Chapter 15: We meet again

2.6K 142 1
                                    

We meet again

Tahimik ang lahat habang pinapanuod naming magmartsa papalapit ang mga kaaway. Natalo na nila ang mga tauhan ni Alastor at maging ako ay hindi alam kung buhay pa ang hambog na prinsipeng iyon. Ilang metro pa ang layo ng mga kaaway sa amin pero ramdam na ramdam ko na ang kaba dahil bukod sa napakatahimik ng paligid ay higit na mas madami ang bilang nila kesa sa amin. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaaway at napagtanto na level 4 ang pinaka mahina sa kanila habang level 7 naman ang pinaka mataas.
 
Nakahinga ako ng maluwag dahil dito, level 7 lang din kasi ang pinakamataas sa amin at iyon ay si Trevas, lieutenant Jared, ako at isa pang mage na Hindi ko kilala. Although marami kaming level 7 ay walang wala kami kumpara sa kapangyarihan ng isang level 8 o higit pa kaya naman may pag-asa pa kami na Manalo sa laban na ito.
 
Nang makalapit na sa amin ang mga kaaway ay biglang napakunot ang nuo ko nang mamukaan ko ang uniform combat clothes na suot suot ng mga ito. Ang mga tauhan ni Trevas ay nakasuot ng kulay violet at itim na combat clothes; maliban sa amin na mga namumuno. Sa kabilang banda naman ay kulay Dark blue at puti ang sa kalaban na katulad ng sa royal army ng Bauxacel.
 
Napailing-iling ako at nag focus sa kasalukuyan. Hindi lang naman siguro ang Bauxacel royal army ang may unipormeng kulay blue at white
 
Lalo akong kinabahan at rinig na rinig ko na ang kabog ng dibdib ko nang malapit na sa amin ang mga kaaway. Itinaas nung lalaking nasa pinaka harapan yung kanang kamay niya at sabay sabay naman silang tumigil sa paglakad ilang dangkal mula sa mga patibong na inihanda ng kampo namin kanina.
 
Umabante yun lalaki sa pinakaharap na sa malamang ay pinaka leader ng mga barbarians dahil isa siya sa mga nakasuot ng damit na gawa sa balat ng hayop at helmet na gawa sa isang matigas na metal.
 
“Maari nating iwasan ang isang madugong digmaan kung susuko na kayo at hahayaan kaming makapasok sa kaharian ng Beifang” sabi nung pinaka pinuno ng barbarians. Bagama’t ilang metro pa ang layo niya sa amin ay rinig na rinig dito ang boses niya na sa malamang ay ginamitan niya ng mahika para mas lumakas.
 
“Then what? Ano ang gagawin niyo once na makapasok na kayo sa kaharian ng Beifang?” tanong ni Trevas sa kasinglakas na tinig.
 
“Sa tingin mo sasabihin ko ang mga plano namin sayo na pinuno ng kalaban?” tanong nito pabalik.
 
Itinaas ni Trevas ang kamay niya bago unti-unting nabalot ng  itim na usok yung braso niya. “Then you leave me no choice”
 
Napangisi yung pinuno ng mga barbarians bago itinaas ang kamay niya at doon ay nabuo ang isang bola ng pinaghalong fire at air element.
 
Isa siyang dual user. Level 7 fire element at level 6 air element.
 
“So be it”
 
At iyon na nga ang simula ng madugong laban. Unang umatake ang side ng mga kaaway kaya naman na activate ang trap ng sinet-up naming kanina at gumuho ang lupang inaapakan nila. Kasabay naman ng pagguho ng lupang iyon ay ang pag-ulan ng samot saring element mula sa bundok sa likod naming papunta sa hukay na pinaghulugan ng mga kaaway. Nakal-alis agad ang mga earth element sa malaking hukay at nagpatuloy sa pagtakbo ngunit ang mga hindi pinalad ay na trap sa malalim na hukay habang hinihintay ang sariling kamatayan.
 
“FOR BEIFANG” sigaw ni Trevas bago naunang tumakbo papunta sa mga kaaway at agad naming sumunod ang lahat habang humihiyaw hindi dahil sa takot kun’di dahil sa determinasyong ipanalo ang laban na ito.
 
Sumabay ako sa pagtakbo ni Trevas at pilit na nanatili malapit sa kaniya at kila Lina para madali akong makakatulong sa kanila kung sakali mang kailanganin nila ng tulong. Nilabas ko ang transparent na pakpak sa likod ko bago lumipad at nagpaulan ng matutulis na yelo sa gawi ng mga kalaban.
 
Natanaw ko ang pagbaba ng mga tauhan ni Trevas mula sa bundok sa likod namin at nakisama na sa laban dito sa baba dahil kung magpapatuloy sila sa pag atake mula sa itaas ay maaring matamaan din kaming mga kakampi nila. Natanaw ko rin mula dito sa taas ang mabilis na pag onti ng bilang ng mga kaaway dahil sa madami ang nahulog sa patibong na inihanda naming kanina.
 
Napaiwas ako at napalipad sa kanan nang may nagbato ng agos ng tubig sa direksyon ko. Nilingon ko ito at bago pa man ito makatira ulit ay binatuhan koi to ng matulis na yelo na siyang nagtapos sa buhay niya.
 
Magpapaulan pa sana ako ng matulis na yelo sa gawi ng mga kalaban pero bago ko pa magawa iyon ay bigla akong nilipad ng malakas na hangin at tumama ang likod ko sa isang malaking puno. Napangiwi ako sa sakit pero bago pa ako mapamura sa sakit ay agad akong tumayo at umiwas sa paparating na bola ng apoy sa direksyon ko.
 
Napatingin ako sa sinomang hayop na nagbato noon at halos manigas ang bagang ko sa inis nang Makita kong nakangisi sa akin yung pinaka leader ng mga barbarians. Humakbang siya papunta sa direksyon ko pero bigla siyang napatigil at napaiwas sa paparating na itim na usok na nagmumula kay Trevas. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para bumangon mula sa damuhang kinaroroonan ko pero bigla akong napatigil nang mapansin ko ang isang kulay pink na bulaklak sa may damo.
 
Napatingala ako sa malaking puno na pinagtalsikan ko kanina na ngayon ay nasusunog na dahil sa apoy na binato nung leader ng barbarians kanina pero ang pinaka napansin ko sa puno ay ang mga dahon nito- no, hindi iyon dahon. Isa itong cherry blossom tree at puno ng bulaklak ang mga tangkay nito na siyang nagpangiti sa akin.
 
Tumayo ako bago itinaas ang kanang kamay ko sa direksyon ng nasusunog na cherry blossom tree. Sabay-sabay na lumipad sa direksyon ko ang mga kulay pink na bulaklak nito na unti unting nagiging kulay blue violet at lumipad paikot sa akin. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko sa direksyon ng isa pang cherry blossom tree di kalayuan at katulad ng nangyari sa naunang puno ay unti unti din itong nakalbo nang lumipad sa direksyon ko ang mga bulaklak nito at nagpaikot ikot sa akin.
 
Muli kong inilabas yung transparent na pakpak na nasa likod ko bago mabilis na lumipad sa gitna ng labanan at mabilis din naman akong sinundan nung mga bulaklak na may matutulis na talutot. Iniunat ko sa direksyon ng mga kalaban ang kamay ko dahilan para lumipad din sa direksyon iyon ang mga matutulis na bulaklak at dahil hindi inaasahan ng mga kaaway na ang mga magagandang bulaklak pala ay pwede ding maging sandata ay hindi sila agad nakaiwas.
 
Paunti na ng paunti ang bilang ng mga kaaway ngunit ganon din ang sa panig naming kaya mas nagging madugo pa ang labanan dahil sa matinding tensyon at determinasyon ng lahat na Manalo.
 
Hindi ko na alam kung gaano na katagal ang nangyayaring labanan basta’t itinuon ko lang ang atensyon ko sa pakikipaglaban at pagprotekta kila Lina at Trevas.
 
Itinaas ko ang kanang kamay ko para sana gamitin ang ultimate water skill ko pero bago ko pa magawa iyon ay bigla kong narinig ang malakas na sigaw ni Trevas.
 
“Alissa! Watch out!” napalingon ako sa bandang kanan ko at nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang paparating na nagaalab na bolang apoy. Mag teteleport na sana ako papaalis kahit na alam kong Malaki ang posibilidad na maabutan parin ako ng apoy kahit na magteleport ako paalis nang biglang may yumakap sa bewang ko at mabilis akong hinila paalis.
 
Halos nanlabo ang paningin ko dahil sa bilis ng pangyayari paero laking pasasalamat ko nang marealize na nakaiwas ako sa nagla-lagablab na apoy nang hilahin ako ni Trevas paalis.
 
Lilingunin ko na sana si Trevas na nakahawak pa rin sa bewang ko pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang Makita si Trevas sa harapan ko na gulat na nakatingin sa akin at sa kung sino man ang lalaking nasa likod ko.
 
Kung hindi si Trevas ang nagligtas sa akin…
 
Lilingon na sana ako sa likod ko para malaman kung sino nga iyon pero biglang nanindig ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang bumulong sa may tenga ko ang isang pamilyar na boses.
 
“Alissa, I finally found you” 

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon