UNDESEXAGINTA

76 25 6
                                    

"Aray! Dahan-dahan naman! Hindi kayo nakakatuwa. Hmph!" 

Nesrin's voice echoed throughout the dull hallway of the Orionid Task Force's underground base. Base sa karatulang nakasulat kanina sa may pinto, ito ang pinaka-"correctional facility" nila para sa mga kriminal. I almost laughed at that thought.

Since when did "wanting to save people" became a crime?

This is bullshit.

"THIS IS INJUSTICE! Ayon sa 2067 New Eastwood Citizen Protection Law, hindi niyo pwedeng dalhin sa alinmang correctional facility ang isang residente hangga't wala kayong matibay na ebidensiya laban sa kanya!" Devika snapped, trying to break free from the cuffs.

Napailing na lang ang kanyang escort at walang-ganang sumagot, "Sa mga pagkakataong kagaya nito, wala nang kwenta ang mga batas." Iyon ang mga salitang sinabi niya bago sunod na itinulak papasok sa isang selda ang dalaga.

Behind me, I can hear my father struggling, too. Kanina pa siya dumadaing sa sugat niya sa tagiliran. Paika-ika tuloy siyang maglakad. As much as the guards escorting him wanted to complain, hindi nila ito magawa dahil kanina pa nakabantay sina General Althon sa likod. Naalala ko na naman ang nangyaring "panggugulo" daw ng mga gwardiya sa apartment namin.

I frowned and eyed the woman who walked a few feet away from us.

"Was it just an act?"

Mula sa pakikipag-usap sa mayor sa kanyang EM communicator, lumingon sa direksyon ko si mama at tipid na ngumiti.

"That was a back-up plan. Kung sakali mang mabigo na naman ang heneral sa paghuli sa inyo, magagawa namin kayong i-track gamit ang alaga mo. I know you'll be forced to rescue me if I called for an emergency, kaya pinakawalan namin si Galileo malapit apartment complex. That way, we'll still be able to monitor your exact location." Kalmadong sabi ni mama.

Well, that explains why we weren't attacked in the command center. Dahil kasama na namin si Galileo, kampante na silang hindi kami makakatakas.

Sa likod namin, umismid naman si papa. "You never changed, Amaris. Hanggang ngayon, ginagawa mo pa ring libangan ang pagmamanipula sa mga taong nasa paligid mo."

My mother smirked at him, "At ginagawa mo pa ring libangan ang pagtatago sa mga problema, David. Alam mong kahit kailan, hindi ako sumang-ayon sa mga mga paniniwala ninyo ni Sir Nicholas. Where does that compassion take you? Nowhere."

"It took me to you, Amaris... and now I'm starting to regret it." Malungkot na sabi ni David Lexington sa kanyang asawa.

I saw a glimpse of pain in my mother's eyes, but she quickly glanced away and acted like it didn't matter.

'Sinong mag-aakalang ganitong klase ng family reunion ang mararanasan namin?'

Gusto kong matawa. How fucking ironic to think that for nineteen years, I believed that in some point in my life, we had a happy family. Mukhang pati 'yon, sinira na naman ng kasinungalingan. Paano nga kaya naging mag-asawa sina Amaris James at David Lexington? No. I'll just pretend they just fell out love. Gusto ko na lang isipin na, kahit papaano, minahal naman nila noon ang isa't isa.

Dahil kung hindi, ang ibig sabihin lang nito ay pati ako bunga ng kasinungalingan at pagmamanipula.

Do they even regret I exist?

"The mayor's orders are to lock you here until the teleportation is over. Si General Althon mismo ang magbabantay sa inyo."

Napapailing na lang ako sa mga nangyayari ngayon. Ibang-iba ang Amaris James-Lexington na ito sa kinilala kong nanay nitong huling labing-siyam na taon. She was more composed. Her intelligence reflected in her hazel eyes. Bakit ba nakakalimutan kong nagmula rin sa lahi naming mga James si mama?

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon