Chapter 24: Meant for me

2K 105 1
                                    

Meant for me

"I am Henrick Beifang"

"Beifang? You're a royal?" Tanong ni Freya dahilan para mapa-iwas ng tingin si Henrick.

"Yeah, pwede mo ba akong tulungang makabalik sa palasyo?"

"Nope" napabaling si henrick kay freya na para bang hindi niya inaasahan na tatanggihan siya nito.

"I'm a royal, hindi ba dapat nagkakandarapa kang sundin ako?" Biglang napakunot ang nuo ni Freya sa sinabi nito.

"Wala akong pake kung royal ka o hinde"

"Really?" Lalong nagtaka si Freya nang mapansin niyang lumiwanag ang mukha ni Henrick sa sinabi niya. Hindi ba dapat siyang mainis kasi wala siyang pakialam sa katayuan niya?

"Bukod sa ayaw kitang samahan pabalik sa palasyo mo, hindi ako pwedeng umalis sa gubat na 'to"

"Oh... samahan mo nalang ako dito please?" Sabi ni Henrick.

Napaisip sandali si Freya. Tutal naman wala siyang kailangang gawin at hindi pa naman siya hinahanap ng mga magulang niya, pumayag din si Freya na samahan si Henrick hangga't hindi pa siya nahahanap nung mga kasama niya.

"Ang tanga-tanga mo naman para mapahiwalay sa dalawang royal guards na kasama mo" sabi ni Freya bago may binatong bato sa may tubig dahilan para lumikha iyon ng ingay at magtalsikan ang tubig.

Nasa may waterfalls sila ngayon. Nakaupo si Henrick sa isang malaking bato habang si Freya naman ay nakatayo sa may tabi niya at nagbabato ng maliliit na bato sa tubig.

Narinig niyang napatawa si Henrick kaya naman napabaling siya dito.

"Anong nakakatawa?"

Napailing-iling si Henrick. "Wala, ikaw palang kasi ang tumawag sakin ng tanga buong buhay ko"

Nagkibit-balikat si Freya bago ibinalik ang tingin sa tubig at naghagis na naman ng bato pero this time ay hinagis niya ito ng mabilis dahilan para tumalbog-talbog yung bato sa ibabaw nung tubig ng tatlong beses bago tuluyang lumubog.

"Tanga-tanga ka naman talaga" sabi ulit ni Freya bago umupo sa tabi niya. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi siya nakakaramdam ng pagkamuhi kay Henrick na madalas niyang nararamdaman kapag nakakakita ng tao bukod sa mga magulang niya. Malamang ito ay dahil sa hindi pa naman gumagawa si Henrick ng isang bagay na ikakamuhi niya pero hindi siya makakasigurado na ganito pa rin ang turing ni Henrick sa kaniya kapag nalaman niyang isa siyang dark user.

"Alam mo ba kung anong parusa sa mga nagsasalita laban sa isang royal katulad ng ginagawa mo ngayon?"

"Ano?"

"Puputulan ng dila" napalingon sa kaniya si Freya at inilabas ang dila.

"Sige subukan mo"

Natawa lang si Henrick pero nahawa na din si Freya sa tawa nitong napakalakas. This is actually the first time na natawa si Freya sa loob ng mahabang panahon at sinong mag-aakala, na darating ang panahong mawawala ang pagkamuhi ni Freya sa mundo dahil sa isang lalaki?

"Bakit ba nandito ka na naman?" Bungad ng 16 year old na si Freya sa 17 year old na si Henrick nang makita na naman niya ito roon sa waterfalls na lagi nilang tinatambayan.

Tatlong taon na ang nakalipas mula noong una silang nagkita pero mula noon ay madalas nang bumabalik si Henrick sa lugar na ito para lang takasan yung mga royal guards niya at makipagkita kay Freya.

"Nakakainis sa palasyo" sabi ni Henrick bago humiga sa damuhan.

"Bakit?"

Huminga ng malalim si Henrick bago tulalang napatingin sa kalangitan. Humiga rin si Freya sa tabi niya at tumitig sa maaliwalas na langit na may kaunting ulap pero hindi naman mainit dahil bukod sa maraming puno sa paligid nila ay napakasarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin.

"Gusto akong ipakasal sa isang prinsesa sa kaharian ng Firlame" biglang napalingon si Freya sa kaniya at hindi niya alam kung bakit pero parang may kung anong kumirot sa dibdib niya.

Dahan-dahan ding lumingon si Henrick sa kaniya at ilang minuto rin silang nagtitigan. Ang isa ay hindi alam kung ano ang sasabihin at ang isa naman ay hindi alam kung bakit siya nakakaramdam ng kung anong mabigat sa dibdib niya na para bang may kung anong nakadagan dito.

"I don't want to marry her..." Halos pabulong na sabi ni Henrick.

"Then sino ang papakasalan mo? Gusto mong tumandang binata?"

Bumangon si Henrick mula sa pagkakahiga at lumapit sa kaniya dahilan para lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya.

"I can marry you"

"Freya!" Sabay na napaupo bigla sina Freya at Henrick nang marinig nila ang boses ng nanay ni Freya na ilang beses na silang muntik mahuli.

"Go!" Sabi ni Freya kay Henrick bago siya biglang naglaho sa anino ng isang malaking puno kaya naiwang mag-isa si Henrick na nakaupo sa damuhan.

"Maybe you're not meant for me... But deep down I wanted you to be"

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon