TRIGINTA TRES

123 28 8
                                    

The Elders...were robots?

Damn technology.

"NESRIN, LOOK OUT!"

Namalayan na lang ng dalaga na hinila na siya papalayo ni Dmitri nang umatake sa kanya ang isang panauhin. Nesrin Cavanaugh was just a few centimeters away from being blasted by a plasma cannon.

Her eyes widened when the wall behind her crumbled to bits. Umalingawngaw sa paligid ang pagkawasak nito. Napalunok na lang siya sa pagkabigla. Nahihirapan pa ring iproseso ng kanyang isipan ang mga nangyayari ngayon.

'Sino ba talaga ang mga taong ito?'

"Faex. Masyado silang marami!" Narinig niyang sabi ni Dmitri habang nakamasid sa mga kalalakihang nakasuot ng kakaibang mga damit. Their cloaks revealed a high-tech set of weaponry and a foreign sense of danger. Pinapangunahan sila ni General Althon. Sa kabila ng kalmado nitong ekspresyon, naroon ang awtoridad at nagbabadyang panganib sa kanyang mga mata.

"How inconvenient. The mayor will surely be displeased," mahinang sabi nito bago tumango sa kanyang mga kasama.

Dahil dito, tuluyan nang sumiklab ang gulo sa ceremonial house.

Hindi makapaniwalang pinanood ni Nesrin ang mga sumunod na pangyayari. Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang natuod sa kanyang kinatatayuan habang unti-unting nabibingi sa ingay ng mga residenteng nag-uunahan sa pag-alis. Sa kanilang pagmamadali, hindi na nila pinansin ang mga puting rosas na nahulog sa sahig.

Mga bulaklak na tuluyan nang tinapakan.

'Bakit nangyayari ito sa Oblitus? N-No...this must be a nightmare.'

All around her, the sacred displays were being knocked over, crashing to the floor as if nothing more than mere trash. Panic mixed with the strong smell of incense and fresh flowers that were harvested earlier that week. And when she averted her eyes to the "bodies" of the Elders, she realized this wasn't a nightmare...

This was real.

Terrifying and real.

"Nesrin!"

Napabalik na lang sa kasalukuyan ang dalaga nang tawagin siya ni Dmitri. Doon niya napansing nakikipagbuno na pala sila ni Gabrio sa mga gwardiya ng Orionid Task Force. Sa kabilang dako naman, nakita niyang pilit ina-assist ni Celsius ang mga naiwang residente. Ang mga residenteng hindi makakilos sa pagkabigla at takot. It didn't surprise her. Her brother always had that sense of "leadership" in him.

Huminga siya nang malalim.

'Yup, this is the worst birthday ever.'

Inis na kinuha ni Nesrin ang isang patalim na naiwan sa sahig at ginamit ito para tapyasin ang laylayan ng mamahaling damit. She ripped off the traditional fabric, just a little above her knees. This will make it easier for her to move. Kung katulad siguro siya ng ibang mga babae, baka pinanghinayangan pa niya ito.

"I'm glad I'm not the girly type, though."

Maya-maya, mabilis niyang sinalag ang atake ng isang gwardiyang sumulpot sa kanyang gilid. She twisted his arm, making him drop the stun gun. Maliksing inilagan ni Nesrin ang pag-atake ng isa pang plasma cannon sa direksyon niya at binato ang punyal sa gwardiya. The man screamed in pain when it buried into his shoulder, making him distracted.

"Nesrin, kailangan na nating umalis dito!"

Hinihingal na sabi ni Dmitri nang lapitan siya nito. Agad na napansin ng dalaga ang dumudugo nitong braso. His skin became discolored and pale.

"D-Dmitri, 'yong sugat mo!"

"I'm fine. We need to escape!"

Hindi na nakipagtalo pa si Nesrin nang hinawakan siya nito sa braso at kinaladkad papalayo. Hinarang nina Gabrio at Celsius ang  mga nagtangkang sumunod sa kanila.

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon