakasal diba? Kaya nga siya pinagbabawalang lumabas ng kwarto niya so it means may pag-asa pa ako" biglang napakunot ang nuo ni Freya sa narinig niya. Pinagbabawalan siyang lumabas?

"Dalhin mo na yang pagkain sa kwarto ni Prince Henrick, ako na magdadala ng pagkain kay His majesty the king at si Laida na ang magbibigay kay Her majesty the queen"

"Thank you" kilig na kilig na sabi nung isang royal servants dahilan para lalong mainis si Freya pero Wala siyang ibang nagawa kundi manatiling tahimik sa pinagtataguan niya dahil ayaw naman niyang magkagulo ang lahat dahil may nakapasok na outsider sa palasyo.

Sinundan ni Freya yung maharot na royal servants na magdadala ng pagkain kay Henrick at maingat siyang nagaplipat lipat ng pinagtataguan habang nagteteleport sa bawat madilim na parte ng malawak na hall way.

Ilang minuto din ang lumipas at sa wakas ay tumigil sa paglalakad yung royal servant at kumatok sa isang malaking pinto. Inayos pa nito ang suot suot niyang damit at tumayo ng tuwid nang marinig mula sa pinto ang isang pamilyar na boses.

"Enter" sabi ni Henrick sa walang gana niyang boses pero biglang bumilis ang tibok ni Freya dahil doon. She missed him.

Binuksan nung katulong yung malaking pinto at naglakad papasok bago inilapag yung hawak na tray sa isang bilog na lamesa na napalilibutan ng dalawang upuan.

Biglang naglaho si Freya sa pwesto niya sa may anino sa labas ng pinto at biglang nateleport sa madilim na sulok nung kwarto ni Henrick kaya hindi siya napansin ng dalawa.

Malawak ang kwarto at mataas ang kisame kung saan nakalambitin ang isang malaking chandelier pero hindi ito nakabuhay at tanging ang liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto n nagmumula sa malaking balkonahe sa may gilid ng malaking kama kung saan naka upo si Henrick at nakatingin sa labas.

Pinagmasdan ni Freya mula sa pwesto niya si Henrick at napagtanto na merong mahikang nakapalibot sa kaniya na sa malamang ay pumipigil sa kaniya na gamitin ang kapangyarihan niya kaya hindi siya maka-alis sa kwartong ito.

"Your highness, mas maganda po siguro kung kakanin niyo na ang pagkain niyo hangga't mainit pa" sabi nung katulong na siyang lalong nagpakulo ng dugo ni Freya.

Hindi umimik si Henrick at nanatiling nakatingin sa may balkonahe kaya naman hindi niya napansin ang paglalakad ni Freya sa likod nung katulong at hinampas ito sa batok dahilan para matumba ito sa sahig at mawalan ng malay. 

Biglang napalingon sa kaniya si Henrick nang marinig niya ang ingay at nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang paningin nila ni Freya.

Hinawakan ni Freya sa braso yung katulong na nakahandusay sa sahig bago ito kinaladkad palabas ng kwarto at iniwan sa gitna ng hallway bago bumalik sa kwarto ni Henrick at ini-lock ang pinto.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon