Chapter 71: Someday, somewhere

1.6K 79 0
                                    

Someday, somewhere
Unedited

​A.N: Sorry kung medyo malalim itong chapter na ito medyo may pinaghuhugutan hahaha.

***

“Alissa!”

Bigla akong napamulat nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Trevas nakahawak siya sa magkabilang pisngi ko at nagaalalang nakatingin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pag agos ng mga luha sa mga mata ko at nanglalabo ang paningin ko dahil dito.

“What’s wrong?” tanong ni Trevas nang makitang patuloy parin sa pag agos ang mga luha ko.

Napatitig lang ako sa kaniya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

“I… ” bulong ko pero gayunpaman, rinig na rinig ko ang panginginig ng boses ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Trevas nang unti unting pumasok sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Laramie.

Sinabi niya sa akin ang lahat tungkol sa pagkamatay ni Lina. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa mga sikreto ni Luke na matagal niya ding tinago.  Sinabi niya sa akin ang mga bagay na siyang lalo lang nagpabigat ng nararamdaman ko.

Napakapit ako sa may dibdib ko nang maramdamang parang tinutusok ito ng milyong milyong karayom sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko pero walang emosyon ang muka ko. Gulat na nakatingin sa kawalan habang dinadama ang matinding sakit na nararamdaman ko.

Nakaramdam ako ng pagkamuhi sa sarili ko dahil sa mga nalaman ko. Dalawang buhay ang nawala para sa akin. Dalawang tao ang nawalan ng kinabukasan dahil sa akin at wala manlang akong kaalam alam sa lahat ng sakripisyong ginawa nila. Ni hindi ko manlang sila napasalamatan o nakapag paalam manlang bago sila mawala sa mundong ito.

Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganitong sakit. kahit noong namatay sa harapan ko mismo si papa at inakala kong wala na din si mama at nawala sa akin ang lahat, hindi ako nakaramdam ng ganito katinding sakit.

“What is it? What happened?” tanong pa ulit ni Trevas nang makita ang itsura ko. Ibinangon niya ako mula sa pagkakahiga bago ako niyakap ng mahigpit, pilit akong pinapakalma.

Umiling iling ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang lahat. Ni hindi ko pa nga matanggap sa sarili ko ang lahat ng nalaman ko kaya sigurado akong hindi ko rin masasabi sa kaniya ng maayos.

Napabuntong hininga nalang si Trevas bago ipinatong sa ulo ko ang baba niya at hinayaan akong maglabas ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nasa ganong puwesto. Walang umimik sa aming dalawa at  namalayan ko nalang na nakatulog ulit ako sa mga braso niya.

Simula noong araw na iyon, walang oras na hindi ako nakaramdam ng guiilt. Hindi ako makakain at makatulog ng maayos dahil pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang lahat ng natatanggap ko dahil utang ko kila Lina at Luke ang buhay ko. Pakiramdam ko ay hindi ko deserve na sumaya sa tuwing naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Laramie.

Paulit ulit na nag e-echo sa utak ko ang mga salit ni Laramie at hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito matatagalan bago ako masiraan ng loob.

“Luke spend his whole life protecting you and the Knoxx family. Habang nandito ka sa Beifang, nilagay niya sa panganib ang buhay niya at nakipagalyansa kay Psyche para mas madali niyang masasabotahe ang mga plano niya-”

“Hindi ka na naman kumain?” nabalik sa kasalukuyan ang atensyon ko nang marinig ko ang boses ni Trevas na nakasandal sa may pintuan ng kwarto ko.

Nakasuot pa siya ng combat clothes niya at mukang kakagaling lang sa kampo. Hindi ko parin nasasabi sa kaniya ang tungkol sa katotohanan sa likod ng pagkamatay nila Lina at Luke at kung bakit ako nagkakaganito kaya walang araw na hindi ko nakita ang pag aalala sa mga mata niya habang pinapanood akong unti unting nababaliw.

“Wala akong gana” sagot ko habang pinapanood siyang maglakad papalapit sa may kama ko kung saan ako kasalukuyang nakaupo.

Tumabi siya sa akin at tinitigan ako. Agad naman akong umiwas ng tingin dahil alam kong hindi maayos ang itsura ko. Ilang araw narin akong hindi makatulog kaya alam kong nangingitim na ang ilalim ng mga mata ko at bakas na sa muka ko ang pagkapagod.

Inilingon ko ang muka ko sa kabilang direksyon para itago sa kaniya kung gaano na ako ka haggard pero hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinarap sa kaniya kaya naman wala akong nagawa habang pinagmamasdan niya ako ng maigi. Naka kunot ang nuo niya pero hindi ko mabasa sa muka niya kung ano ang nararamdaman niya.

“Why are you doing this to yourself?” halos pabulong niyang tanong pero rinig na rinig ko sa boses niya na siya mismo ang nasasaktan sa kalagayan ko.

Pilit kong inalis yung mga kamay niyang nakakapit sa magkabilang balikat ko pero mas hinigpitan niya lang ang kapit niya.

“Meron ba ‘kong ginawang mali?” napatingala ako sa kaniya dahil sa tanong niya at agad na umiling.

Napabuntong hininga siya bago nagsalita ulit. “then It’s about luke, isn’t it?”

This time, mas nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako agad nakapagsalita. Did he know?

“So si Luke nga ang dahilan?” natatawang saad niya nang makita ang ekspresyon ng muka ko bago dahan dahang binitawan yung mga balikat ko. “Sinabi sa akin ng mama mo ang tungkol doon sa ginawa ni Luke na pagbibigay ng buhay niya para sayo.”

Napatitig ako sa kaniya habang pinapakinggan siyang magsalita at doon ko na realize na ang alam lang ni Trevas ay ang ginawa ni Luke noong ini cast ko ang ‘the dark frozen light’ na spell para matalo si psyche pero hindi niya pa alam ang tungkol sa katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Lina at ang tungkol sa pagprotekta ni Luke sa akin buong buhay ko nang hindi ko manlang namamalayan.

“Are you regretting it now?”

“What do you mean?” tanong ko, hindi maintindihan kung ano ang tinutukoy niya.

“Are you regretting choosing me instead of Luke?”

“What? No” sagot ko agad pagkasabing pagkasabi niya noon. Hindi ko alam kung bakit iyon pumasok sa isipan ni Trevas basta ang sigurado ako ay hinding hindi ko pagsisisihan na siya ang pinili ko.

“Then why are you doing this?! Bakit parang hirap na hirap kang tanggapin ang pagkawala ni Luke? Bakit mo ginaganito ang sarili mo na para bang gusto mo nading sumunod sa kaniya sa kabilang buhay?” tanong ni Trevas, medyo napalakas ang boses niya at agad siyang napatigil nang marealize niya iyon.

Napabuntong hininga siya, pinapakalma ang sarili at pinipigilan na magtaas ulit ng boses. “I’m-”

“I love you” pagpuputol ko sa sinabi niya kaya bigla siyang napalingon sa akin. “I have always loved you at hindi iyon mababago ng pagkamatay ni Luke o ni Lina. It’s just that… I feel like I don’t deserve to love and to be love in this life”

Hindi umimik si Trevas at tinitigan lang ako, hinihintay ang susunod kong sasabihin kaya naman nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. Sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa mga sinabi sa akin ni Laramie. Noong una ay parang hindi ko kayang sabihin sa kaniya pero paunti unti, narealize ko na mas gumagaan ang pakiramdam ko dahil meron na akong makakahati sa pagdadala ng mabigat na bagaheng ito.

Pinakinggan lang ako ni Trevas buong oras ng pag k-kwento ko at namalayan ko nalang na basa na naman ang mga pisngi ko nang matapos na akong magkwento. “I don’t want to die. Maraming buhay ang nawala para sa akin at hinding hindi ko sasayangin ang lahat ng iyon. It’s just that… I don’t deserve to live”

“Then what about me?… Do I deserve to lose you too?”

Napakagat ako ng pangibabang labi ko dahil sa sinabi ni trevas pero lalo lang nagwala ang halo halong emosyon sa loob ko nang hawakan niya ako sa kanan kong kamay habang ang kabilang kamay niya ay nasa may pisngi ko at dahan dahan akong hinaharap sa kaniya.

“All of us deserve to live Alissa, while the dead deserve to be remember. At sigurado ako na hindi magugustuhan ni Lina, o ni Luke, na mabuhay kang nakukunsensya sa pagkamatay nila”

“T-then… what should I do?” nanginginig ang boses kong tanong.

“Live… You’ve been dying inside for too much that you already forgot you are still alive” panimula niya bago ako nilapit sa kaniya at hinalikan ako sa nuo. “Live… for Lina, Luke, me and everyone who is still living for you”

Isinandal ko ang ulo ko sa may dibdib niya at tumango tango.  Alam ko na matatagalan bago ko makalimutan ang lahat ng naranasan ko nitong nakalipas na mga buwan. Maraming nawala sa akin. Meron din namang mga dumating. Maraming luha ang iniluha ko nitong mga nakalipas na buwan na higit pa sa luhang inilabas ko sa loob ng halos dalawang dekada kong pamumuhay dito sa mundo.

Alam ko na hindi ako agad makaka hakbang pa-abante at makakapag simulang kalimutan ang nakalipas pero alam ko na hindi ako dapat mabuhay para sa mga taong lumipas na.

Walang magagawa ang pagluluksa para maibalik ang mga namatay. Hindi maibabalik ng pagpapahirap sa sarili ang mga ala alang hanggang ala ala nalang. Ang tanging magagawa ko nalang ay alalahanin ang lahat tungkol sa kanila at buhayin sila sa aking memorya kung saan habang buhay ko silang makakasama.

Kailangan ko nang gumising sa bangungot na ito at simulang muli ang istorya ko na iba na ang mga tauhan.

***

“Why are you here?” bungad na tanong sa akin ni Laramie nang bisitahin ko siya dito sa may bangin sa bundok ng Jeufeng.

Nababalot ng niyebe ang paligid at bagama’t hindi ako naapektohan ng lamig, kitang kita ko ang usok na nagmumula sa bibig ko sa tuwing bumubuga ako ng hangin.

“I want to talk to you” matiim kong sagot sa kaniya nang hindi iniiwas ang tingin sa puting puti niyang mga mata. Nakalutang siya sa may gitna ng lawa na puno ng mga luha at kung hindi ako nagkakamali, mukang mas dumami ito kumpara noong huli akong napunta dito.

“Wala tayong dapat pagusapan-”

“Yung kagustuhan na malaman ko ang totoo tungkol sa pagkamatay ni Lina at Luke… iyon ba talaga ang hiling ni Luke?” tanong ko kaya naman naningkit ang mga mata niya bago nagsimulang maglakad papalapit sa akin.

Pinagmasdan niyang maigi ang muka ko bago natawa pero hindi siya mukang natutuwa. “Mukang ang dali lang sayong tanggapin na namatay si Luke para sayo habang wala kang kaalam alam at kinamumuhian siya”

Agad akong yumuko at iniwas ang tingin. Si Laramie ang nanay ni Luke. Bagama’t hindi halata sa ugali ni Laramie, alam ko na may pakialam siya sa kaisa isa niyang anak kay Zeus.

“I’m sorry…”

“You are right” sabi ni Laramie kaya naman napataas ang tingin ko sa kaniya. “Hindi kahilingan ni Luke na malaman mo ang totoo”

Napatango ako. Hindi ko agad iyon naisip dahil masyado akong kinain ng konsensyang nararamdaman ko. Ayon sa pagkakakilala ko kay Luke, siya yung tipo na sasarilihin ang lahat ng problema para sa mga taong mahalaga sa kaniya tulad nalang ng ginawa niya para sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Laramie na hiniling ni Luke na malaman ko ang totoo.

“Hindi nagkaroon ng pagkakataon si Luke na gamitin ang hiling niya sa akin dahil isang dekada narin kaming hindi nagkikita” panimula ni Laramie bago naglakad lakad sa ibabaw noong lawa.

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit napakraming luha ang naiipon sa lawang ito kahit na iilang tao lang ang nakaka alam tungkol sa lugar na ito?” tanong pa ni Laramie kaya agad akong napaisip.

Nagtago si Laramie dito sa bundok ng Jeufeng para takasan si Psyche. Ilang dekada narin ang lumipas mula nang magsimulang magtago dito si Laramie. Mag-isa at malayo sa kaisa isa niyang anak na si Luke. Bigla akong napatigil na biglang pumasok sa isipan ko na maari kayang luha mismo ni Laramie ang bumubuo sa lawang kinatatayuan niya ngayon?

“You’re quite smart” kumento ni Laramie nang mapansin niyang narealize ko na ang sagot sa tanong niya. “Nitong nakalipas na dalawang dekada, plinano ko ang pagpapabagsak kay Psyche. Alam ko na hindi ko siya matatalo sa labanan dahil hindi para sa pakikipaglaban ang kapangyarihan ko kaya ginamit ko ang kakayahan kong makasilip sa mga mangyayari sa hinaharap

Sa loob ng dalawang dekada, hiniling ko na mawala na si Psyche para matapos na ang pagtatago ko at mabawi ko na si Luke mula sa royal family ng Bauxacel. Ako mismo ang nagplano ng lahat ng nangyari nitong mga nakalipas na buwan.

Noong gumuho ang pamilyang Knoxx at naakusahan si Alen Knoxx, alam ko na pupunta kayo ni Lina sa Beifang para doon manatili. Alam ko din na balang araw ay kakailanganin ni Trevas ang frozen chrysanthemum na matatagpuan lang dito sa bundok ng Jeufeng kaya plinano ko ang una niyong pagkikita sa gubat kung saan kayo unang nagkita.

Noong kinailanga ni trevas ang frozen chrysanthemum, pumunta kayong dalawa dito ni Lina tulad ng inaasahan ko. Nagpadala ako ng Chenoo sa kwebang pupuntahan niyo ni Lina kaya imbes na makuha niyo yung frozen chrysanthemum, nabasag iyon nang mahulog kayo dito sa bangin na kinaroronan ko. At doon nagsimula ang lahat. Nagsimula ang lahat nang ipinakita ko kay Lina ang hinaharap na ilang taon ko ring paulit ulit na napanaginipan pero agad na nabago ang nakatakdang mangyari nang nangealam si Lina sa nakatakdang mangyari”

Sandaling tumigil sa pagsasalita si Laramie para tignan ang reaksyon ko. Napakunot ang nuo niya nang makitang kalmado lang akong nakikinig sa kaniya kahit na kakasabi niya lang na plinano niya ang pagkamatay ni Lina.

Napabuntong hininga ako. “Alam ko na kahit hindi mo sabihin kay Lina ang hinaharap at makita niyang nasa panganib ang buhay ko, gagawin at gagawin niya ang ginawa niyang pagsasakripisyo ng buhay para sa akin”

At kung sakali mang magkapalit kami ng pusisyon ni Lina, gagawin ko din ang ginawa niya.

Napakuyom ang kamao ko, pilit na inuurong ang mga luha kong nagbabadyang pumatak. Ilang araw na ang lumilipas mula noong nagusap kami ni Trevas at magmula noon ay nagpasiya akong mabuhay para alalahanin at pahalagahan ang mga kabutihang ginawa ng mga nagsakripisyo ng buhay para sa katapusan ng paghahari ng kasamaan ni Psyche.

“Kung totoong plinano mo ang lahat para makalaya ka na at makasama mo na si Luke, then bakit hindi mo pinigilan si Luke na gamitin ang buhay niya para sa pagtapos kay Psyche?”

Napatawa si Laramie pero hindi tulad kanina, may bakas ng lungkot sa boses niya.

“It was supposed to be you. Ikaw ang mamamatay sa oras na iyon base sa nakita ko gamit ang kapangyarihan ko kaya hindi ko inakala na gagawin ni Luke ang bagay na iyon. Ngayon, wala na si Psyche pero nawala na din sa akin ang lahat”

Napatitig ako kay Laramie na nakatitig sa lawa sa paanan niya, hindi ko alam kung anong iniisip niya.

“I’m sorry…” sabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya para pagaanin ang loob.

“Don’t be” sagot ni Laramie bago ibinaling ang tingin sa akin. “Do you believe in the afterlife?”

Napakunot ang nuo ko dahil sa tanong niya pero bago pa ako makapagsalita ay nagpatuloy na siya.

“Zeus, Alen, Hermes, Lina, Luke at ang lahat ng namatay sa mundong ito. Someday, somewhere, in another world… they will live as a different person”

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon