Chapter 67: For all the people we lost

1.3K 67 0
                                    

For all the people we lost
Unedited

Naramdaman kong mas lalo pang umagos ang mga luha ko nang makita ang unti unting pagpikit ng mga mata ni Lina. Bumagsak sa sahig ang kamay niya at doon lang ako nagising sa katotohanang wala na si Lina.

Napaluhod ako sa may tabi ni captain Jared na hindi na napigilang humikbi at yakapin ng mahigpit ang walang buhay na si Lina.

Marahan kong hinaplos ang buhok ni Lina habang paulit ulit kong pinupunasan ang mga luha kong ayaw tumigil sa pagpatak.

“She died… because of me…” Napakuyom ang mga kamao ko at mariin akong napakagat sa pangibaba kong labi.

Yes it’s my fault pero hindi ito ang oras para sisihin ko ang sarili ko.

Tumayo ako ng tuwid bago ibinalik ang tingin kay Psyche. Oras na para tapusin ang labanang ito, nang sa ganon, hindi masayang ang pagsasakripisyo ni Lina.

“Sa tingin niyo talaga gagana sa akin ang frozen heart skill? I thought you’re better than that Anna, I was once an ice user at alam ko ang tungkol sa spell na iyon. Hindi mo manlang naisip na gagawa ako ng paraan para hindi maapektohan ng spell na iyon?” Napunta ang atensyon naming lahat kay Psyche nang magsimula siyang magsalita.

Pinanliitan ko siya ng mga mata at ramdam na ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko lalo na nang makita ko ang mga ngiti sa labi niya na para bang wala lang sa kaniya ang lahat. Na para bang wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Lina.

“Woah, Don’t look at me like that. Hindi naman mamamatay yang kaibigan mo kung hindi siya umepal at hinarangan ka”

With that, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Fuck you”

Mabilis akong nagteleport papunta sa harapan niya at inipon ang kapangyarihan kong yelo sa kanang kamay ko bago ito iniunat sa direksyon niya.

Mula sa kamay ko ay lumabas ang nakakasilaw na puting liwanag at direkta itong tumama kay Psyche kaya naman tumalsik siya paatras at nakaladkad sa sahig.

Nagyelo ang sahig na kinatatayuan ko pero hindi ko iyon pinansin at magteteleport na sana papunta kay Psyche nang biglang may humawak sa braso ko. Napalingon ako at nagtama naman ang paningin namin ni mama.

“Together, let’s end this” sabi niya sa akin bago itinuon ang atensyon kay Psyche na dahan dahang bumabangon mula sa sahig.

“Yes… For Lina” dahan dahan ding naglakad si Captain Jared papalapit sa amin. Namumula parin ang mga mata niya pero bakas sa muka niya ang determinasyon na tapusin na ang gerang ito.

“Count me in…” napalingon ako sa pamilyar na boses at doon nakita ko si Trevas na naglalakad papalapit sa amin, nasa ibang anyo parin siya kaya malalim at nakakatakot ang boses niya. Mukang natalo na niya si Luke.

Tumango ako bago tumingin sa direksyon ni Psyche “Together. For Lina… and all the people we lost”

Pagkatapos noon ay naramdaman ko ang pagsanib sa akin ni mama. Naramdaman ko ang unti unting pag halo ng kapangyarihan niya sa kapangyarihan kong dumadaloy sa katawan ko at pakiramdam ko ay naguumapaw na ang kapangyarihan sa loob ko pero hindi ko doon itnuon ang atensyon ko.

Pinadaloy ko ang mahika ko papunta sa mga kamay ko bago ako mabilis na nagteleport sa nakatayo na na si Psyche at nakita ko namang ganon din ang ginawa nila Trevas at Captain Jared.

Agad kong iwinasiwas sa direksyon ni Psyche ang mga kamay kong nababalot ng mahika ng yelo pero nakaiwas siya at biglang naglaho sa harapan ko.

Sumulpot siya ilang hakbang mula sa akin bago siya nagpakawala ng mga itim na nilalang mula sa kinatatayuan niya.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon