New Eastwood wasn't a peaceful place to begin with...
Unfortunately, he's the mayor.
Walang imik lang na nakatanaw ang tinaguriang pinuno ng bayan sa tanawing ipinapakita sa kanya ng mga monitors. The large LCD screens were carefully aligned against the granite walls, like a thousand motion pictures decorating his office. Sa pamamagitan ng mga ito, malaya niyang nakikita ang mga kaganapan sa lansangan.
'Another one dropped dead,' he thought as he saw the downfall of another resident.
Mula sa CCTV camera, kitang-kita ang pagbagsak ng isang lalaking kasa-kasama pa ang maliit na anak. The child started crying upon seeing her dead father. Kasabay ng paglagapak ng bangkay nito ay ang pagkahulog ng kanyang credit card---ang pambili niya sana ng oxygen bars.
"Hindi na siya nakaabot."
Walang emosyong bulong ng mayor habang nakatitig sa partikular na screen.
Ilang sandali pa, agad na rumesponde ang mga gwardiyang naka-station sa malapit. Hinila nila papalayo ang bata, papalayo sa sinapit na kapalaran ng kanyang ama. The mayor knew that the dispatch team will soon fetch the corpse of the dead man. His daughter will probably be under the custody of her mother...
Iyon ay kung buhay pa ang kanyang ina.
Sa mga susunod pang mga araw, inaasahan nilang dadami pa ang ganitong mga kaso.
Unti-unting mauubos ang populasyon ng New Eastwood, lalo na't tumaas ang presyo ng oxygen bars sa Fort Cassare.
The Oxygenators will kill almost everyone in this place.
Wala sa sariling napahawak ang mayor sa Oxygenator na nasa kanyang leeg. Naalala niyang muli ang nai-report sa kanya kanina ni General Althon.
"Hindi mo alam kung anong ginagawa mo, David Lexington. You're going to kill us, and I won't let you..."
Nakakatawa.
Hindi alam ng mga residenteng nakikita niya ngayon sa mga monitors kung gaano kabigat ang hamong kinakaharap nila. Sa patuloy na pagkasira at pag-"leak" ng enerhiyang nagmumula sa Pipes, maaapektuhan ang energy supply na nagbibigay ng oxygen bars---ang energy supply na nagpapagana sa mga Oxygenators nila.
They can't do anything.
Dahil kahit na bumaba ang supply, mapipilitan ang gobyerno na taasan ang presyo para matustusan ang pondong kakailanganin nila sa kanilang bagong proyekto.
Sa patuloy na pagkasira ng mga Pipes dahil sa pagrerebelde ni David, tuluyan nang malalagay sa panganib ang buong New Eastwood.
Nakakasakal.
'Mukhang totoo nga ang babalang ibinigay sa'min ni Sir Nicholas tungkol sa'yo noon, David Lexington... Wala kang ipinagkaiba sa tatay mo.'
Ah, yes. Who could ever forget the late Dr. Furlan Lexington, ang scientist kumakalaban noon sa gobyerno ng New Eastwood?
A few years ago, Dr. Furlan was labelled as "the rebel".
Hindi na nakakapagtakang namana ito ng kanyang anak na si David.
The apple never falls too far from the tree.
"We're trying to save New Eastwood, but you're trying to destroy it. Hindi mo alam kung anong ginagawa mo, David...hindi mo alam na limitado na lang ang oras na mayroon ang bayang ito."
Huminga nang malalim ang mayor at sinulyapan ang mga dokumentong nakapatong sa kanyang mesa. Ang orihinal na kopya ng mga dokumentong ipinakalap nila noon mula sa Bibliotheca de Eastwood.
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...