This chapter is dedicated to:
@Christine Fiel_________________________
Village of Oblitus
June 4, 2134✴️
When the first ray of sunshine caught the crystal, the light reflected on Nesrin's vibrant and curious eyes.
Pinagmasdan lang ng dalagang kuminang sa liwanag ang diyamante habang nakasalimbitin sa kupas nitong tali. Nakatapat ito sa bintanang inilalahad ang magandang tanawin ng kanilang pamayanan. Kani-kanina lang, habang naghahanap ng suklay (na bihira lang niyang gamitin), nakita niya ulit ang kwintas sa pinakasulok ng kanyang lumang kabinet. It was wrapped in a faded yellow handkerchief, just like how she remembered it.
Sa huli, hindi na siya nakakuha ng suklay.
Now, the necklace dangled in front of her, slender fingers keeping it from falling.
"Hay! Kung wala lang sigurong sentimenal value 'to, baka matagal ko na itong ibinenta."
Pero katulad kanyang paboritong sling bag, hindi niya ito pwedeng pakawalan nang basta-basta. Napasimangot si Nesrin at tinitigang maigi ang mamahaling bato.
Unlike other diamonds, this one had a strange glow to it. Mas makinang ito kumpara sa iba, kaya minsan, naaalala ni Nesrin ang mga bituin sa kalangitan tuwing titingnan niya ito. She loves it how this small diamond necklace reminds her of the stars, but she also hates it when it reminds her of something else...
"I won't be surprised if that necklace abandons you someday. Malapit na nga siyang amagin sa kabinet mo."
Lumingon siya sa direksyon ng pinto at nakita roon si Celsius. He was leaning against the doorframe, with a feather duster in hand. Seryoso lang itong nakatingin sa kanya.
'Kailan ba siya hindi nagseryoso? Kahit nga yata magunaw ang mundo, naka-poker face pa rin ang baliw na 'to eh!'
Nagkibit ng balikat ang dalaga at pinilit ngumiti, "Aray naman. Hahahaha! Sa pagkakaalam ko, hindi naman inaamag ang mga diyamante. Stop overreacting, Celsius. Smile ka nga! Umagang-umaga, pero para kang pupunta ng lamay."
"I'm cleaning your room. Parang lamay na rin 'yon kung tutuusin," his gunmetal blue eyes darted towards the dirty shelves. Napabuntong-hininga ang binata. "Lalamayan ko ang namatay mong kasipagan."
Mahinang natawa ang dalaga at napakamot na lang sa kanyang ulo. Alam niyang sesermonan na naman siya mamaya ng kanyang kapatid tungkol sa katamaran niyang gumawa ng gawaing-bahay. 'He's worse than our mother!' She sighed and glanced at the diamond necklace one last time, before shoving it into her bag.
Tatayo na sana siya para tulungan si Celsius nang pumunit ang isang nakagigimbal na sigaw sa katahimikan.
"AAAAAAAAAAHHH!"
Nesrin's eyes widened when she heard that voice. ' Damn! Nangyari na naman ba?!' Biglang naglaho ang anumang sayang nararamdaman niya. Mabilis itong napalitan ng takot at pagkabahala. Agad siyang tumakbo palabas, hindi na siya napigilan pa ng kanyang kapatid.
"NESRIN!"
When did she ever listen to her brother?
'Nah. Alam naman ni Celsius na hindi niya ako kayang pigilan,' isip-isip niya habang dumaraan sa mga kabahayan. Sa pagkakataong ito, hindi na siya binati pa ng mga residente. Kapansin-pansin ang kakaiba nilang ikinikilos.
Narinig rin nila.
Now, all of them were too busy being afraid of a mystery.
The tension grew thick with evey passing second as she ran faster to the source of the scream. Malakas ang kabog sa dibdib ng dalaga habang pilit isinasantabi ang nakababahalang mga imahe sa kanyang isipan. Mga imaheng sinusundan siya hanggang sa kanyang mga bangungot.
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...