Chapter 62: Representative from Firlame

1.2K 66 0
                                    

Representative from Firlame
UNEDITED

Palubog na ang araw nang magising ako at pagkamulat na pagkamulat ko palang ay ramdam na ramdam ko na ang pagbabago sa katawan ko.

Parang mas luminaw ang mga paningin ko at mas tumalas ang pandinig ko at rinig na rinig ko ang malalim na paghinga ng hindi pamilyar na lalaking nakahiga sa kabilang kama sa tabi ng kamang kinahihigaan ko.

Napakunot ang nuo ko bago napalingon lingon sa paligid at doon ko lang napagtanto na nasa clinic sa kampo pala ako.

‘What happened?’

Wala masyadong pasyente dito sa loob ng clinic kaya maraming bakanteng kama at kita ko sa kabilang gilid ang mga alchemist na pachill-chill lang at naguusap tungkol sa kung anong bagay.

Bumangon ako bago umusog sa dulo ng kama at inilapat sa sahig ang mga paa ko pero bago pa ako makatayo ay napatigil ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

“Ok kana?” Tanong ni mama na naglalakad papalapit sa akin.

“Anong nangyari?” Tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya bago nagsabi: “Hindi ko din alam”

“huh?”

“Hindi ito yung unang beses na nagtanggal ako ng isang magic seal sa isang magic user pero ito ang unang beses na nawalan ng malay ang ginawan ko nun” sabi niya na siyang ikinapagtaka ko.

Inalala ko kung ano ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Nakaramdam ako ng kakaibang mahika na dumadaloy sa katawan ko bago biglang kumirot ang kalamnan at mga buto ko na para bang unti unti itong tinatanggal bago papalitan ng bago. Sinabi ko kay mama ang tungkol doon at dinetalye sa kaniya ang bawat sensasyong naramdaman ko pero ang sinabi niya lang ay: “Weird, you’re not supposed to feel any pain”

Napatingin ako sa kamay ko at napatitig dito. What’s wrong with me?

“Maybe I am too weak?” nag aalangang tanong ko pero biglang sumama ang tingin sa akin ni mama.

“Stop pulling yourself down, mahina ka kapag iniisip mong mahina ka at hindi mo matatalo si Psyche kung ganyan ang mindset mo”

Napatahimik ako sa sinabi ni mama pero agad din akong tumutol nang mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya. “Wait- bakit ako ang tatalo kay Psyche diba dapat ikaw?”

Napabuntong hininga si mama. “I’m not confident na kaya kong matalo si Psyche dahil kalahati nalang ng kapangyarihan ko ang meron ako at tulad ng nakita mong paglalaban namin ni Psyche sa Plaza De Rinos, I stand no chance of winning.”

“So you want me to fight her?” nagaalangan kong tanong. Kakatuklas ko lang na isa din akong ice user at kaka bukas lang ng magic seal na inilagay niya sa akin noon kaya hindi ko pa alam kung paano ito kontrolin.

“No” sabi ni mama kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya. “I want you to fight her with me.”

Nginitian niya ako bago ako hinawakan sa may buhok at hinaplos haplos ito. “Even if you can’t see me nor can you hear me, I will always look out for you”

Nginitian ko siya pabalik pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. “Now, ipakita mo sakin kung ano nang kaya mong gawin”

Hinawakan niya ako sa pulsuhan ko bago ako hinila palabas ng clinic tent na para bang mas excited pa siyang malaman ang kapangyarihan ko kesa sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi hayaan siyang hilahin ako at mapailing iling nalang.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng clinic tent ay napansin ko agad na halos walang katao tao bukod sa pangilan ngilan na naglalakad papunta sa kung saan.

Napakunot ang nuo ko dahil doon. Hindi pa naman ganon ka gabi at palubog palang ang araw pero bakit parang ang konti lang ng mga nakikita kong mga tauhan ni Trevas?

“Nasaan yung iba? Bakit parang ang tahimik?” tanong ko kay mama na hinihila parin ako kung saan.

Napatigil siya sa paglalakad dahil sa tanong ko at doon lang niya ata napansin ang kakaibang sitwasyon ng kampo dahil madalas na maingay ang mga tauhan ni Trevas sa tuwing ganitong oras.

Bago pa makasagot si mama sa tanong ko ay naaninag ko sa malayo si Trevas na anglalakad papunta sa direksyon namin kaya naglakad din kami papalapit sa kaniya para tanungin kung ano ang nangyayari.

“Hindi ko alam kung bakit pero pinag utos daw ni Captain Jared sa lahat na pumwesto para maghanda sa pag atake”

“Pag atake?” tanong ko, hindi sigurado kung tama ba ang narinig ko. “Diba sa susunod na araw pa ang pag atake natin?”

“Iyon din ang alam kong napagkasunduan natin sa meeting kaninang umaga kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinagutos iyon ni Captain Jared” Sagot ni Trevas, bakas sa muka niya ang inis sa mga nangyayari.

“First, kausapin muna natin si Captain Jared kung anong ginagawa niya para malaman natin kung anong nangyayari” Suggest ni mama at agad naman akong sumang ayon pero bago pa kami makapagsimulang maglakad papunta sa tent na tinutuluyan ni Captain Jared ay naagaw ang atensyon namin nang makita namin ang isa sa mga tauhan ni Trevas na tumatakbo papunta sa direksyon namin.

Isa itong lalaki na mas maliit ng ilang dangkal kumpara sa akin. Mabilis itong tumakbo sa kabila ng mabigat na combat clothes na suot suot niya at at hingal na hingal na siya nang marating niya kami.

Nakahawak siya sa tuhod niya at habol ang hininga na tumayo ng tuwid bago sumaludo kay Trevas bilang paggalang.

“General, May karwahe pong tumigil sa harapan ng kampo at hindi daw po sila aalis hangga’t hindi kayo nakakausap”

“What? Who is it?”

Umiling yung lalaki bago nagsalita. “Representative daw po sila galing Firlame para sana sa threekingdom alliance pero hindi po lumabas ng karwahe yung pinaka pinuno nila kaya hindi namin alam kung sino talaga sila”

Napatango si Trevas bago sinenyasan yung lalaki na umalis na at agad naman siya nitong sinunod.

“Let’s talk to Captain Jared later, siguraduhin muna natin na hindi kalaban itong representative mula sa Frilame” Sabi ni Trevas bago ako hinawakan sa pulsuhan at nagteleport papunta sa pinaka entrance ng kampo na napapaligiran ng bakod na gawa sa isang mahikang hindi ako pamilyar.

Sa tabi namin ay bigla ding nagliwanag at kasabay noon ay ang biglang pagsulpot ni mama at ang pagsulpot ng mga paro paro sa paligid niya na nagpalipad lipad bago naglaho.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa paligid at doon nakita ko na nakahilera na ang mga tauhan ni Trevas para sa pagsugod pero bakas sa muka nila ang pagtataka kung bakit gabi ang naisipan ng mga pinuno nila na oras ng pagsugod. Hindi nila alam na maging kami ni Trevas ay nagtataka din kung bakit pinahanda ni Captain Jared ang lahat para sa pagsugod na dapat ay isasagawa dalawang araw mula ngayon.

Nabalik ang tingin ko kay Trevas nang humakbang siya paabante at doon ko lang napansin ang isang mamahaling karwahe na naka tigil ilang metro ang layo mula sa amin.

Kulay puti ang karwahe at na-adornahan ito ng mga ginto at napapaligiran ito ng mga guwardiyang nakasakay sa mahahaling mga kabayo. Unang tingin mo palang ay alam mo na na mahalagang persona ang kung sino man ang nasa loob ng karwahe at hindi na ako magtataka kung miyembro ito ng royal family ng Firlame.

“I heard your master want to talk to me?” tanong ni Trevas sa isa sa mga guwardiyang nakapalibot sa puting karwahe.

Sabay sabay na yumumko yung mga guwardiyang iyon pero hindi sila nagsalita. Meron lang lumapit sa may pinto ng karwahe at binuksan iyon.

Mula doon sa pinto ng karwahe ay dahan dahang bumaba ang isang pamilyar na lalaki at hindi ko mapigilan na manlaki ang mga mata ko nang makita kung sino yung lalaking iyon.

“It’s been a while, brother” Bati ni Alastor kay Trevas na gulat ding nakatingin sa kaniya.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon