UNUM

496 58 7
                                    

This chapter is dedicated to:
@Apple E. Batac

_________________________

New Eastwood,
June 3, 2134

✴️

"—kung wala kang gagawin mamaya. There's something I'd like to show you. Alam kong matutuwa ka kapag nakita mo ito, apo!"

I stared at the night sky and studied the star patterns while I listened to the enthusiastic voice of my grandfather. Base sa tono nito, mukhang excited na nga siyang makita ko ang panibagong imbensyon niya. Hindi tulad ng nakaraan niyang mga proyekto, this one took him a year's worth of labor inside his observatory. Walang nakakalam kung ano ang pinagkaabahalan niya sa loob ng sampung buwan.

But, given the "reputation" of my grandfather, I know that this must be something special---and crazy.

'That's for sure.'

Kani-kanina lang, tinawagan niya ako para sabihin sa'kin ang magandang balita. Ilang minuto na rin niya akong kinukumbinsing bumisita sa bahay niya mamaya pagkatapos ng klase namin. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako umiimik. May debate pa rin kasing nagaganap sa isip ko kung dapat ba akong pumunta o isawalang-bahala ulit ang imbitasyon niya, just like what I've been doing these past few years.

'Yeah. And your mother will probably kill you if you go.'

"Jude? Nandiyan ka pa ba?"

Napabuntong-hininga ako. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa kalawakang nasa harapan ko. Pinanood kong dumaan ang isang bulalakaw, kasabay ng pagpapalusot ko. "Lo, may lakad pa kasi ako mamaya. Birthday ng kapatid ni Erolle kaya plano naming dumiretso sa bahay nila pagkatapos ng klase. Maybe next time, okay?"

'Good job for making another lame excuse, Dmitri.'

Namayani ang katahimikan sa kabilang linya. Lumipas ang ilang minuto pero hindi ko pa rin naririnig ang boses ni lolo. Damn. Don't tell me my communicator broke again? Akmang tatanggalin ko na sana ito sa tainga ko para tingnan nang biglang nagsalita ang matandang imbentor. Noong mga sandaling 'yon, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil hindi naman pala sira ang EM communicator o ma-guilty dahil sa sunod niyang sinabi...

"It's fine, Jude. Hindi mo na kailangang magsinungaling sa'kin. Matanda na ako pero hindi ulyanin..."

"Po?"

"Alam ko namang hindi ka pupunta sa birthday ng kapatid ni Erolle mamaya. You've ready used that excuse on me for five times this year. Sa pagkakaalala ko, iisa lang ang kapatid niya. Pwera na lang siguro kung limang beses siyang nagbi-birthday sa isang taon? Hahaha!"

Napanganga ako sa sinabi ni lolo. I was damn speechless. What in the name of asteroids? Bakit ba hindi ko naalala 'yon?!

'Good job for making another lame AND overused excuse, Dmitri.'

Faex.

"Lo, kasi---!"

"You don't need to say sorry, Jude. Just promise me you'll visit one of these days. Ilang taon niyo na rin akong hindi nadadalaw rito."

I felt the guilt slowly clawing at my chest. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Kaya nang tuluyan nang pinatay ni lolo ang linya, huminga ako nang malalim at tinanggal sa tainga ang EM communicator ko. Kahit kailan talaga, hindi ako magaling sa anumang bagay na may kinalaman sa pamilya. I can't even be a good grandson! Tsk.

Tumitig na lang ako sa kalangitan para panandaliang makalimutan ang reyalidad ko. There's always something magical about stargazing that puts your soul at ease. In my case, knowing that there's an infinite universe in front of me makes my problems seem so insignificant. Tuwing titingin ako sa kalangitang napapalamutian ng mga bituin, pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. After all, we are all just a speck in this galaxy.

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon