This chapter is dedicated to:
@Glaiza Araquel Senerio✴️
"Tatanggalin mo ang mga kamay mo sa kapatid ko o tatanggalan kita ng mga kamay?"
Nang maramdaman ko ang matalim na tingin ng kung sinumang nagsalita, agad akong kumalas ng yakap sa dalaga. Sabay kaming lumingon sa direksyon ng lalaking walang-ganang nakatingin sa'min. The lively colors of the flowers did nothing to make him look less intimidating. I have to admit, I was a bit unnerved.
'So, this is her brother? Faex.'
Kung hindi lang siguro ako nag-iisip ng mga posibleng idahilan kung bakit niya kami naabutang magkayakap, baka mamangha rin ako sa katotohanang may iba pang taong nabubuhay sa planetang ito. Damn. I wish I took my audio notepad with me to record these findings. Paniguradong magugulat ang mga researchers ng New Eastwood city hall kapag nalaman nila ang nadiskubre ko!
Err... Kung makakabalik pa ako.
The weight of my situation dawned upon me. Hindi ko pa pala natitingnan kung ano ang sira ng space capsule! Sa lakas ng naging impact kanina, alam kong naapektuhan ang ilang bahagi nito.
Pero nabaling rin ang atensyon ko nang nilapitan ako 'nong lalaki.
"It's not polite to ignore people when they're talking to you. Nakalimutan bang ituro sa'yo ang mabuting-asal sa planetang pinanggalingan mo?"
The man glared down at me. A silent warning and an icy cold attitude. Huminga ako nang malalim. 'Stay cool, Dmitri.'
Maya-maya pa, kalmado akong tumayo at matapang na sinalubong ang masama niyang tingin. Earth inhabitant or not, wala akong planong magpakita ng kahinaan. For eleven years, I've already mastered the art of that "I don't give a shit" persona.
"Well, it's not polite to be threatening to cut off my hands just because I was hugging your sister. Mukhang pareho lang tayong masama ang ugali."
We had a little glaring contest before the strange girl came in between. Mabilis siyang pumagitna sa'min, at sinimangutan ang kanyang kapatid. "Celsius, tama na nga 'yan. Ang aga-aga, nakabusangot ka na naman. Seriously! Does it hurt to show some hospitality?"
"'Hospitality' pala ang tawag sa pagkikipaglampungan sa damuhan? Geez. Hindi ko alam na ibang dictionary pala ang nabasa ko."
"CELSIUS!"
Kung tama ang hinala ko, mas bata siya kaysa rito. He's probably her older brother, that explains his shitty attitude. Huminga ako nang malalim. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, partikular na sa damong tinatapakan ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may berde talagang damo!
'Devika was right all along.'
Naaalala kong bigla ang mga taong naiwanan ko sa New Eastwood. Damn. Paniguradong mag-aalala si mama sa'kin. I haven't even told her about the distress signal or that my father is still alive, yet. Naging mabilis ang mga pangyayari, kaya hindi na rin ako nakapagpaalam. Aside from that, Erolle and Devika will surely get mad at me for doing this. Kung nandito lang sila, siguradong sesermonan na nila ako dahil sa pagtulak ko sa kanila papalayo kahapon, at sa padalus-dalos kong mga desisyon.
"...ilang beses ko bang kailangang ipaalala sa'yo na delikado na ang panahon ngayon? Shit. Why must you be so stubborn, Nesrin?!"
Nesrin.
'Nesrin is her name, huh?' Kung tama ang pagkakaalala ko, "Nesrin" is a Turkish name given to those of Persian origin. It means "wild rose" or "sweetbrier". A natural beauty.
It suits her.
"Anak siya ni Tatay David! Celsius, I know you wouldn't believe me, but he came from another planet!"
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Fiksi Ilmiah"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...