Chapter 32: Chaos in the Palace

1.7K 100 1
                                    

Chaos in the Palace

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling nakaupo roon sa gitna ng daan basta alam ko lang ay humagulgol ako ng humagulgol hanggang sa mamanhid na ang mukha ko. Umuulan pa rin nang matapos ako sa pag-iyak at nangungulubot na ang kamay ko kaya naman tumayo na ako at nanginginig ang mga tuhod na naglakad pabalik sa palace hall.

Alam kong basang-basa na ako at magmumukha na akong tanga kung babalik pa ako sa grand ball pero ayoko namang bigla nalang akong umalis nang hindi nagsasabi kay Trevas.

Bigla akong napatigil sa paglakad nang maalala ko ang pag-uusap namin kanina at ang bigla kong pag walk-out. Bigla tuloy akong nagdalawang isip kung dapat pa ba akong bumalik sa palace hall. Hindi ko alam kung makakaya kong harapin si Trevas.

Nanghihina pa ang tuhod ko at pagod ako mentally at emotionally dahil sa pag-uusap namin kanina ni Luke kaya hindi ko alam kung magandang ideya kung haharapin ko na si Trevas ngayon.

"Alissa... I like you so damn much"

Napakuyom ang kamao ko nang maalala ko ang sinabi niya. I do like him too... But I'm too tired...

Napabuntong-hininga ako bago nagpasyang magpatuyo muna. Kinontrol ko yung tubig na hinigop na ng damit ko at pinaagos ito papunta sa kamay ko kaya naman unti-unti itong natuyo.

Nang maayos ko na ulit ang sarili ko at makasigurong hindi na ako mukhang basang sisiw ay tyaka lang ako nagsimulang maglakad pabalik sa palace hall pero bigla akong napatigil nang makarinig ako ng mga sigawan.

Napakunot ang nuo ko habang nakatanaw sa malaking double door ng palace hall pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumukas yung pinto at mula roon ay nagtakbuhan palabas ang mga tao na ang iba ay nadadapa pa dahil sa suot nilang mahahabang gown.

Nagmadali akong tumakbo papasok ng palace hall at medyo nahirapan pa ako dahil sa dami ng lumalabas na nagpapanic na mga tao pero mabuti nalang ay kaya kong makapag-teleport kaya nakapasok din ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay parang gusto ko nang lumabas dahil sa makapanglambot-tuhod na eksena sa harapan ko.

May mga nasa isang daan na mga nakapulang lalaki ang umaatake sa lahat ng bisita at sinisira ang lahat ng gamit na madaanan kaya nakakalat na kung saan-saan ang mga sira-sirang lamesa.

Pinunit ko ang mahabang laylayan ng dress na suot-suot ko kahit na labag sa loob ko ang sirain ang napakagandang damit na ito bago ko hinubad ang scarf na nasa may leeg ko at naghanda sa pag-atake.

Nakita ko sila Lina, lieutenant Jared at ang iba pang mga royal guards na pilit na pinapatay o kaya ay hinuhuli ang mga nakapulang mga lalaki pero bigla akong kinabahan nang hindi ko makita si Trevas.

Nilabas ko ang pakpak sa may likuran ko at mabilis na lumipad papunta sa isang nakapulang lalaki na kasalukuyang inaatake ang isang babae gamit ang kapangyarihan niyang apoy. Sinipa ko sa mukha yung lalaking iyon dahilan para tumalsik siya at tumama sa pader.

Dali-daling tumayo yung babaeng aatakihin niya sana bago nagmamadaling tumakbo palabas pero hindi ko na siya pinansin nang may bolang apoy ang biglang lumipad sa direksyon ko at mabuti nalang ay naka teleport ako bago pa dumampi sa balat ko ang apoy na iyon.

Nilingon ko yung nagbato nung fire ball at bago pa siya makapag react ay bigla akong nagteleport sa likuran niya at ginilitan siya sa leeg gamit ang ice spear na ini-cast ko sa kamay ko.

"Alissa!" Napalingon ako sa direksyon ng tumawag sa akin at nakita si Lina na may kinakalaban na dalawang lalaki. Pinalutang niya yung lamesa sa may tabi niya gamit yung air element niya at inihagis ito sa direksyon nung isa bago mabilis na umikot at sinapak sa mukha yung isa pang lalaki. Pagkatapos no'n ay humarap siya ulit sa akin.

"Puntahan mo si Trevas, wala siyang kasama habang pinoprotektahan yung hari!" Sigaw ni Lina bago may sinipa na isang lalaki na nagbabalak na batuhin siya ng bola ng tubig.

"Where is he?" Tanong ko bago naghagis ng matutulis na yelo sa tatlong kalaban di kalayuan at agad naman silang natumba pero bago ko pa marinig ng sagot no Lina ay bigla akong napalingon sa may pinto papunta sa may garden nang makarinig ako ng mga sigaw.

Dali-dali akong tumakbo papunta doon at sinipa ang pinto pero halos bumigay ang mga tuhod ko nang makita ko kung gaano karaming dugo sa paligid. Kung sa loob ng palace hall ay nasa isang daan halos ang kalaban, dito sa may garden ay halos doble ang bilang. May mga bangkay ng mga nakapulang mga kaaway sa sahig at meron din namang mga royal guards na sa malamang ay binuwis ang buhay para protektahan ang hari at si Trevas na crown prince.

Tatakbo na sana ako papunta doon sa kumpulan ng mga nakapulang kalaban nang biglang yumanig ang lupa at kasabay noon ay ang paglamon ng itim na mahika sa mga natitirang kalaban. Lahat ng natamaan ng itim na mahikang iyon ay naglupasay sa sahig habang unti unting nangangayayat na para bang hinihigop ang kaluluwa hanggang sa mawalan na ang mga ito ng hininga.

Tuluyan nang naubos yung mga kalaban at ang natitirang nakatayo nalang sa gitna ng madugong eksena ay si Trevas na nasa ibang anyo at sa likod niya ay ang hari at apat na royal guards.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang mapaluhod si Trevas bago unti-unting bumalik sa dati niyang anyo pero mas lalo akong nakaramdam ng takot nang makita ang kalagayan ni Trevas. Puro lapnos ang balat niya at sa may tagiliran niya ay may umaagos na dugo na sa malamang ay dahil sa tama ng isang matulis na bagay.

Dali-dali akong nagteleport papunta sa tabi ni Trevas at agad siyang sinalo bago pa siya bumagsak sa sahig. Napatingin ako sa mukha niya at nakitang wala na siyang malay habang sobrang putla naman ng labi niya na para bang wala na siyang dugo.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon