Chapter 31: Grand ball

1.8K 97 16
                                    

Grand ball

Nang matapos ang coronation ay dumiretso ang lahat sa may palace hall kung saan isasagawa yung grand ball.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ni Lina ay sinalubong agad kami ng musika na nagmumula kung saan at ng mga naggagandahang mga nakaikot na fairy lights na nakasabit sa kisame na tanging pinanggagalingan ng ilaw sa buong silid kaya naman medyo madilim lalo na't pagabi na rin.

Pumwesto kami nila Lina at lieutenant Jared sa isang bakanteng lamesa at umupo sa L-shaped na sofa sa tapat nito. Nagpatingin-tingin ako sa paligid at sinubukang hanapin si Trevas dahil hindi namin siya kasama sa pagpunta rito dahil kinausap siya nung hari pagkatapos ng coronation. Napalingon ako sa may pinto nang may pumasok na nakaitim pero nanlupaypay rin agad ang mga balikat ko nang makitang hindi si Trevas iyon.

Teka nga, bakit ko ba siya hinahanap? Napailing-iling ako bago kinuha yung baso sa harapan ko na may lamang wine na kanina pa pala sinerve sa amin ng isa sa mga waiter habang hindi pa naseserve yung main course na iseserve pa mamaya pagkatapos ng sayawan.

Biglang nag-iba yung tugtog at rinig na rinig ang tunog ng isang violin kaya naman marami ang pumunta sa gitna ng palace hall at isinayaw yung kani-kanilang partner.

Tumayo si Lieutenant Jared sa kinauupuan niya kaya naman sabay kaming napalingon ni Lina sa kaniya. Humarap si Lieutenant Jared kay Lina bago inilahad ang kamay at inaya itong magsayaw. Napairap nalang ako nang walang pagdadalawang isip na inabot ni Lina yung kamay ni lieutenant Jared at iniwan akong mag-isa sa table namin.

Kinuha ko yung bote ng wine sa gitna ng table at nagsalin sa baso ko at iinumin na sana iyon nang bigla akong mapatigil nang may mag-unat ng kamay sa harapan ko.

Napatitig ako roon sa kamay bago napatingala sa may-ari ng kamay na iyon kaya naman nagtama ang  mga paningin namin.

"Shall we dance?" Tanong ni Trevas bago mas inilapit pa yung kamay sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong napangiti sa sinabi niya bago ko inabot yung kamay niya at hinayaan siyang hilahin ako papunta sa gitna ng dance floor.

Pinatong niya sa balikat niya yung kaliwa kong kamay bago pinagsiklop ang kanang kamay ko at ang kaliwang kamay niya habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa may bewang ko.

Tinitigan niya ako bago kami mabagal na sumayaw kasabay ng mabagal na musika.

"You looked so ganda" 

Medyo natawa ako sa sinabi niya pero bigla rin akong napatigil nang tinitigan niya lang ako habang tumatawa. Bigla akong umiwas ng tingin nang magtama ang mga paningin namin at bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko kung ano na itong nararamdaman ko... Pero hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ito.

"You looked so gwapo" natatawang sabi ko pero hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. 

Suot-suot na niya ngayon yung damit na pinatahi namin kay Antoine na bagay na bagay sa kaniya kaya naman magkaternong-magkaterno na ang damit namin.

"Look at me" bulong ni Trevas pero hindi pa rin ako tumingin sa kaniya at nakayuko lang habang pinapanood ang mga paa naming mabagal na humahakbang kaliwa't kanan.

"Alissa" parang may kung anong kumirot sa puso ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap ako sa kaniya bago siya lumapit at pinagdikit ang nuo namin.

Napatitig ako sa mga mata niya na matiim ding nakatitig sa akin bago lumipat ang tingin sa mga labi ko. Halos manghina ang mga tuhod ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko pero buti nalang ay nakaalalay ang mga braso niyang mahigpit na nakakapit sa bewang ko.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon