Chapter 66: Happy Ending

1.6K 86 10
                                    

Happy ending
Unedited

​I’ve always wanted to see the future.
 
Gusto kong malaman kung ano ang hinaharap. Gusto kong makita kung sino na ako at ano na ako sampung taon mula ngayon. Gusto kong makita kung may kakainin ba ako bukas o kung anong araw ako mamamatay. Kung lalaki pa ba ako at makakapag asawa o mamamatay nang dalaga.
 
Pero sinong mag aakala na isa palang sumpa ang hinihiling ko?
 
“Lina Phoenix” Tawag sa akin ni Laramie, ang goddess of tears.
 
Nandito kami ngayon ni Alissa sa bundok ng Jeufeng. Nahulog kami sa isang bangin habang tumatakas sa isang chenoo at sa hindi inaasahan, ang bangin na pinaghulugan namin ay ang bangin kung saan nakatira ang isang diyosa.
 
“What?” nagtataka kong tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinatawag. Kani kanina lang ay si Alissa ang kausap niya kaya hindi ko alam kung bakit niya biglang tatawagin ang pangalan ko.
 
Napatingin ako kay Alissa na nakatayo sa may harapan ni Laramie, napakunot ang nuo ko nang makitang hindi gumagalaw si alissa na para bang hindi niya narinig ang paguusap namin ni Laramie.
 
“Anong ginawa mo sa kaniya?” tanong ko bago naglakad papalapit kay Alissa at pinagmasdan siya ng mabuti.
 
Bukas ang mga mata ni Alissa at nakatulala siya kung saan, sinubukan kong agawin ang atensyon niya gamit ng pagwasiwas ng kamay ko sa harapan niya pero hindi parin siya kumikibo.
 
“I’ve temporarily put her in sleep” sagot niya kaya naman napakunot ang nuo ko.
 
“What? Why?”
 
“May mga sikreto akong kailangang sabihin sayo dahil kakaiba ang hiling mo kumpara kay Alissa” panimula niya bago naglakad papalapit sa akin. Nasa ibabaw parin siya ng lawa at bawat hakbang niya papalapit sa akin ay nagdudulot ng maliliit na alon sa lawa sa harapan ko. “You wan’t to see the future”
 
Napatigil ako sa sinabi niya.
 
“Kaya mong ibigay ang hiling ko?”
 
Tumango siya. “Pero lahat ng bagay ay may limitasyon. once na nalaman mo ang hinaharap, magkakaroon ka ng infragilis vow of time”
 
“Infrgilis vow of time?”
 
“Isa itong pangako na hinding hindi ka mangingi-alam sa mga nakatakda nang mangyari”
 
“Anong mangyayari kapag nangialam ako?”
 
“Katumbas noon ay ang pagwasak mo sa infragilis vow of time. sa madaling salita, makakaramdam ka ng matinding sakit bago ka unti unting mamamatay” Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.
 
Medyo nagdalawang isip ako kung worth it ba an malaman ang hinaharap kung hindi ko naman itong pwedeng baguhin pero nanaig ang curiosity ko kaya pumayag ako sa sinasabi niya.
 
Pero agad kong pinagsisihan ang disisyon ko nang makita ko ang trahedyang naghihintay sa aming lahat.
 
Nakita mismo ng mga mata ko ang katotohanan tungkol kay Psyche at Anna, nakita ko ang nakaabang sa amin na panganib sa pagbabalik namin sa Bauxacel at nasaksihan ko ang gerang magaganap na siyang kikitil sa maraming buhay.
 
Kasama na doon ay ang buhay ni Alissa at ng nanay niyang si madame Diana. Ang dalawang tao na siyang tanging makakatalo kay Psyche.
 
Nakita ko kung paano nagluksa at nagbago si Trevas matapos mawala si Alissa at nasaksihan ko ang unti unting pagguho ng mundo dahil sa pagkapanalo ni Psyche.
 
Pinatay ni Psyche ang lahat ng natitirang gods at goddesses, ang lahat ng nilalang, Bata, matanda, babae o lalaki, wala siyang pinalampas at ang tanging itinira niya lang sa mundo ay ang mga tapat niyang tagasunod.
 
Pero hindi pa doon natapos ang lahat. Matapos niyang wasakin ang mundo ay inialis niya ang seal na siyang pumipigil sa mga demonyo na bumalik sa lupa kaya naghari ang kadiliman sa mundong ibabaw.
 
Nanghina ang tuhod ko dahil sa lahat ng nakita ko sa loob ng ilang segundo. Naramdaman ko ang lungkot, hinagpis, takot at pagkawalan ng pagasa na para bang naranasan ko ang lahat ng nakita ko sa hinaharap.
 
Napahawak ako sa dibdib ko bago napatingala kay Laramie na matiim na nakatingin sa akin.
 
“Alam mo ang tungkol sa lahat ng ito?” tanong ko sa kaniya.
 
Hindi siya sumagot pero sapat na iyon para kumpirmahin ang tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa kalmado niyang muka habang tahimik na nakatingin sa akin. “Alam mo ang tungkol sa mga mangyayaring ito pero wala ka manlang ginagawa?”
 
“Tulad ng sinabi ko sayo, lahat ng nakaka alam sa hinaharap ay otomatikong magkakaroon ng Infragilis vow of time at mamamatay ang sino mang makikialam sa nakatakda”
 
“But-”
 
“Hindi mo pwedeng sabihin kanino man ang tungkol sa nalaman mo at hindi mo pwedeng pigilan ang mga nakatakdang mangyari, mabuti man ito o masama”
 
“So hayaan ko nalang ang lahat? Hayaan ko nalang na ammatay ang mga taong mahalaga sa akin at sirain ni Psyche ang mundo?”
 
Hindi umimik si Laramie kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. “kung ikaw, nakayanan mo na panuorin lang ang lahat habang unti unting gumuguho ang lahat, ibahin mo ako.”
 
Alam ko na hindi magandang ideya na pagsalitaan ko ng ganito ang isang makapangyarihang diyosa na tulad ni Laramie pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Paano niya natiis na manatiling tahimik kahit na alam niya ang tungkol sa mga bagay na mangyayari sa hinaharap?
 
Hindi na umimik si Laramie pagkatapos noon at ibinalik nalang sa normal si Alissa bago niya ibinigay ang frozen chrysanthemum na siyang pinaka pakay namin sa pagpunta dito sa bundok ng Jeufeng.
 
Nang bumalik na kami ni Alissa sa Beifang, tulad ng nakita kong mangyayari sa hinaharap. Nakita namin si Lady Mara na siyang nauna nang magbigay ng frozen chrysanthemum para sa panggamot ng lason kay Trevas. Biglang napakunot ang nuo ko dahil dito. Sa ipinakita sakin ni Laramie, tauhan ni Psyche si Lady Mara. Kung ganon, anong pakay ni Lady Mara at tinulungan niya si Trevas na magamot ang lason?
 
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon pa na malaman kung ano ang dahilan ni Lady Mara dahil agad din siyang umalis ng Beifang at bumalik sa Bauxacel. Habang ako, nag isip ako ng plano kung paano mapipigilan ang trahedyang naghihintay sa amin nang hindi ko sinisira ang infragilis vow of time.
 
Sinubukan kong magbasa ng mga librong tungkol sa magic of time pero wala akong nahanap na mahalagang impormasyon. Sinubukan ko ring gumawa ng mga bagay na hindi ko nakatakdang gawin at nagbakasakaling may maiba sa mga nakatakdang mangyari. Sinubukan kong awayin si Alissa, sinubukan kong mag arrange ng isang celebration party na hindi naman naganap sa nakita kong hinaharap pero walang epekto ang lahat.
 
Sinubukan kong kumbinsihin si Alissa na pumunta na kami ng Bauxacel ng mas maaga kumpara sa nakatakdang mangyari pero sa huli, umalis kami ng Beifang isang araw bago ang three alliance ceremony. Tulad ng nakatakda nang mangyari.
 
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na sasama ka sa kanila?” kunot nuong tanong sa akin ni Jared. Seryoso ang boses niya at medyo malalim kumpara sa karaniwang niyang boses. Medyo magulo din ang buhok at damit niya. mukang kakagising niya lang at nagmadaling pumunta dito nang marinig niya na sasama ako sa pag alis nila Alissa.
 
Napatitig ako sa mga mata ni Jared at hindi ko mapigilan ang kirot na naramdaman ko bigla sa may dibdib ko. Ilang araw mula ngayon ay ang araw ng pagkamatay ni Alissa. At ang araw din na iyon ang pagkamatay ko habang nakikipaglaban sa gera.
 
Tandang tanda ko sa nakita kong hinaharap. Tandang tanda ko ang itsura ni Jared nang makita niya ang katawan ko na wala nang buhay.
 
Malinaw sa memorya ko ang muka niyang madalas na walang emosyon ay napuno ng luha nang malaman niyang wala na ako pero ang mas masakit ay ako ang dahilan ng pagpatak ng mga luhang iyon.
 
“It’s obvious naman na sasama ako kay Alissa sa pagbabalik sa Bauxacel” mahinahong sagot ko sa kaniya kahit na nanginginig na ang mga kamay ko.
 
“You will come back right?” tanong niya.
 
“I… I’m not sure”
 
Hindi agad nakasagot si Jared dahil sa sinabi ko, ilang beses niya binuka ang bibig niya na para bang hindi alam ang isasagot bago nakapagsalita. “What about us?”
 
Napakuyom ang kamao ko at halos hindi ko na napigilang pumatak ang mga luha ko. Biglang pumasok sa utak ko ang mga nakatakdang mangyari. Pumasok na naman sa memorya ko ang muka niyang puno ng hinagpis at ang mga hikbing niyang nakakadurog ng puso habang yakap yakap ang malamig ko nang bangkay.
 
Kung pwede lang, gusto kong makalimutan niya ako ngayon din kung ganon lang din ang hahantungan ng relasyon naming dalawa.
 
“We won’t have a happy ending…” sagot ko sa kaniya bago ako tumalikod at mabilis na naglakad papalayo dahil alam kong hindi ko na makakaya ang sarili ko once na nanatili pa ako sa harapan niya at mas pinahaba pa ang paguusap namin.
 
Bawat hakbang ko papalayo ay ramdam na ramdam ko ang sakit pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad nang hindi siya nililingon.
 
Mabilis akong sumakay ng karwahe na siyang gagamitin namin sa paglalakbay papuntang Bauxacel at pinigilan ko ang sarili ko na lumingon pa kay Jared dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na piliing manatili nalang dito kasama si Jared at sulitin ang mga oras na hindi pa nagwawakas ang mundo. Pero alam kong hindi iyon pwede.
 
Bumalik kami sa Bauxacel. At nangyari ang lahat ng nakatakdang mangyari. Kahit anong gawin ko, ganon at ganon parin  ang kalalabasan at doon ko lang napagtanto, na walang mababago hanggat hindi ko sinasabi sa lahat ang nakatakdang mangyari.
 
“Lina, tara na” Tawag ni Alissa sa akin matapos ng meeting namin. Nandito na kami sa bundok ng Jeufeng at hindi ko mapigilang kabahan dahil ilang oras mula ngayon ay ang paglusob nila Psyche.
 
“Mauna na kayo, I want to  talk to Jare- Captain Jared about something” sagot ko sa kaniya bago ko ibinaling ang tingin kay Jared na napatingin din sa akin.
 
“What is it?” Walang emosyon niyang tanong.
 
“Can we talk… in private?”
 
Sandaling napaisip si Jared sa tanong ko bago nilingon sila Alissa. “Mauna na kayo”
 
Nagtama ang paningin namin ni Alissa at kita ko sa mga mata niya na nagdadalawang isip siya kung aalis siya o hindi pero nginitian ko lang siya at nginitian naman niya ako pabalik bago lumabas ng tent kasama sila Trevas, madame diana at Lieutenant Min.
 
Naiwan kami ni Jared sa loob ng tent at pareho kaming hindi agad nagsalita.
 
Wala siyang sinabi dahil malamang ay wala naman siyang gustong sabihin matapos nang ginawa kong pagiwan sa kaniya sa Beifang while me, hindi ako agad nakapagsalita dahil hindi ko alam paano magsisimula.
 
“Can you stop wasting my time?” malditong tanong sa akin ni Jared kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Maldito as always.
 
“It’s not funny, kung sa tingin mo nakakatuwa na sayangin yung oras at nararamdaman ko sayo lalo lang kitang kamumuhian” pagpapatuloy niya kaya naman biglang nawala ang mga ngiti ko at napaiwas ako ng tingin.
 
Yeah, you should hate me. That way, hindi ka masyadong masasaktan kapag nawala na ako.
 
Napakuyom ang mga kamao ko at pilit kong pinigilan ang mga lua kong nagbabadya nang pumatak.
 
I want to live. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal pero wala akong ibang choice ngayon kundi isakripisyo ang buhay ko para sa kaniya, kay Alissa at sa lahat ng maaaring mamamatay kung wala akong gagawin tungkol sa mga nalalaman ko.
 
Huminga ako ng malalim bago muling ibinalik ang tingin sa kaniya. “A few hours from now, may dadating na representative galing ng Firlame”
 
Pagkasabing pagkasabi ko noon ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa may dibdib ko bago ito unti unting kumakalat sa buong katawan ko. Napakagat ako sa labi ko at pinigilang mapadaing dahil sa matinding sakit na namumuo sa loob ko.
 
This is it. The Infragilis vow of time is broken.
 
“What do you mean?” kunot nuong tanong ni Jared sa akin kaya naman nabalik ang atensyon ko sa kaniya.
 
Napahawak ako sa may tiyan ko nang mas lalong tumindi yung sakit na nararamdaman ko pero pinilit kong hindi iyon ipahalata at dahan dahang nagsalita.
 
“May dadating na representative galing Firlame… mamayang bago lumubog ang araw… Isang oras mula doon… susugod si Psyche” Paputol putol kong sabi, pilit na nilalabanan ang sakit na nararamdaman ko.
 
“How did you know?” marahang tanong ni Jared, napansin ko ang pagaalala sa mga mata niya. Malamang ay napansin na niyang parang nahihirapan akong magsalita.
 
“It doesn’t matter, Just… do something about it” sabi ko bago ako mabilis na tumayo at naglakad palabas ng tent.
 
Alam ko na mag aalinlangan si Jared kung paniniwalaan niya ba ako pero alam ko din na malaki ang tiwala niya sa akin at alam niyang hindi ko iyon sasabihin ng walang dahilan.
 
And just like what I expected, pinaghanda ni Jared ang lahat para sa pagsugod pero ang totoo, pinahanda niya ang lahat para sa pagdepensa.
 
That was not supposed to happen. Ang totoo talagang nangyari ay biglaan ang pagsugod nila Psyche at wala kaming kaalam alam. Hindi kami ready at marami ang naghahanda na sa pagtulog kaya mabilis kaming natalo sa labanan.
 
Pero dahil sa ginawa kong pangenge alam, handa kami nang sumugod ang mga tauhan ni Psyche at malaki ang chance naming manalo. gayunpaman, hindi ako nagpaka kampante.
 
Hindi ako sigurado kung mababago ba ng pangengealam ko ang nakatakdang kamatayan nila Alissa at madam Diana na siyang nagsimula ng paggunaw ng mundo kaya kahit na sobrang tindi na ng sakit ng buong katawan ko at pakiramdam ko ay unti unting kinakain ng kung anong insekto ang loob ng katawan ko, pumunta ako sa labanan at hinanap ang kinaroroonan nila Alissa.
 
Hindi naman ako nahirapang hanapin sila dahil sa liwanag na nagmumula sa direksyon nila. Mas binilisan ko ang pagtakbo sa kanila kahit na medyo paika ika na ako at nanlalambot ang mga tuhod ko.
 
‘I have to warn them’ Medyo nainis ako sa sarili ko dahil hindi ko agad sinabi sa kanila.
 
Masyado akong natakot na mamatay kung sasabihin ko sa kaniya ang nakatakdang mangyari at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Tutal mamamatay narin naman ako dahil sa pagwasak ko sa Infragilis vow of time.
 
Nakita ko mula sa malayo na natalo na ni Madam Diana si Psyche pero alam kong nagkukunwari lang si Psyche na gumana sa kaniya ang frozen heart. Ginawa niya yon para ibaba nila Alissa ang depensa nila at makaatake siya nang hindi nila inaasahan.
 
“Ali-” bigla akong napaluhod sa sahig at napaubo ng dugo. Unti unti nang nanglalabo ang paningin ko at parang umiikot ang paligid. Sinubukan ko ulit tawagin si Alissa pero halos wala nang boses na lumalabas sa bibig ko.
 
“Lina?” Napalingon ako nang may tumawag sa akin at nagtama ang paningin namin ni Jared.
 
Nanlaki ang mga mata niya at napakunot ang nuo niya nang makitang nahihirapan na ako. Dali dali niyang tinapos yung buhay ng kinakalaban niyang kalaban bago mabilis na naglakad papunta sa direksyon ko.
 
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko habang papalapit siya nang papalapit. Gusto kong tumakbo papunta sa kaniya at yakapin siya sa huling pagkakataon. Gusto ko siyang puntahan at sabihin sa kaniya na mahal na mahal ko siya dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin iyon sa kaniya pero salungat sa kagustuhan ko, tumayo ako at mabilis na tumakbo sa direksyon nila Alissa.
 
Nagulat si Jared sa ginawa ko at hindi agad nakapagsalita pero nang makita niya kung saan ako papunta ay narinig ko ang malakas niyang sigaw. “Alissa! Behind you!”
 
Binilisan ko pa ang pagtakbo ko nang iunat na ni Psyche ang kamay niya at naglabas ng itim na mahika na siyang tatapos sa buhay ni Alissa at madame Diana, na siyang magsismula ng katapusan ng mundo.
 
Hindi ko alam kung aabot ako kaya ginamit ko ang natitra kong lakas at kinontrol ang hangin sa paligid ko para mas bumilis ang pagtakbo ko. Hindi ko alam kung saan nagmula ang lakas ko basta namalayan ko nalang ay nakatayo na ako sa harapan ni Alissa at bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa may dibdib ko.
 
Napahakbang pa ako dahil sa malakas na impact ng pagtama ng itim na mahika sa likod ko bago ako unti unting tinakasan ng natitira kong lakas.
 
Napatitig ako kay Alissa na nakatitig sa akin, umaagos ang mga luha niya at ang panget niya tignan.
 
Napangiti ako sa kaniya sa huling pagkakataon bago bumigay ang katawan ko at natumba ako sa sahig.
 
“Lina!” Hindi ko na alam kung sino ang tumawag sa akin basta ang alam ko lang ay may pamilyar na mga kamay ang yumakap sa akin.
 
“Lina! Don’t die… please” Napatitig ako sa pamilyar na mga mata ni Jared.
 
“Jared…” Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.
 
“Don’t die, don’t die…” Paulit ulit niyang bulong.
 
“I told you… We won’t have a happy ending” Sabi ko sa kaniya bago ko naramdaman ang pag agos ng mga luha ko at mas lalo lang humigpit ang kapit niya sa akin.
 
Unti unti na akong nawawalan ng malay at namamanhid na ang buong katawan ko pero rinig na rinig ko ang mga hikbi na nagmumula sa kaniya na siyang lalong nagpasakit ng nararamdaman ko.
 
Sobrang sakit ng nararamdaman ko sa buong katawan ko pero mas masakit ang nararamdaman kong emosyon nang marinig ko ang mga hikbi niyang ako ang dahilan.
 
“I’m sorry… I love you…” sabi ko sa huling pagkakataon…
 
At doon ko napagtanto, na hindi kamatayan ang pinakamasakit na mararanasan ng tao kundi ang habang buhay na paalam sa taong gusto mo pang maaksama sa mahabang panahon.

***

Hello po, nabasa ko po yung mga comment niyo (sa FB) na bakit tulala lang si Alissa buong labanan last chapter. I'll apologize for that, napansin ko din na parang walang ginawa buong chapter si Alissa so i e-edit ko po iyon someday, maybe pag tapos ko na itong isulat. pero sa mga nagsasabi po na mahina si Alissa, hindi po ako agree. maybe hindi nga siya malakas pero emtionally, she's very strong. biruin niyo nakaya niya lahat ng pinagdaanan niya. buong buhay niya minamaliit siya ng mga tao at yung pamilya niya na tanging sumusuporta sa kanya, sabay sabay na nawala sa kaniya pero nakaya niyang lumaban at sinubukang ipaghiganti yung mga taong mahal niya. Hindi siya perfect na tao at meron siyang mga pagkukulang pero nanatili siyang mabait sa kabila ng lahat ng naranasa niya.

Anyways, sinasabi ko lang po yung pagkakakilala ko kay Alissa bilang character na ginawa ko pero i'll respect your opinion about her.

P.S. Mahal ko din po si Lina ;'(

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon