Chapter 43: Celebration and Execution

2K 94 2
                                    

Celebration and Execution

Madilim na nang makarating kami ni Trevas sa training camp at maingay na rin dahil invited pala lahat ng mga mages at wizard sa kampo ni Trevas na siyang nakasama rin namin nuong sinugod namin ang mga barbarians.

Bawat madaanan namin ay tumitigil para magbigay daan sa amin bago sumasaludo kay Trevas at napansin kong bigla silang napapangisi sa tuwing nakikita nila yung kamay ni Trevas na nakaikot na naman sa bewang ko.

Naglakad kami papunta roon sa pinakagitna ng kampo kung saan nakaset-up ang isang malaking tent na siyang pinanggagalingan ng mas malakas na ingay ng musika at mga tao. Karamihan sa mga bisitang nandito ay nakasuot lang ng combat clothes at robes, ibang-iba sa grand ball na isinagawa noong nakaraang araw.

Kung noong grand ball, na celebration din dapat ng pagkakakorona kay Trevas, ay magarbo at halos lahat ng bisita ay mga nobles at nagmula sa mga mayayamang pamilya, ang celebration naman ngayon ay hindi gaanong magarbo pero puno ng tawanan ang paligid at masasabi mong hindi peke ang mga ngiti sa mga labi nila.

Natagpuan namin si Lina sa isa sa mga bilog na lamesa sa loob ng malaking tent at kasama niya roon sila Lieutenant Jared at Sergeant Min at kasalukuyan silang nakikipagtawanan sa mga nakaupo sa kabilang table.

Naging masaya ang celebration na nagsimula lang noong dumating na kami ni Trevas at masasabi kong may talent si Lina sa pag o-organize ng isang event. May naganap na sayawan, kantahan, palaro, kainan at kung anu-ano pa at umaalingawngaw sa buong kampo ang malalakas na tawanan at walang nakapansin sa oras na mabilis na lumilipas.

Nang matapos ang kainan sa loob ng malaking tent ay pumunta naman kami sa malaking training grounds ng kampo pero wala na roon ang mga training equipment. Ang tanging nandoon nalang ay ang malaking bonfire at mga poste na pinagsasabitan ng mga fairy lights.

Sumama kami ni Trevas sa mga nakapaikot sa bonfire na kasalukuyang nagtatawanan at nagkakantahan habang may tumutugtog ng ukelele at hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti habang pinapanood sila. Mukha silang masaya, bawat miyembro ng kampong ito ay mukhang masaya sa mga trabaho nila na para bang hindi alintana sa kanila ang panganib ng pagiging isang mandirigma.

Umihip ang malakas at malamig na hangin. Hindi ako tinatablan ng lamig pero napatigil ako nang makita si Trevas na yumakap sa sarili habang nakatingin doon sa bonfire na nasa harapan namin.

"Malamig?" tanong ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin. Nagrereflect sa mga mata niya ang liwanag na nagmumula sa apoy at hindi ko mapigilan ang sarili ko na malunod sa mga titig niya na ginagamit niya lang sa tuwing nakatingin sa akin.

"Medyo" nakangiting sabi ni Trevas.

"Gusto mong hiramin 'tong robe ko?" nakasuot naman ako ng panloob na puting dress kaya pwede kong ipahiram sa kaniya yung robes ko para hindi siya lamigin.

"Sino bang lalake sa 'tin?" tanong niya na siyang ikinatawa ko. Napatigil lang ako sa pagtawa nang lumapit siya sa akin at niyakap ako bago ipinatong ang baba sa balikat ko.

"Much better" bulong niya sa may tenga ko at hinayaan ko nalang siyang yakapin ako dahil gusto ko din naman.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko bago ko isinandal ang ulo ko sa ulo niya at napabuntong hininga. "I wish we could stay like this forever"

"Mangangalay tayo pag ganon" Hinampas ko siya braso at inis na lumingon sa kaniya.

"Hindi yun yung ibig kong sabihin" Tumawa lang siya bago mas ipinagsiksikan ang sarili sa akin. "What I meant is, sana lagi nalang ganito. We're just happy, peaceful at walang gulo"

"Me too" sabi niya. Hindi na ako umimik at ganon din siya pero kahit hindi kami umimik ay alam kong pareho kami ng iniisip.

Kahit gaano pa namin kagustong manatili sa ganitong sitwasyon, pareho naming alam na may paparating na gulo. Oo nga at mawawala na ang problema naming si Vivian at ang iba pang mga ministers at generals na kasabwat niya pero marami pa kaming problema na kakaharapin. Nandyan pa rin si Alastor na halos ilang buwan nang walang malay at although marami nang boto kay Trevas, meron pa ring mga mamamayang hindi sang-ayon sa pagiging crown prince ni Trevas.

Hanggang ngayon din ay hindi ko pa rin nakakausap si Anna. Para siyang biglang naglaho mula noong naka ingkwentro ko yung masamang espirito na sumanib kay Vivian na suspetya namin ay si Freya pero wala pa kaming proweba. Idadagdag mo rin yung misyon kong bumalik sa Bauxacel at ipaghiganti ang pagkamatay ng mga magulang ko.

Lumipas ang mga araw mula noong celebration at dumating na rin ang araw ng pagbibitay kila Vivian at sa iba pang mga kasabwat niya at hindi na ako nagulat nang makita kong kasama sa bibitayin yung lalaking noble na siyang nagdidiin ng sisi kay Trevas noong coronation day.

Nandito kami sa plaza kung saan muntik na akong mabitay kung wala lang si Trevas at hindi ko mapigilang kilabutan sa tuwing naalala ko iyon. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Trevas na nakaupo sa tabi ko pero hindi siya umimik at nginitian lang ako.

Nakaupo kami ngayon sa upuan sa may stage sa plaza at nasa harapan namin ngayon ang halos sampung bibitayin kasama na si Vivian. Nagwawala yung iba at nagmamakaawa kay King henrick na nasa tabi ni Trevas, na patawarin sila at bigyan pa ng pagkakataon. Na pinilit lang daw sila ni Vivian kuno, na tinakot daw sila na papatayin kaya napilitang gumawa ng masama pero nanatiling tahimik si King henrick pero bakas sa muka niya ang matinding galit habang walang emosyong nakatingin kay Vivian.

Nakaluhod lang doon si Vivian at walang emosyong nakatulala sa sahig na para bang wala na siyang kaluluwa. Oh, hindi nga lang pala parang dahil totoong wala na siyang kaluluwa.

Napag-alaman kasi sa imbestigasyon na nakipagkasundo si Vivian sa demonyo at dahil mukhang nabigo si Vivian ay kapalit noon ang kaluluwa niya.

"Do you have anything to say bago ka mamatay?" saad noong hari kaya naman napatingala sa kaniya si Vivian.

"Naalala mo noong araw na namatay ang mga magulang ni Freya?" panimula ni Vivian, wala pa rin emosyon sa mukha niya. "Ako ang nagpapatay sa kanila"

Napatayo si king Henrick sa kinauupuan niya at malalim ang paghinga na tinitigan si Vivian. "You... You ruined my life"

Tinitigan lang siya ni Vivian. "And also, hindi si Freya-" Naputol ang sinasabi ni Vivian nang biglang sumulpot sa harapan niya ang itim na usok bago ito unti-unting nagkorteng tao at doon ay biglang sumulpot ang isang babae na may puting buhok at damit, nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko nakita ang mukha niya pero sigurado akong isa siyang winter demon dahil sa mga demonyong lumilipad-lipad sa paligid niya.

Lumapit siya kay Vivian bago ito sinakal at itinayo mula sa pagkakaluhod. Unti-unting nawalan ng buhay ang mga mata ni Vivian at nangayayat ito hanggang sa buto't balat nalang ang natira at tuluyan siyang mawalan ng hininga.

Binitawan ng babaeng may puting-puti na mga buhok si Vivian kaya naman humandusay ito sa sahig.

"Fre-" hindi tinuloy nung hari yung sinasabi niya nang humarap sa amin yung babaeng may puting buhok pero laking gulat ko nang imbes na kay King henrick siya tumingin ay sa akin.

Ilang segundo rin niya siguro akong tinitigan bago siya biglang naglaho kasama ng mga itim na demonyong pumapalibot sa kaniya.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon