Chapter 2: Plaza De Rinos

4.8K 185 2
                                    

Plaza De Rinos

Marami na ang tao sa Plaza De Rinos nang makarating ako doon. Wala akong ibang kasama bukod sa dalawang guard na pinasama sakin ni mama.

Pumunta ako sa pinaka sentro ng plaza kung saan nandoon ang isang mataas na stage na ginawa talaga para gamitin sa pagbibitay. Hindi ko alam kung gaano kadaming dugo na ang dumanak sa lugar na ito basta't ang alam ko ay masyado na itong marami para bumakat ang kulay ng dugo sa may stage.

Pinagmasdan ko ang paligid at napansin ko ang isang kumpulan ng mga tao. Sinubukan kong silipin kung ano ang meron doon at napagtanto kong nandoon ang Royal family na napalilibutan ng mga royal guard. Nandito ang hari at ang nagiisa niyang anak na si Luke.

Bigla akong napatigil sa paglalakad nang magtama ang paningin namin ni Luke at nagkatitigan kami ng ilang segundo. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang biglang humakbang si Luke papalapit pero bigla din siyang napatigil at napaiwas ng tingin.

Bigla akong nainis sa sarili ko. I should be angry with him, I should be angry with the whole royal family pero eto ako ngayon, ambilis ng kabog ng dibdib dahil sa simpleng tingin ni Luke.

Naagaw ang atensyon ko nang makarinig ako ng ingay mula sa may stage at doon nakita ko ang tatlong lalaking naka kadena na hila hila ng mga guwardiya ng palasyo. Isa si papa sa tatlong lalaki na naka kadena.

Nagsimulang mag ingay ang mga tao at kung ano anong mga masasakit na salita ang binitiwan nila pero wala akong maintindihan dahil nakatuon ang atensyon ko kay papa. Dali dali akong lumapit sa may stage at tinawag si papa.

Napatigil siya paglakad at napatingin sa direksyon ko. Naramdaman ko na pinagtinginan kami ng mga tao pero hindi ko iyon pinansin. May binulong si papa sa guwardiyang nasa tabi niya pero hindi ko iyon masyadong narinig dahil sa ingay ng mga taong nasa paligid namin. Ang tanging narinig ko lang ay ang sinabi niyang. "For the last time"

Napatango yung guwardiya bago niya dinala si papa sa akin. "Alissa, you shouldn't have come here"

Umiling iling ako sakanya. "I will get you out of here"

Sabi ko kahit na paulit-ulit na nag e-echo sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni mama na huwag na akong mangengealam.

"We can't do anything now Alissa, It's too late" pagbuntong hininga nito.

Napakuyom ang kamao ko habang pinagmamasdan ko ang payat na payat na si papa. Wala na ang dating ningning sa mga mata nito at ang dating kumpiyansang tindig niya ay wala na.

Father was a very good fighter and magic user. Ang elemento niya ay Earth and water at ang magic power niya ay level 7. Meron lamang sampung nilalang ang naka abot sa level 7 at dalawa naman sa level 8 kaya naman isa si papa sa pinaka makapangyarihang mahikero sa buong kaharian ng Bauxacel. Pero sa kabila ng lakas ng kapangyarihan niya, eto siya ngayon at nagaabang ng paparating na kamatayan.

Hinawakan ni papa ang kamay ko at may sinuot sa akin na kulay green na jade bracelet. Ito yung bracelet na lagi niyang suot at never niyang hinubad na para bang takot na takot siyang mawala ito.

"Hindi ko alam kung anong mangyayari sa hinaharap, pero malakas ang kutob ko na maaring idamay kayo ng mga may gawa nito"

Nakaramdam ako bigla ng kaba. Tama si papa, malaki ang posibilidad na targetin kami ng mga kaaway para makuha ang kayamanan namin lalo na kung wala na si papa na pinaka pinuno ng pamilyang knoxx.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon