Chapter 35: Frozen Chrysanthemum

1.6K 80 1
                                    

Frozen Chrysanthemum

Dali-dali kong pinitas yung frozen chrysanthemum bago tumayo at hinila si Lina palabas ng kuweba na hanggang ngayon ay nanginginig habang tulala doon sa chenoo. Sabay kaming tumakbo para takasan ang halimaw.

Sinubukan kong magteleport para mabilis naming matakasan yung chenoo pero for some reason ay hindi ito gumagana na para bang may pumipigil sa akin na gumamit ng mahika. Napalingon ako roon sa chenoo habang tumatakbo at nakita ko siyang hinahabol kami sa hindi makataong bilis kaya naman bigla akong nataranta at mas binilisan pa ang pagtakbo.

Sinubukan kong ilabas ang pakpak sa likuran ko para makalipad pero hindi rin ito gumana.

'Bakit hindi ako makagamit ng kapangyarihan?' tanong ko kay Anna habang hingal na hingal na tumatakbo.

'Isa sa mga kapangyarihan ng Chenoo ang i-silence ang mga user sa paligid niya kaya hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo hangga't malapit siya sa inyo'

"F*ck!" Sigaw ko nang biglang akong matalisod at matumba sa sahig pero buti nalang ay hindi nabasag yung frozen chrysanthemum na siyang mas mahalaga pa ata sa buhay ko.

Tumigil sa pagtakbo si Lina at bumalik para tulungan akong tumayo.

"Quick!" Sigaw niya bago natatarantang napatingin sa may likuran ko.

Pinulot ko yung frozen chrysanthemum bago muling bumangon at nagpatuloy sa pagtakbo.

Umaalog ang lupa dahil sa yabag ng malalaking paa ng chenoo na patuloy pa rin sa paghabol sa amin at hindi ko alam kung gaano katagal na kaming tumatakbo, basta napatigil nalang kami ni Lina nang mapunta kami sa may isang bangin.

Matarik ang bangin at natatakpan ng ulap yung pinakaibaba niya kaya hindi namin alam kung gaano ba ito kalalim.

Sabay kaming napalingon ni Lina nang marinig namin ang sigaw nung Chenoo na kanina pa kami hinahabol.

"We have to jump" sabi ni Lina.

"Are you crazy?!" Sigaw ko sa kaniya bago sinilip yung mataas na bangin.

"May maganda kang ideya?!" Natataranta niyang sigaw niya sa akin pabalik dahil palapit na nang palapit yung chenoo sa amin.

"We're going to die if we jump!"

"Then gamitin mo ang pakpak mo bago tayo mag land!" Sigaw ni Lina at dahil sobrang lapit na ng Chenoo sa amin ay wala na akong nagawa kundi hawakan si Lina sa braso at tumalon sa malalim na bangin.

Parang nililipad ang kaluluwa ko sa sobrang bilis ng pagbagsak namin pero hindi ko iyon pinansin at pilit na pinagana yung pakpak ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagana.

Ayon kay Anna, gagana na yung powers ko once na nakalayo kami sa Chenoo pero nakikita ko na ang ilalim ng bangin na nababalot ng niyebe ay hindi ko pa rin mapagana ang pakpak ko.

"THIS IS A BAD IDEA!!!" Sigaw ni Lina habang palapit kami nang papalapit sa kamatayan.

200 meters....

170 meters...

150 meters nalang ang pagitan namin ng sahig at nagpapanik na ako dahil hindi pa rin gumagana ang pakpak ko.

100 meters, sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko then finally...

70 meters noong gumana na ang pakpak ko pero dahil sobrang bilis ng pagbagsak namin ay hindi agad ako nakalipad kaya naman napabagal ko lang yung pagbagsak namin kaya ramdam na ramdam ko ang sakit nang bumagsak ako sa makapal na niyebe.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon