Chapter 18: LiRed

2.7K 135 1
                                    

LiRed

​“Lina!” tawag ko kay Lina nang makita ko siyang lumabas sa isang malaking tent kung saan namin dinadala ang mga sugatan para magamot. Napalingon siya sa akin at nginitian ako. Maglalakad na sana siya papalapit sa akin pero bigla siyang napatigil nang makita niya si Luke na nakasunod kay Sergeant Min habang nakaposas ang mga kamay.
 
Dali dali niyang sinugod si Luke bago ito sinapak sa muka. Napalingon si Luke sa kanan dahil doon bago siya napalingon kay Lina.
 
“Woah, what a woman” sipol nung leader ng mga barbarians na nakaposas din katabi ni Luke.
 
“Sino ka ulet?” kunot nuong tanong ni Lina sa kaniya na para bang pilit niyang inaalala kung saan niya nakita ang lalaking ito.
 
“Alaric, the chief and king of the virgoths barbarians” sabi nung Alaric bago iniunat yung kamay kay Lina pero tinitigan lang siya ni Lina kaya binawi din niya ang kamay niya bago napakamot sa batok. “Nice to meet you too”
 
“What’s going on here?” tanong ni Trevas nang makalapit na kami sa kanilang tatlo.
 
Tinuro ni Luke si Lina. “Sinuntok niya ‘ko bi—“
 
Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Luke nang bigla siyang hawakan ni Lina sa kuwelyo bago pinaglapit ang mga muka nila. “Kung pwede lang pinatay na kita. Malakas talaga ang kutob kong ikaw at ang tatay mo ang may kagagawan kung bakit naulila si Alissa—"
 
“It’s true” sabi ko dahilan para sabay na mapatingin sa akin si Luke at Lina.
 
“Ang alin?” tanong ni Lina.
 
“Totoo ang mga hinala natin Lina. Inamin ni Luke na siya at ang ama niya mismo ang nagplano sa pag f-frame up kay papa at pagpapapatay sa buong pamilyang Knoxx” Napalingon ako kay Luke at napaiwas naman siya ng tingin.
 
Binaling ni Lina yung tingin niya kay Luke. “I knew it”
 
Naglakad ulit si Lina papalapit kay Luke at nagambang sasapakin ulit ito pero bigla siyang hinarangan ni Sergeant Min at inilayo mula kay Luke.
 
“What are you doing?” inis na tanong ni Lina kay Sergeant Min habang nagpupumiglas sa kapit nito sa kaniya.
 
“Maging ako kanina ko pa gustong balatan ng buhay yan pero hindi pwede” sabi ni Sergeant Min dahilan para mapakunot ang nuo ni Lina.
 
“At baket?”
 
“You guys need me” sabi ni Luke bago pa makapagsalita si Sergeant Min. “Para mabuo ang alliance sa pagitan ng Bauxacel at Beifang, kailangan niyo ako”
 
“Alliance?” tanong ni Lina na para bang walang ka-alam alam sa mga pangyayari kanina sa laban.
 
“Nasan kaba nuong mga oras na naglalaban sila ni Trevas?” tanong ko.
 
“Naglaban sila Luke at Trevas?” tanong ni Lina dahilan para mapahawak ako sa nuo. “Dinala ko sa clinic si Jared dahil tinamaan siya ng kidlat ng lintik na yan” tinuro ni Lina si Luke.
 
“Ano na ang kalagayan niya?” tanong ni Trevas pero bago pa makapagsalita si Lina ay biglang sumulpot si Colonel Jay mula doon sa tent na pinanggalingan din ni Lina kanina.
 
“He’s awake” sabi ni Colonel Jay bago sumaludo kay Trevas at tumango naman sa direksyon ko.
 
Hindi na nag abala si Lina na magsalita pa at dire-diretsong naglakad pabalik doon sa malaking tent.
 
“Paki bantayang maiigi ‘yang dalawang ‘yan” sabi ni Trevas kay Sergeant Min. Ang tinutukoy niyang dapat bantayan ay sina Luke at Alaric na hanggang ngayon ay nakaposas pa din. Tumango si Sergeant Min bago sumaludo at dinala sila Luke kung saan at kami naman ni Trevas at Colonel Jay ay nagsimulang maglakad papunta din doon sa tent para malaman ang kalagayan ni Lieutenant Jared.
 
Wala naman talaga akong pake sa kalagayan niya kahit mamatay pa siya pero tutal wala naman akong ibang pupuntahan, sasama nalang ako sa kanila.
 
Malaki ang loob ng tent. Kumpara sa itsura ng tent sa labas ay 10 times na mas malaki ang loob nito at sigurado akong dahil iyon sa isang mahika dahil napaka imposible na magkasya ang lahat ng nandito sa loob sa isang maliit na tent. May halos nasa 50 na single bed ang makikita mo sa loob ng tent at bawat kama ay may kurtina sa pagitan. Naka higa sa kama ang mga kritikal ang kundisyon habang ang mga nasa upuan naman ay ang mga simpleng lapnos o sugat lang ang natamo.
 
Nasa sampu siguro ang bilang ng mga alchemist na nadito na siyang naggagamot sa mga pasyente at nasa lima naman ang alchemist na nasa isang sulok ng tent at naghahalo halo ng mga kung ano anong kulay ng likido at mga kakaibang halaman na sa tingin ko ay gamot sa kung ano anong sugat at sakit.
 
Nakasunod lang kami ni Trevas kay Colonel Jay dahil siya ang nakakaalam kung nasaan si Lieutenant Jared pero habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mamangha habang pinapanood yung panggagamot nung mga alchemist.
 
Karamihan sa mga alchemist ay mga water user at alam ko kung bakit. Tulad ko, noong hindi ko pa nakukuha ang kapangyarihan ni Anna ay lagi din akong minamaliit dahil kinikilala ang water element na pinaka mahina sa lahat ng elemento kaya mas pinipili ng karamihan sa mga water user na maging Alchemist kung saan hindi nila kailangang makipag laban.
 
Napalingon ako sa isang pasyente nang mapahiyaw siya sa sakit dahil binuhusan ng isang Alchemist yung sugat niya gamit ang isang kulay asul na likido pero kasabay nuon ay ang unti-unting pagsara nung malaking sugat niya sa braso at ni maliit na peklat ay walang naiwan doon.
 
Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din sa paglalakad si Colonel Jay na nasa harapan namin ni Trevas. Nilingon ko si Trevas at nagkibit balikat siya na para bang sinasabi na hindi niya din alam kung bakit sila tumigil sa paglalakad.
 
Nilingon ko si Colonel Jay at nakitang tulala ito habang nakatingin sa isa sa mga hospital bed at maging ako ay napatulala din nang makita ko si Lina na nakayakap kay Lieutenant Jared na kasalukuyang nakaupo sa gilid nung kama. Biglang nanlaki ang mga mata ni Lieutenant Jared nang mapansin niya kami at lalong nagsalubong ang dati na niyang salubong na kilay bago niya kinalabit si Lina.
 
“Let’s stay like this” narinig kong sabi ni Lina bago mas hinigpitan yung kapit kay Lieutenant Jared. Hindi niya pa kami napapansin dahil nakatalikod siya sa direksyon namin.
 
“Lina” tawag ni Lieutenant Jared sa kaniya sa malalim niyang boses.
 
“Yes baby?” natatawang sagot ni Lina dahilan para lalong magsalubong ang mga kilay ni Lieutenant Jared at pilit siyang tinulak palayo pero alam ko na hinihinaan lang niya ang tulak niya kay Lina dahil bukod sa mas malaki at mas malakas ang pangangatawan niya kumpara kay Lina ay level 7 air user si Jared habang si Lina ay nasa level 4 palang kaya kayang-kaya niyang alisin ng pwersahan si Lina palayo sa kaniya pero kahit na ganon ay hindi niya ginawa.
 
“Bakit ba?” humiwalay si Lina sa kaniya nang pilit parin niya itong itulak palayo. Sinundan ni Lina kung saan siya nakatingin kaya naman nagtama ang mga paningin namin pero hindi tulad ni Jared na napaiwas ng tingin ay taas nuo pa niya kaming hinarap. “Anong ginagawa niyo dito?”
 
“Mukang hindi ata maganda ang timing natin” sabi ni Colonel Jay na siyang ikinatawa ni Trevas pero ako lang ata ang hindi natutuwa sa nakita ko.
 
“Hindi ko alam na ang baba na pala ng taste mo Lina” sabi ko habang pinanliliitan ng mga mata si Lieutenant Jared na masama ding nakatingin sa akin pabalik.
 
“Wow, sino kaya sa ‘ting dalawa yung may gusto dati kay Luke?”
 
“What did you said?” hindi ko napansing napalakas ang boses ko kaya pinagtinginan kami nung ibang mga pasyente at Alchemist na malapit lang sa amin.
 
“Oh my bad, Hindi lang pala dati. Hanggang ngayon pala” sabi ni Lina dahilan para maubos ang pasensya ko sa kaniya pero bago ko pa masugod si Lina ay biglang iniunat ni Lietenant Jared yung kamay niya sa direksyon ko at mula sa kamay niya ay dumaloy ang malakas na hangin dahilan para mapaatras ako.
 
Nakita kong napangisi si Lina bago dumila at inasar asar pa ako.
 
“Enough” suway ni Trevas dahilan para mapatigil kami ni Lina sa pagbabangayan at walang nakaka-alam kung bakit biglang naging seryoso ang boses ni Trevas gayung kanina ay tumatawa pa siya. “Mag ready na kayo, babalik na tayo sa palasyo bukas na bukas”
 
Tumalikod si Trevas at maglalakad na sana palayo pero bigla siyang tumigil bago humarap sa direksyon ni Jared.
 
“And Jared, Boto ako sa inyo” Sabi nito bago nagpatuloy sa paglalakad palabas ng tent.
 
Biglang lumawak ang ngiti ni Lina bago umupo sa tabi ni Lieutenant Jared na ngayon ko lang napansin na may lapnos ang kaliwang kamay na sa malalamang ay dahil sa kidlat ni Luke.
 
“See? Kahit yung general at boss mong si Trevas payag na sa ‘tin ikaw nalang ang hindi” pabulong na sabi ni Lina pero rinig na rinig ko iyon.
 
“Hindi parin ako payag sa inyo” sabi ko.
 
“Wag ka ngang magulo, porket hindi ka lang ginusto ni Luke ganyan kana”
 
“Pwede tumahimik ka na? Huwag mong idamay si Luke dito.” inis kong sabi sa kaniya.
 
“Alright, I’m sorry” sabi ni Lina nang marealize niyang hindi biro ang mga bagay bagay na may kinalaman kay Luke.
 
Napabuntong hininga ako bago napatingin sa kanilang dalawa ni Lieutenant Jared. Maging ako, inaamin ko na bagay nga silang dalawa. Magkaibang magkaiba ang ugali nilang dalawa pero somehow nakikita ko na magkakasundo sila na para bang binubuo nila ang pagkukulang ng isa’t isa.
 
“Just... Don’t get hurt” Sabi ko kay Lina dahil ayaw ko siyang matulad sa ‘kin.
 
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Lina at lumabas na ako ng tent. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya napagdesisyonan ko nalang na bumalik sa tent namin ni Lina para maghanda sa pagbabalik namin sa Beifang bukas. Pero alam ko sa loob loob ko na hindi lang gamit ang dapat kong ihanda para sa pagbabalik namin kundi ang sarili ko dahil walang nakaka-alam sa kung anong puwedeng mangyari ngayong si Trevas na panigurado ang hihirangin na tagapagmana ng trono.
 
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ministers at generals kapag nalaman nila na ang kinikilala nilang ‘demonyong’ prinsipe at hindi ‘daw’ tunay na anak ng hari ang magiging susunod nilang pinuno at idagdag mo pa ang dimonyitang nanay ni Trevas na panigurado ay galit na galit kapag nalaman niyang natalo ang paborito niyang anak na si Alastor.
 
Bigla akong napatigil sa paglalakad nang maalala ko bigla si Alastor. Buhay pa kaya yun?
 
****
 
Sa gitna ng gubat, sa sanga ng isang malaking puno ay may nakabitin patiwarik na lalaki at papikit pikit na siya at namumula na ang muka dahil ilang oras na siyang nakalambitin sa puno.
 
“Hindi pa ba bumabalik sila Chief Alaric?” tanong ng isang lalaking barbaro sa kasama niya pa na kasama niya sa pagbabantay sa nakalambitin na si Alastor.
 
“Ewan ko, wala pang nagpapadala ng signal” napalingon yung isang lalaki kay Alastor bago napa iling iling.
 
“Baka mamatay na to” sabi nung isang lalaki bago tinuro si Alastor pero bago pa makapagsalitang muli yung kasama niya ay nakarinig sila ng mga yabag ng paa at narealize nalang nila na napaliligiran na sila ng nasa sampung mages at wizards.
 
“Sino kayo?” tanong nung dalawang lalaki.
 
“Soldiers from the kingdom of Beifang” sagot nung isang lalaki na sa malamang ay pinaka mataas ang ranggo sa sampo.
 
Biglang nakahinga ng maluwag si Alastor nang marinig niya ang salitang ‘Beifang’ dahil sa wakas ay ligtas na siya. Sino kaya ang nagpahanap sa kaniya? Ang ina niyang reyna? O ang tatay niya mismong hari? Duda siya na si Trevas ang nagpahanap sa kaniya dahil bukod sa magkaaway sila ay malakas ang kutob niyang matagal nang patay si Trevas dahil sa pagsugod nung mga barbarians pero nagulat siya sa sunod na sinabi nung lalaking inakala niya ay magliligtas sa kaniya.
 
“Nandito kami sa sa ilalim ng utos ni General Trevas. Natalo na ng kampo namin ang kampo ninyo kaya wala na kayong ibang magagawa kundi sumuko”  sabi nuong lalaki bago nagtangkang posasan yung dalawang barbaro. Sinubukan pa nilang magpumiglas at makipaglaban para tumakas pero wala silang laban sa sampung mga tauhan ni Trevas kaya wala rin silang nagawa kundi sumuko nalang.
 
“No..” bulong ni Alastor nang marealize niya na nanalo nga si Trevas sa gera at sigurado siya na ito ang nagwagi sa labanang naganap. Ano nalang ang sasabihin ng ina niyang reyna? Ano na ang mangyayari sa kaniya ngayong si Trevas na talaga ang magiging permanenteng crown prince?

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon