Chapter 21: Firlame

2.4K 122 2
                                    

Firlame

Days passed pero hindi pa rin nasasagot ang mga tanong hindi lang ni Trevas kundi pati na rin sakin. Naging busy ang hari dahil yung pamilya ni Vivian na prinsesa pala sa isa pang kaharian na kaalyansa ng Beifang ay gumagawa ng gulo at maging ako ay naiinis na dahil halos araw-araw nalang ay may dumarating na halos 20 na mga tao mula sa kaharian ng Firlame na nanggugulo kapag hindi pinapapasok sa kaharian kaya walang ibang nagagawa ang hari kundi papasukin sila para walang mga inosenteng mamamayan ang madadamay.
 
Napabuntong-hininga ako habang tinatanaw yung sampung mga tauhan na pinadala na naman ng kaharian ng Firlame na naglalakad papasok ng palace hall para muling kausapin yung hari. Hindi na ako nagulat o nagtaka pa dahil halos araw-araw ay ganito ang nakikita ko at maging ako ay hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila sa loob.
 
Sinilip ko yung bintana sa may Palace hall para makita sila pero kahit anong gawin kong silip ay hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.
 
“Gusto nilang palayain ng hari si Vivian” halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko.
 
Tinignan ko ng masama si Luke bago ako humakbang palayo sa kaniya. Pwede nang maglibot-libot sa loob ng kaharian sila Luke at Alaric dahil bukod sa isinagawa na nila yung Infragilis Vow ay hindi naman sila gumawa ng gulo nitong mga nakaraang araw kaya pinahintulutan na sila ng hari na makalabas mula roon sa palace chamber.
 
“Diba gusto mong malaman kung anong pinag-uusapan nila?” tanong ni Luke.
 
“Pano mo nalaman?” binuka niya ang bibig niya para magsalita ulit pero inunahan ko na siya “Wag mo na sagutin, wala akong pakealam”
 
Naglakad ako papalayo at bumalik sa palace garden kung saan ko iniwan sila Lina, Trevas at Lieutenant Jared. Nakaupo sila sa itim na upuan na nakapalibot sa isa ring itim na lamesa kung saan nakahain ang mga pagkain at tsaa. Nasa labas kami ngayon kung saan tanaw na tanaw ang hardin, ang fountain at ang mga halaman.
 
“Ang tagal mo namang mag CR, siguro nakakita ka ng gwap-“ napatingin ako kay Lina nang bigla siyang tumigil sa pagsasalita at napatitig sa may likuran ko. Nakita kong nakatingin din si Trevas at tanging si Lieutenant Jared lang ang nanatiling nakatingin doon sa papel sa harapan niya na hindi ko alam kung anong nakasulat at kung bakit ganon nalang ang pagkaseryoso ng mukha niya habang binabasa.
 
Sinundan ko ang mga tingin nila at maging ako ay napatigil nang makita si Luke tatlong hakbang mula sa likod ko kaya kinailangan kong tumingala para makita siya ng maayos.
 
“What are you doing here?”
 
“Sabi ko na nakahanap ng gwapo kaya natagalan” bulong ni Lina pero rinig na rinig iyon ng lahat kaya tinignan ko siya ng masama. Nginitian niya lang ako bago inusog yung upuan niya palapit kay Lieutenant Jared.
 
Inirapan ko nalang siya bago umupo roon sa upuan sa tabi ni Trevas na siyang upuan ko rin kanina bago ako umalis para pumuntang cr.
 
Anim ang kabuuang bilang ng upuan na nakapalibot sa bilog na lamesa. Magkatabi sila Trevas at Lieutenant Jared dahil may pinag-uusapan sila tungkol doon sa pagpapahanap kay Alastor habang si Lina ay nasa kanan ni Lieutenant Jared at ako ay nasa kaliwa ni Trevas at kami ang nagchi-chikahan pero sabay-sabay kaming napatigil sa ginagawa namin nang umupo si Luke sa bakanteng upuan sa tabi ko.
 
“Bakit ka ba nandito?” tanong ko sa kaniya.
 
“I want to join your tea party”
 
“Tea party?” natatawang tanong ni Lina.
 
“This is not a tea party-“
 
“Alaric!” biglang naputol ang sinasabi ko nang tawagin ni Luke si Alaric na naglalakad sa 'di kalayuan. Napalingon-lingon siya at hinanap kung sino yung tumawag sa kaniya at nang makita niya kami ay      dali-dali siyang lumapit. ”Yes, General Luke?”
 
“Sit down, para may kakampi ako dito” sabi ni Luke bago nagsalin ng tsaa doon sa tasa sa lamesa na walang may-ari.
 
Umupo si Alaric sa tabi ni Lina at nakita kong mas lalo pang umusog si Lina papalapit kay Lieutenant Jared para lumayo kay Alaric at hindi ko naman siya masisisi. Nakasuot pa rin kasi si Alaric ng damit na gawa sa balat ng hayop at hindi pa rin niya inaahit ang mga makakapal niyang balahibo sa braso at dibdib na kitang-kita kaya mukha siyang dugyuting hindi naligo sa loob ng mahabang panahon pero halos masuka ako nang makita ko siyang tumingin kay Lina at kinindatan ito.
 
“What the f*ck?”
”What the f*ck?”

Sabay na sigaw ni Lina at Lieutenant Jared dahilan para masamid ako sa iniinom kong tsaa at mapaubo.
 
“What? Ina-admire ko lang naman ang kagandahan ni miss Lina” sabi ni Alaric bago nginitian si Lina.
 
Tumayo si Lina at nagambang sasapakin sa mukha si Alaric pero bigla siyang hinawakan ni Lieutenant Jared sa Braso at hinila siya papalayo kay Alaric bago pinagpalit ang puwesto nila kaya si Lieutenant Jared na ang nasa tabi ni Alaric.
 
“Sup bro, gusto mong i-admire rin kita?” tanong ni Alaric kay Lieutenant Jared dahilan para masamid na naman ako sa iniinom kong tsaa at paubo-ubong natatawa. Inabutan ako ni Trevas ng itim na panyo para punasan ang mukha at kamay ko.
 
“Thanks” sabi ko pero hindi ako inimik ni Trevas kaya napalingon ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya kay Luke na nakatingin din pabalik sa kaniya bago nagkibit-balikat at binaling ang tingin kay Alaric at nag-usap.
 
“As I was saying kanina bago tayo inistorbo ng mga ‘to” Panimula ni Lieutenant Jared. “Nagpadala na ng sulat ang mga tauhan ni Trevas na inutusan niyang hanapin si Alastor dahil hindi sinasabi nung isa diyan kung saan nila siya dinala” Napatingin si Lieutenant Jared kay Alaric na nagkibit-balikat lang bago nagsalita.
 
“You know what? Mas gusto kong hindi niyo na hanapin ang hambog na iyon. Ang tapang-tapang nung naglalaban kami pero duwag na duwag naman nung nahuli na namin siya” sabi ni Alaric bago sumandal sa kinauupuan niya.
 
Inilapag ni Lieutenant Jared yung papel na kanina niya pa tinitignan. “Sabi sa sulat, natagpuan nila si Alastor na nakabitin patiwarik sa liblib na bahagi ng gubat sa kanluran”
 
Narinig kong natawa si Alaric pero hindi na namin siya pinansin at tinuon lang ang atensyon kay Lieutenant Jared. “Sabi rin diyan na dahil ilang oras na nakalambitin si Alastor patiwarik, nawalan ito ng malay at hindi nila alam kung ano ang kalagayan niya dahil wala silang kasamang Alchemist”
 
“Sana matuluyan na” bulong ni Lina dahilan para mapalingon si Lieutenant Jared sa kaniya. "What?"
 
“Sana nga” seryosong sabi ni Lieutenant Jared dahilan para mapatawa hindi lang si Lina kundi pati ang lahat, maliban kay Luke na walang imik na nakatingin sa tasa niya.
 
“Kelan daw sila makakabalik dito sa palasyo?” tanong ni Trevas bago ipinatong ang siko sa lamesa.
 
“They said a day after i receive this message, so bukas” napatango si Trevas pero bago pa siya makapagsalita ay may dumating na isang lalaki na namukhaan kong isa sa mga tauhan ni Trevas na lagi niyang inuutusan. Hingal na hingal itong lumapit kay Trevas bago sumaludo.
 
“What is it?” kunot nuong tanong ni Trevas dahil sa malamang ay napansin niyang mukhang hindi magandang balita ang sasabihin ng tauhan niyang ito.
 
“Si Her Majesty Queen Vivian po sir, isasama ng mga taga kaharian ng Firlame pabalik sa kanila”
 
“What?” tanong ni Trevas bago tumayo at nagsimulang maglakad papunta roon sa palace hall kaya tumayo na rin kaming lahat para sundan siya maliban kila Luke at Alaric na nanatiling nakaupo dahil sa malamang ay hindi nila kilala kung sino si Vivian at wala silang pakialam kung sino man iyon.
 
Nang makarating kami sa Tapat ng Palace Hall ay sakto namang bumukas ang pinto nito at mula roon ay lumabas ang nasa sampung tauhang nagmula pa sa kaharian ng Firlame at sa gitna nila ay si Vivian na inaalalayang maglakad ng isang babae. Napakunot ang nuo ko nang makita ko ang hitsura ni Vivian. Nangayayat na siya at nakalubog na halos ang pisngi niya habang ang mga mata niya ay may makapal na eyebags na para bang hindi pa siya natutulog nitong mga nakaraang araw. Anong nangyari sa kanya?
 
Kung tama ang pagkakatanda ko, hindi naman naging ganito ang hitsura nila Luke at Alaric nang manatili sila sa palace chamber sa loob ng ilang araw.
 
“Where’s Alastor?” tanong ni Vivian sa malat na boses nang makita niya kami nila Trevas pero bago pa makapagsalita si Trevas ay inunahan na siya ng hari na kakalabas lang ng palace hall at sa likod niya ay may apat na royal guard na nasa 6-7 ang level.
 
“Kahit sabihin pa namin sayo kung nasaan si Alaric, wala ka nang karapatan sa kaniya” sabi nito dahilan para sabay-sabay kaming mapalingon sa kaniya maliban kay Vivian na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin kay Trevas at hinihintay ang sagot niya.
 
“Nahanap na siya ng mga tauhan ko. Makakabalik na sila bukas” sagot ni Trevas.
 
Napatango si Vivian bago lumingon sa hari na hanggang ngayon ay nasa may pinto pa rin ng palace hall. “Mag s-stay kami sa isang inn malapit dito sa palasyo sa loob ng ilang araw at babalik lang kami sa Firlame once na masigurado kong ligtas na si Alastor”
 
Hindi umimik ang hari kaya tinalikuran nalang siya ni Vivian bago nagsimulang maglakad papunta sa main gate ng palasyo kasama ang mga taga Firlame na sa malamang ay pinadala ng hari nila na ama ni Vivian dahil isa nga siyang prinsesa sa kahariang iyon.
 
Napabuntong-hininga si Trevas habang nakatingin sa papalayong bulto ni Vivian na hindi man lang lumingon o nagpaalam kahit sa huling pagkakataon. Napahawak ako sa kamay ni Trevas at nginitian siya nang lingunin niya ako at nginitian din naman niya ako pabalik.
 
“Trevas” sabay kaming napalingon sa hari.
 
“Let’s talk... I will tell you everything you have to know” sabi nito bago naglakad pabalik sa loob ng palace hall.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon