Chapter 19: Infragilis Vow

2.5K 126 2
                                    

Infragilis Vow

"Alissa”
 
Bigla akong napamulat nang marinig ko si Lina na tumawag sa akin. Napapikit pikit muna ako sandali bago ko marealize kung ano ang nangyayari.
 
Nakaupo sa kama ko si Lina at nakangiting nakatingin sa akin na siyang ikipinagtaka ko.
 
“Anong meron?” tanong ko sa medyo malat na boses dahil kakagising ko lang. Bumangon ako at naningkit naman ang mga mata ko dahil sa liwanag ng araw na nagmumula sa may bintana. Kinusot ko ang mga mata ko bago napahikab at tumayo habang nagiinat.
 
“Wala gusto lang kitang gisingin” sabi ni Lina bago kumuha ng salamin at nagsuklay.
 
Napatigil ako sa pag-iinat at nagdududang napatingin sa kaniya. Bihira ko lang kasing makita si Lina na nagsusuklay dahil bukod sa hindi siya yung tipo na nagaayos ay wala siyang paki kahit buhaghag na ang buhok niya.
 
“Seryoso anong meron?” tanong ko sa kaniya bago naglakad papalapit doon sa bagahe sa sahig na inihanda na namin kagabi para sa pagbabalik namin sa Beifang bukas.
 
“Wala naman, Feeling inspired lang” natatawang sabi ni Lina bago tinago yung salamin at suklay na ako pala ang may ari dahil wala nga pala siyang sariling suklay.
 
“Feeling inspired? Bakit? May gusto narin sayo si Jared?” biglang napatahimik si Lina at mukang may kutob na ako kung bakit.
 
“Syempre hinde”
 
“Ano bang nagustuhan mo doon sa malditong ‘yon?” tanong ko dahil hanggang ngayon ay pala-isipan parin sa akin kung bakit niya nagustuhan ang lalaking iyon.
 
“Ewan ko din, basta nung una ko siyang nakita sa palasyo alam ko na siya na talaga” natatawang sabi ni Lina bago tumabi sa akin at tinulungan akong i-empake yung mga damit namin.
 
“Sa palasyo? Sa palasyo kayo unang nagkita?” tanong ko. Kung tama ang memorya ko ay nandito na kami sa kampo noong una kong makita si Lieutenant Jared.
 
“Oh, naalala mo yung unang araw na dinala tayo ni Trevas sa palasyo?” tanong ni Lina.
 
Napatigil ako sa ginagawa ko at inalala yung unang araw na pumunta kami sa palasyo, yun yung oras na nasa kalagitnaan ng meeting yung mga ministers at generals kasama yung hari at reyna pero basta basta nalang pumasok si Trevas at sinama pa ako. Now that i think about it, wala si Lina sa tabi ko noon dahil sabi niya ay may nakita siyang guwapo na royal guard.
 
Bigla akong napatingin kay Lina. “Siya yung gwapong royal guard na nakita mo noon?”
 
Napatawa si Lina. “Akala ko noong una royal guard lang siya, di ko akalaing mataas na pala ang ranggo niya pero wala akong paki kahit isang royal guard lang siya o heneral basta gusto ko siya”
 
“You’re crazy” bulong ko bago nagpatuloy sa pag i-impake.
 
“Para namang hindi mo naranasan ang magkagusto sa isang tao” natatawang sabi ni Lina pero hindi kaagad ako naka-imik dahil bigla kong naalala yung mga ala-alang akala ko ay naibaon ko na sa limot. Oo, naranasan ko nang magkagusto pero sakit lang ang naidulot nuon sa ’kin kaya pilit kong kinandado at binakuran yung puso ko para hindi ko na ulit maranasan ‘yon.
 
“Mag ready ka na, isasagawa na ang Infragilis Vow para kila Luke at Alaric mamaya” sabi ni Lina bago naglakad palabas ng tent.
 
Ang Infragilis vow ay isang uri ng pangako na kung saan ang kung sino mang lumabag sa pangakong iyon ay biglang makakaramdam ng sakit at parang kinakain ng kung anong insekto ang loob ng katawan niya bago unti-unting mamamatay. Napagkasunduan namin sa pagpupulong kahapon na isagawa ang infragilis vow kila Luke at Alaric para makasiguradong hindi sila maghahasik ng lagim habang nananatili sila sa kaharian ng Beifang.
 
Matapos kong malagay ang lahat ng damit namin ni Lina doon sa bagahe ay sinara ko na ito bago may pinindot na button sa pinaka hawakan nung bagahe at kasabay nuon ay bigla itong nagliwanag at unti unting naglaho at ang tanging natira nalang doon sa sahig ay ang isang bracelet na kakulay nung bagahe at sa bandang ilalim nung bracelet ay meron ding isang button na siya namang magbabalik sa kaniya sa pagiging bagahe.
 
Isinuot ko yung mahiwagang bracelet bago ako nag-ayos at nag-lakad palabas ng tent at pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang mga mages at wizard na nakahanda na sa pagbabalik sa kaharian sa kani-kanilang tahanan.

Naglakad ako papunta sa pinaka gitna ng kampo kung saan madalas na nagsisindi ng campfire para sa pagluluto ng pagkain pero hindi campfire ang matatagpuan dito ngayon kundi isang stage platform na gawa sa kongkreto at doon nakatayo sila Luke, Alaric, Trevas, lieutenant Jared, Sergeant Min, Colonel Jay at si Lina na nasa may gilid ng stage.
 
Marami ang taong nakapalibot doon sa stage platform, taga Beifang man o Bauxacel at nandito sila para masaksihan ang panunumpa nila Luke at Alaric.
 
“Lahat ng narito ngayon ay saksi sa panunumpa ng crown prince ng kaharian ng Bauxacel na si Luke at ang pinuno ng virgoths barbarians na si Alaric” sabi ni Sergeant Min na siyang hudyat ng pagsisimula ng Infragilis vow.
 
Marami pang sinabi si Sergeant Min pero hindi ko na iyon naintindihan dahil patuloy na umaagos ang mga ala-ala sa utak ko na pilit kong binabaon sa limot pero lalo ko lang naalala ang mga ala-alang iyon nang maghawakan ng pulsuhan sila Luke at Sergeant Min na siyang unang hakbang sa pagsasagawa ng infragilis vow.

****
 
“Alam mo ba kung ano yung Infragilis vow?” tanong ng 10 year old na si Alissa sa 11 year old na si Luke. Nasa tuktok sila ngayon ng isa sa mga tore ng palasyo at mula doon ay kitang-kita nila ang buong kaharian ng Bauxacel.
 
“It’s a promise, at pag isa man sa gumawa ng seremonyang iyon ang lumabag sa pinagkasunduan nilang pangako ay makakaramdam ng matinding sakit bago unti-unting mamamatay” seryosong sabi ni Luke sa kaniya habang hindi inaalis ang tingin sa palubog na araw.
 
Napalingon si Alissa kay Luke at hindi niya mapigilang mapatitig sa maamo nitong muka na parang nagliliwanag dahil sa kulay yellow orange na ilaw na nagmumula sa palubog na araw pero bigla din siyang napaiwas ng tingin nang biglang lumingon si Luke.
 
“Gusto mong subukan natin yung Infragilis vow?” tanong ni Luke kay Alissa dahilan para mapalingon siya ulit dito.
 
“Kaya mong gawin yun?” tanong ni Alissa sa matinis niyang boses.
 
Tumango si Luke bago kinuha ang kamay ni Alissa at hinawakan siya sa pulsuhan at ganon din naman ang ginawa ni Alissa sa kaniya.
 
“Anong gusto mong ipangako?” napakunot ang nuo ni Alissa bago napakagat sa labi na para bang nag i-isip ng malalim kung ano nga ba ang gusto niyang ipangako.
 
“Gusto kong ipangako mo na never mo akong kakalimutan at never kang mag tatraydor sa ‘kin” sabi ni Alissa.
 
Sandaling napatigil si Luke bago napatango. “Repeat after me”
 
“I...”
 
“I...” pag uulit ni Alissa sa sinabi ni Luke.
 
“Luke Bauxacel”
 
“Luke Bauxacel” biglang napangiti si Luke bago napatawa. “Pangalan mo ang sasabihin mo hindi yung akin”
 
Napatango tango si Alissa at napatawa din.
 
“Ulitin natin... I...”sabi ni Luke.
 
“I...”
 
“Luke Bauxacel”
 
“Alissa Knoxx”
 
“is pledging my loyalty”
 
“is pledging my loyalty”
 
“To you” napangiti si Alissa. “To you”
 
“And I will never betray you”
 
“And I will never betray you”
 
“Kahit ma misunderstand mo pa ang totoo” sabi ni Luke dahilan para mapakunot ang nuo ni Alissa.
 
“Parang hindi naman ata kasama yun” natawa lang si Luke bago ibinalik ang tingin sa araw pero halos hindi na ito makita dahil natatakpan na ito ng isang bundok.
 
“Totoong Infragilis vow ba yung ginawa natin o niloloko mo lang ako?” tanong ni Alissa bago sinilip ang muka ni Luke habang ang mga kamay ay nakapatong sa ibabaw ng balustrade.
 
“Ano sa tingin mo?”

****
 
“It’s not” bulong ko sa sarili ko bago ibinalik ang tingin sa stage kung saan kasalukuyang isinasagawa ang Infragilis vow sa pagitan nila Luke at Sergeant Min. Noong bata pa ako ay inakala ko na totoong Infragilis Vow ang ginawa namin ni Luke duon sa rooftop ng palasyo ng Bauxacel pero nagkamali ako. In the end, nagtraydor pa rin siya sa akin pero hindi naman siya namatay tulad ng dapat na mangyari kung totoong Infragilis Vow ang ginawa namin.
 
“And I will never betray you” sabi ni Sergeant Min na siya namang ginaya ni Luke “And I will never betray you”
 
“And The kingdom of Beifang”
 
“And the kingdom of Beifang”
 
“No matter what happens”
 
“No matter what happens”
 
Tumango si Sergeant Min at bibitaw na sana mula sa pagkakahawak sa pulsuhan ni Luke nang biglang magsalita ulit si Luke. “Kahit ma misunderstand mo pa ang totoo”
 
“What?” nagtatakang tanong ni Sergeant Min at maging sila Trevas at ang iba pang nakarinig ay nagtatakang napatingin kay Luke at ganon din ako pero ako lang ata ang biglang bumilis ang kabog ng dibdib.
 
“Nothing” sabi ni Luke bago napatingin sa mga tao at sakto namang napatingin siya sa direksyon ko kaya nagtama ang paningin namin. Agad siyang umiwas ng tingin at ako naman ay natulala sa kawalan. What was that?

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon