Chapter 40: In good terms

1.7K 79 2
                                    

In good terms

"You didn't tell me na winter demon din pala si Vivian" sabi ko kay Trevas na kasalukuyang nakaunat ang mga kamay sa harapan ko para tulungan akong tumayo. Inabot ko yung kamay niya na para bang walang away na naganap sapagitan namin bago napabaling ang tingin kay Vivian na kasalukuyang nakaluhod sa stage at unti-unting nagiging kulay puti ang buhok tulad ng katangian ng isang winter demon sa tuwing nag ta-transform.

"That's impossible" sabi ni Trevas. "Lumaki ako sa puder niya at sigurado akong walang bahid ng dark magic sa dugo niya" sagot niya pero hindi na ako nakasagot pa nang biglang sumigaw si Vivian na para bang namimilipit sa sakit.

Napahawak siya sa sintido niya habang sumisigaw sa nakakakilabot niyang boses.

"Get the f*ck out of my head!"sigaw niya na siyang nagpakunot ng nuo ko.

"Lieutenant Jared" tawag ni Trevas kay Lieutenant Jared kaya naman dali-dali itong naglakad papalapit sa amin at sumaludo kay Trevas.

"Dalhin mo sa ligtas na lugar ang mga tao at ipa-evacuate yung mga naninirahan malapit sa lugar na ito, mukang may mangyayaring labanan dito"

Tumango si Lieutenant Jared bago tumakbo paalis, malamang para sundin ang iniutos ni Trevas.

"Sergeant Min, Send a message to the palace tungkol sa nangyayari dito and send for a back-up" Nag-utos pa si Trevas sa ibang heneral na pinangungunahan niya pero hindi ko na masyadong naintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil naagaw ang atensyon ko nang makita si Vivian na dahan-dahang tumayo.

Naghanda ako sa pag-atake pero bigla akong hinawakan ni Trevas sa braso kaya napalingon ako sa kaniya.

"We will talk later"

Tumango ako sa kaniya bago inilabas ang pakpak sa likuran ko at nakita ko naman siyang nagbagong anyo.

"Be careful" sabi niya sa nakakatakot niyang boses bago mabilis na naglaho sa aninong nililikha ng malapit na poste samin.

Biglang sumulpot si Trevas sa may likuran ni Vivian at aatake na sana nang biglang may lumabas na mga itim na nilalang mula sa kinatatayuan ni Vivian just like how a winter demon's powers works.

Dahil sa mga itim na nilalang na iyon na natatakpan ng hood ang mukha ay hindi natamaan si Vivian ng pag-atake ni Trevas bagkus ay tumama ito sa mga nilalang na iyon.

Dahan-dahang lumingon si Vivian sa direksyon ni Trevas pero imbes na siya ang atakehin nito ay bigla siyang naglaho at sumulpot sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon at bago pa ako makapag react ay naglabas ng isang scythe si Vivian at iwinasiwas ito sa direksyon ko.

Sinubukan kong umiwas sa tira niyang iyon pero tumama parin yung scythe sa braso ko at nagdulot iyon ng malaking sugat at umagos ang dugo mula doon.

Napakagat ako sa labi dahil sa sakit na naramdaman ko sa atakeng iyon ay bigla akong kinilabutan nang makitang nakangisi sa akin si Vivian pero somehow, alam kong hindi si Vivian ang nasa harapan ko ngayon.

"Anna, I know you're there" bulong ni Vivian sa nakakakilabot niyang boses at humakbang papalapit sa akin pero nakakailang hakbang palang siya ay biglang sumulpot si Trevas sa pagitan namin at nagcast ng isang itim na bilog sa harapan niya at mula doon ay lumabas ang itim na mahika na siyang nagpatalsik kay Vivian ng ilang metro.

Tumama sa poste ang likod ni Vivian dahil sa lakas ng impact ng tira ni Trevas at agad namang nadurog ang posteng iyon at natabunan ng makapal ng usok ang pwesto ni Vivian.

'Anna what the f*ck was that?' tanong ko pero tulad kanina, hindi pa rin sumagot si Anna.

"Stay here, I'll fight her my own" Tumango nalang ako sa sinabi ni Trevas dahil ayoko rin namang labanan si Vivian na mukhang sinaniban ng kung anong ispirito na siyang higit na mas makapangyarihan sa akin.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon