TRIGINTA UNUM

136 28 10
                                    

Village of Oblitus
June 10, 2134

✴️

"Wag kang malikot, Nes! Ang hirap-hirap kayang ikabit ng headdress mo."

Irish swatted her hand away when she was about to scratch her head again. Nesrin wanted to groan in protest or run out of the door---or do both. 'Kung pwede lang sana,' isip-isip ng dalaga bago bumuntong-hininga. Wala sa sariling pinagmasdan niya ang kanyang repleksyon sa salamin. Kanina niya pa sinusubukang kumbinsihin ang sarili niya na siya ang babaeng naroon.

Even when the Nesrin the the mirror doesn't look anything like her.

"Wag mo masyadong ikunot ang noo mo, Nesrin! Baka masira pa ang kolorete mo." Pagsuway naman sa kanya ni Eva habang pilit inaayos ang paglalagay ng disensyo sa kanyang kaliwang pisngi. Eva Contem swiftly worked with a brush and painted white swirls under her eyes.

"I-Is this really necessary? Nagmumukha na akong manika eh!"

Eva laughed and tapped her nose with the hilt of the brush before dipping it into the wooden container again. "That's the point, dear! Kailangan mong maging maganda kapag haharap ka sa mapapangasawa mo. Para mahalin ka niya!"

Nesrin really doesn't get the logic in that. Paano kung hindi siya maganda? Hindi na ba siya karapat-dapat mahalin?

"ARAY!"

"Ay! Sorry, Nes. Nahigpitan ko yata." Mula sa salamin, nakita pa ni Nesrin ang pag-"peace sign" sa kanya ni Nurfaiza. She's one of the dress designers at Tycho boutique---Irish's favorite place. Pero sa kabila nito, hindi pa rin maunawaan ni Nesrin kung bakit masikip ang suot niyang damit.

"Umm... Nagkamali yata kayo ng sukat sa'kin?" Tanong ni Nesrin kanina rito.

But Nurfaiza Abdubaki just waved her off. "Naku, ganyan talaga ang traditional wedding dresses ngayon, Nes! Mas magiging maganda ka tingnan dahil makikita ang mga kurba mo! Hahaha!"

'Ano ba talaga ang pamatayan ng mundo sa ganda? Tsk! And all this time, I thought I was the weird one.'

Nang mapansin ni Irish ang nakasimangot na mukha ng kanyang kaibigan, she momentarily stopped adjusting her headdress and smiled. "Time really flies, huh? Alam mo, dati talaga akala ko hindi ka na mag-aasawa. Akala ko mas pipiliin mong tumandang dalaga kaysa magpakasal. Hahaha!"

"I really don't have much of a choice, Irish. Kung hindi lang dahil sa kaligtasan namin ni Celsius o sa kapakanan ng Oblitus, you know I would never agree to this."

Natigil sa pagtawa si Irish. Napalitan ng lungkot ang kanyang ekspresyon. Of course she knows this. She's been Nesrin's bestfriend for years. "Pero kilala rin kita, Nes. Kung ayaw mo talaga, hindi mo ito gagawin. If you really don't want this marriage, I know you wouldn't care about safety or the entire village. You're stubborn and reckless... So, what happened to you?"

Umalingawngaw sa katahimikan ng maliit na silid ang tanong ni Irish.

Agad na nag-iwas ng tingin si Nesrin at pinaglaruan ang mga gintong pulseras na ipinasuot sa kanya kanina. Suddenly, the red satin fabric with golden embroidery looked even less appealing to her.

Ano nga ba ang nangyari sa kanya?

Nawala ang kanyang sigla. That rebellious part inside of her was slowly fading away, like a candle struggling to keep its flame.

Alam niya kung ano ang dahilan. Pilit man niyang isinasantabi, bumabalik lang sa isip niya ang ipinakitang dokumento ng Elders. The poison, the rectus corpses, and the unknown intentions...everything led to David Lexington and his son, Dmitri Lexington. Sa lahat ng mga nangyayari ngayon, nahihirapan na ring unawain ni Nesrin ang sitwasyon.

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon