VIGINTI TRES

146 26 0
                                    

This chapter is dedicated to:
@Daf Kreeper Lin Writes

✴️

"Quack! Quack!"

Nakasimangot kong binalingan si Galileo na nakaupo sa tabi ko. We were sitting on the soft (and green!) grass in the yard. Kanina pa lumubog ang araw at kanina pa naiinip ang kasama ko. I really can't blame him, though.

"Bakit kaya ang tagal ni Nesrin?"

"QUACK!"

I wonder what's keeping her so long? Hindi kaya nagalit si Celsius dahil anong oras na kami nakauwi? Faex.

Bakit ba parang sunud-sunod ang mga problemang dumarating sa'min?

Huminga ako nang malalim at tumingin sa madilim na kalangitan. Hindi ko alam kung may scientific explanation ba ito, but the star-filled sky looks even more mesmerizing here on Earth. A dark canvas painted with a thousand diamonds, blinking simultaneously in this endless space.

Habang nakatingin ako sa kalawakan, hindi ko maiwasang isipin ang mga posibilidad.

Do you believe that there are different realities out there?

I know. It's a bit crazy, isn't it? Pero minsan, hindi ko maiwasang isipin na baka sa ibang bersyon ng buhay, iba ang nangyayari sa'kin ngayon. Maybe, in another reality, I'm still stuck in New Eastwood. None of this would've happened. Baka sa reyalidad na 'yon, hindi ko napagana ang imbensyon ni lolo. Baka sa reyalidad na 'yon, hindi ko kinailangang bumalik sa bahay niya dahil lang sa naubusan ng gas ang Aero boots ko.

Baka, sa reyalidad na 'yon, hindi kami iniwan ni papa.

None of this would've happened...

If things turned out differently, Galileo and I wouldn't even be here.

Pagak akong natawa, "Hahaha! Well, maybe fate really loves playing games with me."

Tumayo na ako sa damuhan at pinagpag ang narumihan kong pantalon. Baka magalit pa sa'kin ang naglalakad na bato (a.k.a. Celsius Cavanaugh) kapag nadisgrasya pa ang hiniram kong damit. Binalingan ko ang patong agad ring sumunod sa'kin. "Come on, buddy. Baka kailangan na ni Nesrin ang tulong natin."

"Quack!"

Upon hearing her name, nauna pang maglakad sa'kin ang pato ko. Tsk! For some reason, he really likes her.

Pero hindi pa man kami nakakalapit sa pinto, natigilan kami ni Galileo nang bigla na lang itong bumukas. Bumungad sa'min ang dalagang may alanganing ngiti sa mga labi. She avoid eye contact and spoke, "N-Nasabi ko na kay Celsius ang tungkol sa nahanap nating rectus corpse. Bukas na lang niya kakausapin ang Elders tungkol dito, k-kasabay ng pagpunta namin sa council house."

Naiintindihan kong nakakaalarma nga namang makakita ng bangkay, pero bakit ganito ang kilos niya? It's like all those cheeky smiles and bubbly remarks were drained from her. Nakakapagtaka.

"Nesrin, ayos ka lang?"

Tungkol ba ito sa usapan namin kanina? Is she still mad at me for not being able to stay?

Napabuntong-hininga naman siya at pinilit ngumiti. "Y-Yeah! Hahahaha! Okay lang ako. Medyo napagod lang. Don't worry!"

Silence.

"Quack?"

See? Even Galileo wasn't convinced! Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan. May hindi siya sinasabi sa'min. Faex! May dumagdag na naman bang problema? May balita na kaya siya kay papa?

"Nesrin, did something happen?"

Lalapitan ko na sana siya nang biglang sumulpot ang isang anino. Sa bungad ng pinto, walang emosyong nakatayo roon si Celsius habang nakahalukipkip. Sa kabila ng normal niyang ekspresyon, his eyes told a different story. At noong mga oras na 'yon, alam kong may alam rin siya sa nangyayari kay Nesrin.

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon