TRIGINTA SEPTEM

126 26 6
                                    

"WOW! This is amazing!"

Manghang pinagmasdan ni Nesrin ang tanawin sa ibaba.

Her brown eyes widened in happiness as she watched the clouds partially blocking the landscape below them. Naaninag niya ang tuktok ng mga "apartment building" (Dmitri explained what they were a few moments ago) at mga gusaling yari sa salamin at pinakintab na metal. The sunlight danced on their surfaces, making them look like gem stones.

It felt surreal and mesmerizing at the same time.

Sa mga sandaling ito, pakiramdam niya ay isa siyang ibong lumilipad sa mapayapang kalangitan, malaya sa anumang problema.

'Kahit pa kabaligtaran nito ang sitwasyon ngayon,' isip-isip niya bago bahagyang umusog papalayo sa bintana ng sasakyan. Wala naman talaga siyang "fear of heights", pero mabuti na ring mag-ingat. Again, Nesrin had to remind herself that she's in a different place---far more different than the village of Oblitus.

"I always thought New Eastwood is a pretty place, too."

Nilingon ni Nesrin ang direksyon ni Devika. She was sitting on the passenger's seat, her eyes fixated on the view she was staring at a while ago. Pero may malungkot na ngiti sa mga labi ni Devika nang bumaling sa kanya, "Pero noong na-realize kong may 'kulang' sa ganda nito, doon na ako nagsimulang magduda. I started questioning everything... but, sadly, history books can't give me all the answers."

Kumunot ang noo ni Nesrin. Her curiosity was getting the best of her again, "Anong kulang?"

"Kalikasan," mahinang sagot ni Devika at napabuntong-hininga. "Kung hindi mo napapansin, artipisyal lang ang mga puno at halaman dito sa New Eastwood."

"R-Really? Pati 'yong damo kanina?"

Devika nodded.

That made her froze.

Ang lahat ng 'yon ay...hindi totoo?

Sinubukang tingnan ni Nesrin ang sinasabi ni Devika, pero masyado silang malayo sa lupa. She can't see anything from up here. Pero ngayong nabanggit na nga ito ni Devika, noon lang napansin ni Nesrin na kung hindi sementado, yari naman sa plastic o metal ang lupang kinatitirikan ng mga gusali.

Napasimangot na lang si Nesrin at mabilis na binalingan si Dmitri.

"Can I ask a question?"

He smirked, "Sure."

Nesrin cleared her throat before blurting out everything on her head...

"Paano kayo nabubuhay nang walang mga puno o halaman? At paano naman kayo nakagawa ng artipisyal na damo? Bakit kulay violet? Bakit nagsayang pa ng pera ang pinuno ninyo para lang gumagawa ng mga artipisyal na mga puno at halaman kung wala naman pala talaga itong pakinabang sa inyo?"

Tumahimik sa loob ng kotse.

Yes, after their introductions earlier, napagdesisyunan nilang bumalik sa bahay nina Dmitri para makapagpahinga muna. Thankfully, Erolle brought an "Aero car" so they can travel faster. Bukod sa kailangang kamustahin ni Dmitri ang nag-aalala niyang nanay, mas delikado kung mananatili sila sa isang open area. Lalo na ngayong naglilibot ang mga gwardiya ng Orionid Task Force. Bigla na namang kinabahan si Nesrin nang maalala ang naudlot niyang "kasal".

She doesn't know what General Althon might do to her if they spotted her here, pero wala na rin siyang balak alamin pa.

Anyway, after a few moments of silence, bigla na lang humagalpak nang tawa ang driver.

"HAHAHAHAHA! Well, that's a lot of questions, miss! Sana mabigyang kasagutan lahat ng 'yan. Ako ba, kailan mo sasagutin?" Erolle winked at her from the rearview mirror.

Nesrin just blinked at him in confusion.

Dmitri glared at him.

Devika rolled her eyes. "Mag-drive ka na lang diyan, Pascua."

"Yes, misis! HAHAHAHA!"

'They're actually kinda cute,' isip-isip ni Nesrin bago muling itinuon ang atensyon sa katabi. Nasa pagitan nila ang natutulog na si Galileo, mukhang napagod rin sa biyahe. Mabuti na lang at na-track sila nina Erolle at Devika gamit ang Oxygenator ni Dmitri. Iyon rin ang dahilan kung paano sila nahanap ng mga ito.

Soon, Dmitri smiled apologetically at her, "Err.. Where should I start? Hahaha! Medyo mahirap kasing ipaliwanag ang sitwasyon ng New Eastwood." Napahawak na lang sa kanyang batok ang binata.

"I'm listening."

Napabuntong-hininga na lang si Dmitri.

"Well, almost everything in New Eastwood is either artificially made or controlled by the government. For example, naka-enclose sa isang malaking dome ang bayan, at ang dome na ito ang ginagamit ng city hall para i-regulate sa weather patterns at sunlight."

Nanlaki ang mga mata ni Nesrin sa narinig. "I-Ibig sabihin, peke lang din 'yong langit dito?"

"Not really," he stared out the window. "Totoo ang kalangitan. Isang barrier lang ang ginawa ng gobyerno. It's like a transparent bowl that traps the town. Ayon sa pinag-aralan namin, bukod sa naire-regulate nito ang panahon at sikat ng araw, ginawa ang barrier para siguraduhing walang Aero cars o mga taong askidenteng lilipad papunta sa kalawakan. It keeps us in. It...keeps us safe."

Hindi nakaligtas sa pandinig ng dalaga ang pag-aalinlangan sa boses nito. But Dmitri immediately regained his composure and sadly added, "Nakakahinga kami dahil may hangin na talaga sa loob ng 'bowl' na ito. We can breathe free oxygen---until we're 14 years old. Dahil sa 15th birthday namin, kailangan na naming bayaran ang hanging hinihinga namin. On our 15th birthday, the law requires us to wear Oxygenators. Kung gusto pa naming mabuhay nang matagal, kailangan namin itong i-recharge gamit ang tinatawag naming 'oxygen bars'. Kapag naubos ang oxygen bars namin, ubos na rin ang oras namin sa mundo. If we run out of oxygen bars, the Oxygenator will trigger a large voltage of electricity that will, eventually, kill us..."

Sandaling natahimik si Nesrin sa kanyang narinig. Wala sa sarili niyang sinulyapan ang Oxygenators sa leeg nina Erolle at Devika.

"Paano ang mahihirap?"

Nag-iwas ng tingin si Devika. "They die. Kaya hindi na bago ang makakita ng mga bangkay sa lansangan... Ang ilan sa kanila, namamatay na lang on the spot. Lalo na ngayong tinaasan na nila ang presyo ng oxygen bars."

"T-That's just unfair!"

"I know. But we can't do anything about it, unless we solve this mystery."

Well, at least that explains why Nesrin can still breathe here in New Eastwood. Hangga't wala siyang suot na Oxygenator, malaya siyang makakahinga. Gustuhin man niyang imungkahi na tanggalin na lang nila ang Oxygenators sa leeg nila, alam ni Nesrin na hindi magiging madali 'yon.

Ang tanging nakakaalam kung paano tanggalin ang Oxygenators ay sina Tatay David at Gabrio.

Nang mapansin ni Dmitri ang pananahimik ni Nesrin, agad niyang iniba ang usapan. "About the violet grass, it was probably made in a factory. Hahaha! I think it was just the mayor's attempt to make New Eastwood look 'normal'."

"At favorite color niya siguro ang violet!" Biglang sabat ni Erolle habang nagmamaneho. He turned to the driver's seat and grinned cheekily.

They all paled.

"DAMN IT, EROLLE! TUMINGIN KA SA NILILIPARAN MO!"

Sigaw ni Dmitri nang kamuntikan na nilang mabangga ang isang estudyanteng lumilipad. Just in time, Erolle grabbed the stirring wheel and avoided the kid.

Nakahinga sila nang maluwag.

Maya-maya pa, sinamaan ng tingin nina Dmitri at Devika si Erolle na ninenerbyos na natawa.

"H-Hehehe! Oops...?"

Sa kabila ng mga problemang ikinakaharap nila ngayon, Nesrin was silently thankful to be here.

'Sana lang ay hindi pa huli ang lahat para sa New Eastwood at sa Oblitus.'

_________________________

When the rain falls down
When it all turns around
When the light goes out,
this isn't the end

---"This Isn't the End," Owl City

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon