Chapter 53: lies and confusions

1.4K 85 0
                                    

Lies and confusions

Nang matapos akong magbasa ay tyaka ko lang napansin na napahigpit na pala ang kapit ko sa libro kaya nagusot ang ilan sa mga pahina nito.
 
“L-liar! Your majesty. She was lying.”
 
Napatawa ako. “Lying? Here are all the proof” sabi ko bago itinuro yung mga record book na kakabasa ko lang.
 
“We can’t be sure na  totoo ang lahat ng record book na ‘yan. Right your majesty?” kalmadong sagot ni minister Laxxon, ibang-iba sa reaksyon ni minister Haviour.
 
“Yes indeed. We can’t be so sure na totoo ang mga iyan” biglang kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang walang emosyong boses ni Luke.
 
“I understand that you want to protect these corrupt minister, your highness prince Luke” matiim kong tinignan si Luke. “After all, malaki ang pakinabang na natanggap ng royal family nang nawala ang mga Knoxx”
 
Ibinuka ni Luke ang bibig niya at magsasalita na sana nang marinig namin ang isang pamilyar na boses.
 
“It’s true” sabay-sabay kaming napalingon sa may pintuan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Psyche na dahan-dahang naglalakad papalapit sa amin.
 
Nagbulung-bulungan ang mga tao at gulat na pinagmasdan si Psyche. May mga hindi nakakakilala sa kaniya dahil ilang taon na mula noong huli siyang nakita pero agad ding kumalat ang impormasyon na siya si Psyche.
 
“Madam Diana?” tawag ni Lina pero hinawakan ko siya sa braso at umiling.
 
Although kamukha ni Psyche si mama, hindi lumalabas si mama ng bahay noong nabubuhay pa siya kaya walang nakakaalam na kamukhang-kamukha niya si Psyche maliban sa akin at kay Lina.
 
“What are you doing here?” tanong ni Luke pero hindi siya sinagot ni Psyche at nagpatuloy lang sa paglalakad papalapit sa amin.
 
Tumigil sa paglalakad si Psyche ilang hakbang mula kila minister Haviour at minister Laxxon. “It’s true, sila ang pumatay sa mga magulang mo Alissa”
 
Ibinaling niya ang tingin sa akin at nginisian ako.
 
“How did you know?” tanong ni Trevas bago pa ako makapagsalita.
 
“How did I know?” ibinaling ni Psyche ang tingin sa dalawang minister at biglang napakunot ang nuo ko nang makitang nanginginig sa takot ang dalawa pero mas lalo akong nagulat sa sunod na sinabi ni Psyche.
 
“Dahil ako ang nag-utos sa kanila”
 
“W-what?” lalong lumakas ang bulung-bulungan ng lahat at hindi ako agad nakapagreact. Napahawak ako sa bibig ko at muntik nang bumigay ang mga tuhod ko kung hindi lang ako naalalayan ni Trevas.
 
“M-master… what is the meaning of this?” tanong ng dalawang minister at doon, nakasiguro na akong totoo ang sinasabi ni Psyche at hindi siya nagbibiro.
 
Imbes na sagutin ang tanong ng dalawang minister ay itinuon lang ni Psyche ang tingin sa akin. “But the truth about the death of your parents doesn’t matter anymore Alissa… dahil hindi mo na mabibigyan ng hustisya ang mga magulang mo pag patay ka na”
 
Pagkasabing-pagkasabi non ni Psyche ay naglabas siya ng itim na patusok sa kamay niya at ginilitan ng leeg ang dalawang minister. Napuno ng sigawan ang buong palace hall at nagtatakbo paalis ang mga bisita pero lalo pang nagpanic ang mga tao nang biglang pumuti ang itim na mga buhok at mata ni Psyche at mula sa lupang inaapakan niya ay lumabas ang mga demonyong lumipad-lipad at hinigop ang kaluluwa ng bawat madaanan.
 
“Protect the king!” sigaw ng mga royal guards pero bago pa sila makalapit sa hari ay napatay na sila ng mga demonyong alagad ni Psyche.
 
“W-what-” napahigpit ang kapit ko sa braso ni Trevas lalo na nang magsimulang maglakad papalapit sa amin si Psyche.
 
“Why are you doing this?”
 
Biglang tumawa si Psyche sa nakakatakot niyang boses kaya naman nanindig ang balahibo ko sa katawan. Mas nakakatakot pa ang boses niya kumpara sa boses ni Trevas sa tuwing nag t-transform ito.
 
“You have no idea don’t you? Of course Anna won’t tell you the truth unless she wants you dead” lalong kumunot ang nuo ko, lalong naguguluhan sa mga nangyayari.
 
Humakbang pa papalapit sa amin si Psyche pero bigla akong hinila ni Trevas papunta sa likod niya at hinarap si Psyche.
 
“Go, umalis na kayo ni Lina, ako na ang bahala dito” sabi ni Trevas bago inihanda ang itim na mahika sa kamay niya.
 
“I’m not leaving without you” pagmamatigas ko.
 
“She’s strong Alissa, I can feel her magic at higit na mas malakas iyon sa kapangyarihan nating dalawa-”
 
“Then that’s another reason kung bakit hindi dapat akong umalis” sabi ko bago naglabas ng mahika ng yelo sa kamay ko.
 
“I agree with Alissa, let her stay” nakangising sabi ni Psyche bago muling naglakad papalapit sa amin.
 
“GO Alissa!” sigaw ni Trevas bago siya nag ibang anyo at sinugod si Psyche. Nagteleport siya sa likod ni Psyche at hahampasin na sana siya sa likod pero nakailag si Psyche at bigla siya hinarap at sinipa sa tagiliran dahilan para tumalsik siya at makaladkad sa sahig.
 
Inihanda ko ang kapangyarihan kong yelo at susugod na sana nang bigla akong yakapin ni Lina sa braso.
 
“You can’t, Alissa. Masyadong malakas si Psyche” pilit akong kumawala sa kapit ni Lina pero napakahigpit ng kapit niya.
 
Napabalik ang tingin ko sa direksyon ni Trevas nang makita siyang mabilis na lumipad papunta sa direksyon ni Psyche pero bago pa siya makalapit dito ay may biglang sumulpot na malaking itim na nilalang sa sahig at inatake si Trevas gamit ang isang malaki at matulis na Scythe. May mahahabang sungay ang itim na nilalang na ito at mahahaba ang pula niyang mga kuko.
 
Agad na umiwas si Trevas sa paparating na atake ng itim na nilalang pero pagkaiwas na pagkaiwas niya ay bigla ring sumulpot si Psyche sa likod niya at hinampas siya ng malakas dahilan para bumagsak siya sa sahig.
 
“No!” sigaw ko bago mas nagpumiglas pa sa kapit ni Lina. Hindi ko alam kung saan nagmula ang lakas ko pero somehow ay nakawala ako sa kapit ni Lina at mabilis na tumakbo sa direksyon nila Trevas.
 
Narinig ko pang tinawag ako ni Lina pero hindi ko siya nilingon at inihanda ang yelo sa kamay ko. Inilabas ko ang pakpak sa likuran ko at mabilis na lumipad sa direksyon ni Psyche pero bago pa tumama sa kaniya ang atake ko ay nahawakan niya ako sa leeg at hinigpitan ang kapit dito.
 
Nahirapan akong huminga at pilit na kumawala sa kapit niya. Naisipan kong magteleport paalis ng kapit niya pero naalala kong masasama rin siya sa pagteteleport ko kaya wala ring saysay.
 
“Alissa!” sigaw ni Trevas nang makita niya ang kalagayan ko at pilit siyang tumayo pero bago pa siya makahakbang papalapit sa amin ay nagpadala ng itim na mahika si Psyche sa direksyon niya dahilan para matumba na naman siya sa sahig.
 
Napaubo ako at pilit na huminga sa kabila ng mahigpit na kapit ni Psyche sa leeg ko. Hinampas-hampas ko ang braso niya at sinubukang ipalipad sa kaniya ang mga matutulis na bulaklak pero agad niya itong naiiwasan at nasasanga.
 
“Anna” nagulat ako nang marinig ko ang sinabi niya. “Let’s see how long are you going to hide”
 
Naglabas ng kulay itim na patusok si Psyche at nginisian ako. Nanlamig ang buong katawan ko at nabalot ako ng takot lalo na nang ambang itutusok ni Psyche sa tagiliran ko yung patusok na hawak niya pero laking gulat ko nang biglang may kung anong liwanag ang sumulpot sa gitna namin ni Psyche kaya naman pareho kaming tumalsik at napaupo sa sahig.
 
Napadaing ako dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko sa sahig at sa sakit ng leeg ko dahil sapagkakasakal ni Psyche pero biglang naagaw ang atensyon ko nang makita ko yung liwanag sa harapan ko na unti-unting naghugis babae.
 
“Anna… At last” natatawang tawag ni Psyche pero hindi sa kaniya nakatuon ang atensyon ko kundi sa babaeng nakatayo sa pagitan namin.
 
Nakatalikod siya sa akin pero kahit na ganon ay parang alam ko na kung sino siya. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at doon nakita ko ang mukhang hinding-hindi ko makakalimutan.
 
Mom.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon