Chapter 52: The real traitor

1.6K 86 0
                                    

The real traitor

​​Napasuklay ako sa buhok ko at inis na napatitig sa mga nakakalat na papel sa harapan ko. Pinaghiwa-hiwalay ko ang bawat page ng record book at inilatag iyon sa harapan ko para mas madali kong mababasa pero mas lalo atang sumasakit ang ulo ko dahil sa sobrang dami ng kailangan kong basahin.

"Don't stress yourself up. Hindi mo kailangang madaliin" sabi ni Trevas bago tumabi sa akin. May hawak-hawak siyang tasa na naglalaman ng kulay bright violet na likido.

"Drink this" inabot niya sa akin yung tasa.

"What's that?"

"Coffee" Tumango ako bago sumipsip sa kulay bright violet na kape. Pagkadamping-pagkadampi ng likido sa dila ko ay nakaramdam ako agad ng kung anong energy at parang gising na gising na ako. Mas naging energetic ako at pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi makakatulog.

"So... what did you find out?" tanong ni Trevas bago dinampot yung isa sa mga nakakalat na papel sa harap ko. Ibinaba ko sa tabi ko yung tasang binigay niya.

"So far ang nababasa ko pa lang ay kung sinu-sino yung mga involve at kung sinu-sino yung mga na-assign na mag imbestiga"

Pagkauwing-pagkauwi namin galing sa palasyo kanina ay dumiretso si Lina sa kwarto niya at natulog pero ako ay dumiretso sa sala at nagsimulang basahin ang record book tungkol sa imbestigasyon sa kaso ni papa. Ilang oras na rin akong nagbabasa at alam kong madaling araw na pero ang nababasa ko pa lang ay kung sinu-sino ang mga sangkot at kung ano ang role nila dahil sa sobrang dami.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagbabasa at ganon din si Trevas na kanina pa ako tinutulungan sa pagbabasa. Pwede naman naming ipabasa ito sa isa sa mga tauhan ni Trevas para mas mapadali ang trabaho namin but we can't risk it. We can't really trust anyone at the moment dahil nandito kami sa teritoryo ng kalaban.

Inabot din siguro ako ng isang oras bago ko natapos ang pagbabasa ng mga pangalan lang ng mga kasangkot at tama nga ang hinala ko nang makita ko ang pangalan nila minister Haviour at minister Laxxon. Isa sila sa mga pangunahing nagreklamo kay papa at sila ang may pinakamaraming ipinakitang ebidensya na nagtraydor nga 'daw' si papa.

Inisa-isa ko ang bawat kasong isinampa nila at hindi ko mapigilang makunot ang nuo ko habang binabasa iyon. May kasong isinampa si minister Haviour na meron daw nakatagong ipinagbabawal na mahiwagang alahas ang pamilyang Knoxx at meron ding kaso na ninanakaw daw ni papa ang mga kayamanan ng mga sinusugod nilang teritoryo sa tuwing nananalo sila sa gera at ginagamit niya ang perang iyon para sa pagpapalawak ng mga sundalong tauhan niya para maging mas malawak at mas makapangyarihan ito kumpara sa royal army.

Napakuyom ang kamao ko. Totoo na maraming mahiwagang alahas ang pamilya namin noon, kagaya nalang noong bracelet na siyang ibinigay sa akin ni papa bago siya namatay, pero halos lahat ng mga noble family ay meron ding mahiwagang alahas na tinatago-tago kaya hindi na big deal ang pagkakaroon noon pero ayon sa pagkakabasa ko sa record book ay idinagdag sa patong-patong na kaso kay papa ang pagkakaroon ng mahiwagang alahas.

Isa pang akusasyon ay yoong pagnanakaw daw ni papa sa mga teritoryo na nasasakop nila sa tuwing may digmaan. Si 'Alen Knoxx' daw ang nagnakaw ng isang gold mine ng kaharian ng Firlame noong natalo ito sa digmaan.

Napakunot ang nuo ko. Never nagkaroon ng sariling gold mine ang pamilyang Knoxx. Mas hinalungkat ko pa yung record book pero itinuon ko ang atensyon ko tungkol sa kasong ito.

Yung titulo ng 'gold mine' na tinutukoy sa kasong iyon ay hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon.

"I have a favor" sabi ko kay Trevas. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa akin.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon