Chapter 54: The beginning

1.4K 81 0
                                    

The beginning

Beifang, a few years ago.
 
"You will take care of her right?" Tanong ni Henrick bago tumayo at hinarap si Psyche.
 
"Zeus and I will take care of her" sabi ni Psyche bago pinat ang balikat ni Henrick.
 
"Alright"
 
"You should return to the palace, ako na ang bahala sa kaniya" sabi ni Psyche.
 
Tumingin si Henrick kay Freya sa huling pagkakataon bago nagsimulang maglakad papunta sa palasyo para itama ang lahat ng ginawa niya. 'Im sorry Freya, pero kailangan kong gawin ito... Para sa kaharian at para sa kinabukasan ni Trevas...'
 
Pinanood ni Psyche si Henrick na naglalakad papalayo papunta sa direksyon ng palasyo. Nang mawala na sa paningin niya si henrick ay ibinalik niya ang tingin sa paligid. Nasusunog pa rin ang ibang bahay dahil sa kaguluhang idinulot kanina ni Freya at naka kalat sa paligid ang mga bangkay ng mga inosenteng mamamayang nadamay sa galit ni Freya dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya.
 
Masama man, hindi mapigilan ni Psyche na mamangha sa kakaibang lakas na meron si Freya na kasalukuyang walang malay sa may paanan niya.
 
‘If only I was powerful like her…’
 
Lumuhod si Psyche sa tabi ni Freya bago niya hinubad ang suot suot niyang white bracelet at tinapat ito sa liwanag ng buwan. Nagliwanag yung mahiwagang bracelet at binalot sila ni Freya ng liwanag.
 
Napapikit si Psyche dahil sa pagkakasilaw at hinintay na unti unting mawala yung liwanag, hanggang ngayon hindi parin siya sanay na nagt-travel papunta dito sa loob ng mahiwagang bracelet.
 
Unti unting nawala yung matinding liwanag na bumalot sa kanila at doon lang nakita ni Psyche ang pamilyar na senaryo. Nasa tuktok sila ng napaka taas na bundok na mas mataas pa sa mga ulap,hindi mapigilan ni Psyche na malula habang pinagmamasdan ang mga ulap sa ibaba ng bundok.
 
Inilibot ni Psyche ang tingin sa paligid at tumigil ang tingin niya sa lalaking naka upo may ilalim ng puno, naka pikit at parang walang paki alam sa mundo. Mahaba ang makinam nitong buhok na siyang nililipad ng malakas na hangin kasabay ng mga dahon ng mga puno.
 
Hindi napigilan ni Psyche na mapatitig sa maamong muka ng lalaki.
 
“What brings you here?” nabalik sa katinuan si Psyche nang biglang magsalita ang lalaki bago dahan dahang dumilat at tumingin sa kaniya.
 
“Zeus-” hindi naituloy ang sinasabi ni Psyche nang tumayo si zeus at naglakad papalapit. Bumilis ang kabog ng dibdib niya at hindi niya maialis ang tingin sa mala ginto nitong mga mata.
 
Napahawak sa dibdib si Psyche at pilit na pinakalma ang sarili.
 
“You brought someone?” kunot nuong tanong ni Zeus nang makita niya si freya na walang malay parin sa sahig. “How many times do I have to tell you na hindi kayo pwedeng amgdala ng kung sino sino dito?”
 
Ibinuka ni Psyche ang bibig niya at magsasalita pero biglang naglakad si Zeus papalapit kay Freya at lumuhod sa tabi nito.
 
“She’s a dark user?” tanong ni Zeus.
 
“Yes, Pinatay ng mga mortal ang mga magulang niya kaya nabalot ng galit ang buong pagkatao niya-”
 
“Then the demon inside her take over?” pagpapatuloy ni Zeus bago tumayo at hinarap si Psyche.
 
“Yes”
 
Tumango si Zeus bago naglakad pabalik sa ilalim ng puno. “How strong was she?” uupo na sana siya ulit sa pwesto niya kanina pero bigla siyang napatigil nang marinig niya ang sunod na sinabi ni Psyche.
 
“She’s a winter demon”
 
“A what?”
 
“It’s amazing how powerful she is, Kung nakita mo lang kung gaano siya kalakas habang naglalban kami you would be amaze-”
 
“Her powers need to be destroyed” papuputol ni Zeus sa pagk-kwento ni Psyche kaya biglang nawala ang mga ngiti niya.
 
“What? Why?”
 
“Her powers are dangerous Psyche, malalagay sa panganib ang mundo kapag napunta sa maling kamay ang kapangyarihan niya”
 
“Wait, May paraan para maagaw ang kapangyarihan niya sa kaniya?” manghang tanong ni Psyche pero bigla siyang napatigil nang tignan siya ng seryoso ni Zeus.
 
“I’ve created you and Anna, the first ice users this cruel world have ever had for the purpose of bringing piece and order in this filthy world. At ang kapangyarihan ng isang winter demon ang maaring magdulot ng kaguluhan sa mundo that’s why we have to destroy it as soon as possible.”
 
That’s right. Nilikha ni Zeus si Anna at Psyche, ang pinaka una-unahang ice user na meron sa mundo para mapanatili ang kaayusan sa mundo.
 
Masyadong makapangyarihan ang Light at Darkness element kumpara sa iba pang mga elemento kaya nilikha ni Zeus sina Psyche at Anna para magsilbing pangontra sa mga ito lalo na sa mga dark user na nakokontrol na ng demonyong nananalatay sa loob nila at hindi na nakokontrol ang sarili katulad nalang ng nangyari kay Freya.
 
Nilikha ni Zeus sina Anna, the goddess of flowers. At si Psyche, the goddess of butterflies para simulan ang lahi ng mga ice user. Magkaibang magkaiba sila ng kapangyarihan pero dahil sa nilikha sila ni Zeus na magkamuka ay inakala ng mga tao na sina Anna at Psyche ay iisa.
 
“Why do we have to destroy her powers if we can use it for our advantage?” tanong ni Psyche.
 
“Are you questioning my decisions now?” kunot nuong tanong ni Zeus sa kaniya kaya agad na umiling si Psyche.
 
“I just want to-” hindi natuloy ni Psyche ang sinasabi niya anng biglang may magliwanag sa may tabi nila at doon biglang sumulpot si Anna.
 
“Psyche na naman ang tawag sakin ng mga tao, matapos kong patayin yung manticore na nanggugulo sa bayan nila. tsk tsk, mga walang utang na loob” bungad na sabi ni Anna bago naglakad papalapit sa kanila pero bigla siyang napatigil nang makita si Psyche. “did I interrupt something?”
 
“No” Sagot ni Zeus bago pa makapagsalita si Psyche. “What brings you here too?”
 
Napatitig muna si Anna kay Psyche bago niya sinagot ang tanong ni Zeus. “Kairos is dead”
 
Biglang napatahimik si Zeus. “Ilang light user nalang ang natitira?”
 
“There were two, pero ngayong namatay si Kairos na walang anak, There’s only one left”
 
“Sino?”
 
“You” sagot ni Anna bago biglang napangisi. “Mukang kailangan mo na maghanap ng jowa”
 
Biglang napanalingon si Psyche sa kanilang dalawa at napatitig kay Zeus na bahagyang nakangiti.
 
“I don’t have to, pwede naman akong lumikha ng panibagong light user” sagot ni Zeus.
 
“Where’s the fun in that? Gusto mo hanapan ka namin ni Psyche ng mapapangasawa?” Tanong ni Anna pero bigla siyang tumingin kay Psyche at siniko ito. Napalingon sa kaniya si Psyche pero tinaasan niya lang ito ng kilay.
 
Napa iling iling si Psyche at napangiti pero biglang nanigas ang panga niya nang marinig ang sunod na sinabi ni Zeus.
 
“No thanks, I already have someone”
 
“Really?” gulat na tanong ni anna. “Who?”
 
Umiling lang si Zeus kaya naman buong araw siyang kinulit ni anna at pinilit na sabihin kung sino kaya hindi nila napansin si Psyche na bigla nalang umalis, kasama ang walang malay na si Freya.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon