Chapter 42: I love you

2.1K 96 9
                                    

I love you

Warning: Slight matured content

****

Now playing: Someone you loved

"Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ko nang hindi pa rin nagsalita si Trevas at tinitigan lang ako. Bigla tuloy akong kinabahan, ano kaya ang nakita niya sa mga alaala ko para titigan niya ako ng ganyan.

Imbes na sumagot ay nginitian lang ako ni Trevas. Nakatitig sa mga mata ko ang mga mata niya na parang nagliliwanag dahil sa reflection ng ilaw na nagmumula sa lawa.

Nakaupo kami ngayon sa may damuhan sa tabi noong lawa, kanina pa naglaho yung goddess of tears kaya sigurado ako na alam na ni Trevas ang lahat, alam na niya kung bakit ako naglaho noong mga panahong nalason siya at alam na niya ang lahat ng sikretong hindi ko maamin sa kaniya. Ang hindi ko lang alam ay kung alam na din ba niya ang nararamdaman ko.

Lumapit si Trevas sa akin bago hinawi yung buhok ko sa may tenga ko kaya naman napatingala ako sa kaniya. Mas lalong lumawak yung ngiti niya at hindi ko pa rin alam kung bakit parang ang saya-saya niya.

"Wala ka bang sasabihin tungkol sa mga nakita mo?" tanong ko pero lalo lang akong nagtaka nang umimling si Trevas bago natawa nang makita ang pagkakunot ng nuo ko.

"Really? Wala ka-" biglang naputol ang sinasabi ko nang hinawakan ni Trevas ang pisngi ko bago ipinagdikit ang mga labi namin.

Nanigas ako sa puwesto ko at hindi agad nakapag-react pero dahan-dahan din akong napapikit nang ipinaikot ni Trevas ang braso niya sa bewang ko at hilahin ako palapit.

Napahawak ako sa dibdib niya nang itinagilid niya ang ulo niya at mas ipinalalim pa ang paghalik at hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal na nalunod sa kakaibang emosyon na nararamdaman ko.

Pinagapang ko papunta sa buhok niya ang mga kamay ko habang hinahayaan ang sarili na tanggapin ang lahat ng binibigay niya.

Mas lalong humigpit ang kapit ni Trevas sa bewang ko nang isinuklay ko sa buhok niya ang mga daliri ko at mas pinalalim pa ang paghalik.

Hindi ko na alam kung gaano kami katagal sa puwesto namin basta ang alam ko lang ay hinihingal na ako nang maghiwalay ang mga labi namin.

Ipinagdikit ni Trevas ang mga nuo namin at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na siyang lalong nagpainit ng muka ko. Nakatingin siya sa mga labi ko bago inilipat ang tingin sa mga mata ko.

He stared at me intensely at rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso pero hindi ko alam kung yung puso ko ba iyon o yung sakanya.

"I love you"

Biglang lumawak ang ngiti ni Trevas sa sinabi ko at maging ako ay napangiti rin dahil sa wakas, handa na akong sumugal.

Pinaglandas uli ni Trevas ang labi niya sa labi ko pero hindi rin iyon nagtagal dahil hindi namin mapigilan ang ngiti na namumuo sa mga labi namin.

"I love you too"

**

Pagkadating namin ni Trevas pabalik sa courtyard ay naabutan namin sila Lina at Lieutenant Jared na nasa living room at nagtatawanan kasama si Sergeant Min na hindi ko alam kung kailan dumating. Mukhang nagkabati na sila Lina at Lieutenant Jared.

"Oh! Speaking of the devil" sabi ni Lina nang makita niya kami na pumasok pero bigla siyang napatigil nang makita ang kamay ni Trevas na nakapulupot sa bewang ko.

"Oh my goodness" sabi ni Lina bago napahawak sa bibig.

Napakamot ako sa ulo dahil maging ako ay gulat pa rin sa mga nangyayari.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon