Chapter 22: Winter demon

2.4K 104 0
                                    

Winter demon

“Nasa palace hall pa rin si Trevas?” tanong ko kay Lina pagkababang pagkababa ko galing second floor. Nakaupo siya sa mahabang puting sofa sa living room at may kung anong sinusulat sa mahiwagang parchment paper na nasa coffee table.
 
Hindi ako sinagot ni Lina dahil malamang ay nakatuon ang atensyon niya roon sa pagsusulat kaya lumapit ako sa kaniya at sinilip kung anong sinusulat niya pero hindi ko iyon masyadong naintindihan dahil bukod sa pangit ang sulat ni Lina ay medyo malayo ang puwesto ko at ang tanging nabasa ko lang ay ang huli niyang sinulat na ‘-Lina’ bago biglang umilaw yung bawat letra sa papel at unti-unti itong naglaho.
 
“Ano yan?” tanong ko nang tuluyan nang maglaho yung sinulat niya doon sa papel. Biglang napalingon sa akin si Lina at napahawak pa sa dibdib niya dahil sa gulat.
 
“Ano ba? Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong niya bago niya nilapag sa lamesa yung kulay violet na mahiwagang pluma na ginamit niya sa pagsusulat. Alam kong mahiwaga iyon dahil hindi gumamit si Lina ng ink para sa pagsusulat kanina.
 
“Ano nga yan?” tanong ko ulit bago ngumuso doon sa parchment paper na pinagsulatan niya kanina.
 
“Messenger” sabi ni Lina bago sumandal sa sofa kaya umupo din ako sa tabi niya.
 
“Messenger?”
 
“Ay hinde, papel to Alissa, papel” pagiirap ni Lina kaya natawa ako sa kaniya.
 
“So anong meron diyan? Ano yung sinulat mo kanina?” tanong ko ulit bago umabante at pinagmasdang maiigi yung medyo umiilaw na papel at pluma.
 
“Nakikipag-usap ako kay Jared gamit yan” nakangising saad ni Lina.
 
“Paano?” tanong ko pero bago pa ko masagot ni Lina ay umilaw na naman yung papel at doon ay unti-unting sumulpot ang mga letra.
 
Umabante din si Lina at binasa yung nakasulat.
 
‘Matulog ka na. –Jared”
 
Biglang lumawak ang mga ngiti ni Lina bago napatakip sa muka at kilig na kilig na nagpagulong-gulong sa sofa.
 
“Aray, ano ba?” suway ko sa kaniya nang matamaan niya ako dahil sa kaharutan niya. “Sinabihan kalang na 'matulog na' kilig na kilig ka na?”
 
Napatigil sa pagwawala si Lina bago tumingin sa akin ng masama. “Hindi mo ba alam yung kasabihang, ‘It’s the thought that counts?'”
 
“Ewan ko sayo, nasaan ba si Trevas?” tanong ko bago napalingon-lingon sa paligid.
 
“Nasa palace hall pa rin ata” sabi ni Lina bago muling nagsulat doon sa ‘messenger’ na sinasabi niya.
 
Napalingon ako sa may bintana at napagtantong madilim na ang langit pero hindi pa rin ata natatapos ang pag-uusap nila Trevas at nung hari na kaninang hapon pa nagsimula.
 
Lumabas ako sa main building sa loob ng courtyard ni Trevas at pinagmasdan ang paligid. Naglakad ako papunta doon sa man-made pond at pumwesto sa gitna nung tulay bago tahimik na pinagmasdan yung pond kung saan nagrereflect ang malaking buwan at libo-libong bituin sa kalangitan. Ipinatong ko yung mga kamay ko roon sa railings noong tulay bago napabuntong-hininga.
 
‘Bakit nagpapaka senti ka dyan?’ bigla akong napatayo ng diretso at napahawak sa dibdib nang marinig ko ang boses ni Anna.
 
‘Wag ka ngang manggugulat bigla-bigla’ sabi ko sa kaniya bago binalik yung mga braso ko sa pagkakapatong doon sa railings.
 
‘Bakit ka nga nagpapaka senti?’ tanong niya ulit.
 
‘Iniisip ko lang yung kung ano kayang pinag-uusapan nila Trevas ngayon’
 
‘Ahh.. si Trevas’ sabi ni Anna pero rinig na rinig ko sa boses niya ang pang-aasar.
 
‘Anong nasa-isip mo?’ tanong ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.
 
‘Ano sa tingin mo ang pinag-uusapan nila?’
 
Nagkibit-balikat ako bago niyakap ang sarili dahil biglang lumamig ang simoy ng hangin. ‘Ewan ko, siguro tungkol sa kung sino ang totoong nanay ni Trevas o kaya kung bakit si Vivian yung tumayong nanay niya basta ang alam ko lang mahihirapan si Trevas na tanggapin ang lahat ng ‘to’
 
‘You think so?’
 
‘Yes, isang nakakatakot na demonyo man ang pagkakakilala sa kaniya ng lahat, alam ko na deep inside Trevas, he’s a human at nakikita ko kung paano siya naapektohan ng mga taong pinahahalagahan niya. Kahit nga si Vivian na demonyita na hindi naman pala niya tunay na ina pinahahalagahan niya at pinapatunayan lang noon na hindi siya isang demonyo tulad ng sinasabi ng iba tungkol sa kaniya.”
 
‘You care for him, do you?’ tanong ni Anna kaya bigla akong napatigil at nag-isip ng malalim.
 
‘Yes, I think I care for him.’ Pag-amin ko.
 
‘Do you like him?’ biglang napakunot ang nuo ko.
 
‘Saan nanggaling yang tanong na ‘yan?’
 
‘Sa akin, obvious ba?’ napairap ako. ‘So ano nga? You like him?’
 
Napakunot ulit ang nuo ko at nag-isip ng malalim pero bago pa ako makasagot ay bigla kong naaninag si Trevas na biglang sumulpot doon sa anino ng isang malaking cherry blossom tree bago siya umakyat doon sa puno at humiga sa isang sanga nito.
 
Napatayo ako ng diretso at naglakad palapit doon sa puno, nakasuot ng puting robe si Trevas kaya hindi siya masyadong kita doon sa may sanga at idagdag mo pa na madilim at tanging ang liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw dito sa courtyard.
 
“Trevas” halos pabulong kong tawag sa kaniya pero alam kong narinig niya iyon dahil umayos siya ng upo at nginitian ako habang ang mga paa niya ay nakalambitin.
 
“Stop smiling” biglang nanigas ang panga niya sa sinabi ko.”It look so fake”
 
Nawala ang ngiti niya bago napabuntong hininga at ini-pat yung puwesto sa tabi niya na para bang sinisenyasan akong umupo doon.
 
Nagteleport ako papunta doon sa tabi niya pero muntik na akongmahulog buti nalang ay nahawakan ako ni Trevas sa bewang kaya naka ayos din ako ng puwesto.
 
“How was it?” ang tinutukoy ko ay yung tungkol sa pag u-usap nila noong hari.
 
“Nakakabigla, I guess?” natatawang sabi niya bago tumingala sa kalangitan.
 
“You don’t have to tell me if you don’t want to” sabi ko bago tumingin din sa kalangitan.
 
“It’s About my real mother” panimula ni Trevas. “She’s not dead...
 
...but she’s not alive either”
 
****
 
Years ago, noong hindi pa si Henrick Beifang ang kinokoronahang hari ng kaharian ay may isang pamilya na nilalayuan ng lahat. Nakatira sila sa pinaka sulok ng kaharian kung saan liblib at kakaunti lang ang nakatira dahil bukod sa malayo ito sa bayan kung saan mabibili ang mga pangangailangan sa araw araw ay malapit din ito sa gubat kung saan maraming mapanganib na mga hayop ang nananahan.
 
“Freya Donovan!” biglang napalingon ang 9 year old na si Freya nang marinig niya ang boses ng mama niya. Mula doon sa anino ng isang malaking puno ay unti unting lumabas ang isang babae na mahaba at kulot ang buhok at kayumanggi ang kanyang balat.
 
“Ma” tawag ni Freya nang maaninag na niya ang muka nito.
 
“Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na huwag kang pupunta dito sa gubat ng mag-isa dahil minsan ay may mga nangangaso dito at baka pag diskitahan ka nila pag nakita ka nila” dire-diretsong sermon ng nanay niya.
 
Napakamot si Freya sa batok niya nang magpatuloy parin sa pag ra-rap yung nanay niya.
 
 “Naiintindihan mo ba?” tumango si Freya kahit na wala siyang naintindihan dahil sa bilis magsalita ng nanay niya.
 
Narinig niyang napabuntong hininga yung nanay niya kaya napatingala si Freya sa kaniya.
 
“You know i’m doing this for you right? Alam mo naman kung ano ang sitwasyon natin. Hindi tanggap ng mundo ang mga dark user kaya kailangan nating taguan ang mundo”
 
“Why? Bakit hindi tanggap ng mundo ang mga dark user?” tanong ni Freya.
 
“Dahil sa lahi natin” sagot nito bago nagsimulang maglakad pabalik sa kubo nila sa gitna ng gubat at sumunod naman sa kaniya si Freya.
 
“Bakit ma? Ano bang lahi natin?”
 
“Nagmula tayo sa lahi ng mga demonyo Freya” napatigil sa paglalakad si Freya kaya napatigil din ang nanay niya at napalingon sa kaniya. “Alam mo naman na minamana ang kapangyarihang darkness element hindi ba? Namana natin ang kapangyarihan natin sa mga demonyong nanirahan dito sa lupa ilang libong taon na ang nakakaraan.”
 
Napatango si Freya, alam niya na minana niya lang ang kapangyarihan ng kadiliman sa mga magulang niya na parehong dark user pero never niyang sinisi ang mga magulang niya kung bakit siya nilalayuan ng mga tao at hindi makapamuhay ng normal kasama ng iba dahil nga sa kapangyarihan niya na hindi naman niya ginusto.
 
“Where are they now?” tanong ni Freya.
 
“The demons? Pinadala sila ng mga anghel pabalik sa ilalim ng lupa at pinagbawalan na silang muling makaalis doon” sagot ng nanay niya bago ito nagsimulang maglakad ulit pero nagpatuloy parin si Freya sa pagtatanong dahil gustong gusto niyang malaman ang kasaysayan ng itim na mahikang dumadaloy sa dugo niya.
 
“So yung mga angels ang pinagmulan ng lahi ng mga light user?”
 
“No, Their magic came from the gods and goddesses, pero nag a-anyong anghel sila kapag nag u-ultimate skill because they are just a demi-god”
 
Napatango-tango si Freya. “What about the Ice users? Saan sila nagmula? Sa north pole?” natatawang saad ni Freya.
 
“Their powers came from Psyche, the goddess of butterflies. One of the most powerful goddess there is”
 
“Then what about the-“ Biglang naputol ang sinasabi ni Freya nang biglang tumigil sa paglalakad ang nanay niya at napatitig kung saan. Sinundan ni Freya ang tingin nito at maging siya ay nanlambot bigla ang tuhod nang maaninag ang maliit nilang kubo na nasusunog at nakapalibot doon sa bahay ang mga tao na may kung ano anong sinisigaw.
 
“Hide here” sabi nung nanay ni Freya bago siya itinago sa may likod ng mga malalaking bato at tumakbo papunta doon sa nasusunog na bahay nila.
 
Sinilip ni Freya ang ulo niya mula doon sa pinagtataguan niyang bato para makita ang mga pangyayari at biglang nag-init ang dugo ni Freya nang makita ang tatay niya na nakaluhod sa may gitna ng mga tao at naka posas ang mga kamay. Puro lapnos ang mga balat niya at tumutulo na ang dugo mula sa sugat niya sa nuo at ibat ibang bahagi ng katawan. Tumakbo ang nanay ni Freya sa asawa niya at lumuhod sa tabi nito, takot na hawakan siya dahil baka lalo lang sumakit ang mga sugat at lapnos na tinamo niya mula doon sa mga tao.
 
“Why are you doing this? Wala kaming ginagawa sa inyo!” sigaw ng nanay ni Freya doon sa mga tao pero nagpatuloy sila sa pag i-ingay at pagsasabi ng mga masasakit na salita.
 
 
 
“Anong wala? Simula nang dumating kayo dito naging sunod sunod na ang mga sakunang dinaranas ng kahariang ito!”
 
“Lumayas kayo dito nang tumigil na ang tagtuyot!”
 
“Kayo ang nagdadala ng sumpa sa bayang ito!”
 
“Simula noong dumating kayo, sunod sunod na ang kamalasang dumating sa buhay ko at ng mga mamamayang nakatira dito. Tapos sasabihin mong wala kayong ginagawa? Malay ba namin kung sa tuwing tulog ang lahat ay nag i-ikot ka at nagkakalat ng lagim”
 
“Mga demonyo! Sumama na kayo sa mga ninuno niyo sa ilalim ng lupa”
 
Lumabas si Freya sa pinagtataguan niya at dahan dahang naglakad papalapit sa kumpol ng tao pero dahil nga sa maliit palang at wala namang nakaka-alam na nagkaroon ng anak ang magasawang Donovan ay walang nakapansin sa kaniya.
                                                      
Namumula ang mga mata ni Freya at may mga luhang pumapatak mula doon habang pinapanood niya ang mga tao na magbato ng kung ano ano sa mga magulang niya. Nagbabato sila ng mga malalaking bato at kung minsan pa ay mga bola ng apoy pero walang may lakas ng loob na patayin sila dahil ayaw nilang madumihan ang mga kamay nila.
 
Nang makalapit na si Freya sa kinaroroonan ng mga magulang niya ay tumigil sa pagbabato ng kung ano anong bagay yung mga tao.
 
“Kaninong anak iyan! Ilayo niyo at baka mahawa ng pagkademyo” sabi pa nung isa pero hindi gumalaw si Freya sa kinatatayuan niya at walang emosyong tinitigan ang mga galos, lapnos at malalaking sugat na natamo ng mga magulang niya.
 
Lumapit sa kaniya ang isang lalaki at hinawakan siya sa braso para sana ilayo sa mga magulang niya pero biglang napabitaw yung lalaki nang biglang palibutan ng itim na mahika si Freya mula ulo hanggang paa.
 
“It’s a demon! Anak nila yan! Isa ding demonyo!”
 
Tahimik na nilingon ni Freya ang mga tao sa paligid niya at ramdam niya ang pag-agos ng isang napaka lakas na kapangyarihang dumadaloy mula sa ilalim ng lupa papunta sa katawan niya at hindi niya namalayan na ginagamit na pala niya ang Ultimate skill niya sa unang pagkakataon nang hindi niya napapansin. Unti unting nagbago ang anyo ni Freya pero laking gulat ng lahat nang hindi isang itim na demonyo ang naging kalabasan ng pag ta-transform ni Freya. Imbes na itim ay naging puti ang kulay ng buhok ni Freya at ganon din ang mga mata niya na parang umiilaw pero hindi parin nawawala ang itim na mahikang nakapalibot sa kaniya.
 
“It’s a Winter demon” gulat na sabi noong isa na siyang nagpatindig ng balahibo ng lahat.
 
Ang winter demon ang isa sa pinakakinakatakutang uri ng dark user sa mundo hindi dahil sa masyado itong malakas kundi dahil sa meron itong kakayahan na tawagin at i-summon ang mga demonyong nananahan sa ilalim ng lupa na higit na mas malakas kesa sa isang level 8 na element user. Kaya niyang dalhin sa lupa ang mga demonyong ikinulong ng mga anghel sa impyerno sa tuwing nag-uultimate skill siya at dahil dito ay kaya niyang kontrolin ang mga ito at pasunurin sa kaniyang mga gusto. Ang winter demon ay may pisikal na katangian na kasing puti ng niyebe, pero ang budhi ay kasing itim ng kadiliman.

Author's note:

1. Freya's transformation (Winter demon)

 Freya's transformation (Winter demon)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon