This chapter is dedicated to:
iamtrixxx_________________________
New Eastwood
June 6, 2134✴️
It was a simple task.
A simple task, yet the mayor of New Eastwood just had to send him an email earlier this morning and successfully disturb him on a (rare) day-off.
'Pero kapag ang mayor na mismo ang nagsalita, walang sinumang makakapalag,' huminga nang malalim si General Althon Agoncillo at itinuon ang atensyon sa ibinigay na assignment sa kanya ngayong araw. The sooner he finishes this, the sooner he can try to enjoy the rest of the day.
Nang marating na niya ang Invio district, sumalubong sa heneral ang kaliwa't kanang mga mga kalat at bandalismo sa mga lumang research laboratories. Maaaninag sa kalangitan ang kulay itim na usok na nagmumula sa ilang pagawaan. Sa mga ganitong pagkakakataon, lihim siyang nagpapasalamat na nasanay siya sa matatapang na amoy ng mga kemikal.
"I guess spending most of my time inside the city hall really paid off," he mused and started his journey.
Tulad ng kanyang inaasahan, magiging agaw-atensyon siya sa kanyang makintab na unipormeng yari sa pinaka-advanced technology na "off-limits" sa merkado ng Fort Cassare. It was crafted from the finest light-weight bulletproof fabric, a uniform that can withstand any possible attacks. Espesyal ang unipormeng ito sa mga piniling tauhan ng mayor, ang Orionid Task Force.
The black uniform, cloak, and five-star badge embroidered on his sleeves made him look even more intimidating.
Kaya nang dumaan siya sa kalyeng nakasulat sa address na ipinadala sa kanya, hindi na siya nagulat nang mabilis na nagtago ang mga residenteng naninihirahan sa malapit. Narinig pa ni General Althon ang pagkandado nila ng kanilang mga pinto at bintana. Nagtakbuhan rin papalayo ang mga batang pulubi.
Hindi sila sanay makita ang isang tulad niyang may mataas na katungkulan sa lugar na kagaya nito.
Finally, he stopped in front of a fancy house.
Nang masiguro ni General Althon na ito ang bahay ng yumaong imbentor, agad niyang sinipat ang seradura at sinubukan itong buksan. Napasimangot na lang ang lalaki nang mapansing naka-lock ito.
'May nagpunta rito?'
Tumalim ang kanyang mga mata. Ayon sa report na ipinadala ng executioners ni Sir Nicholas James, iniwan nilang nakabukas ang bahay nito noong isang araw.
His trained eyes scanned the surroundings until he found something strange on the doorstep. Agad niya itong pinulot, pero lalo lang kumunot ang kanyang noo nang makita ang isang makulay na balahibo.
It was a duck feather.
"From a Mandarin duck."
Alertong kinuha ni General Althon ang patalim sa kanyang bulsa at tinawagan ang kanilang headquarters. He instantly instructed their city technician to hack the computer-operated security system at the James' residence. Wala pang ilang segundo, kusang nagbukas ang pinto. General Althon turned off his EM communicator and walked inside, his heavy boots echoed in the silence.
Nang dumaan siya sa madilim na pasilyo, awtomatikong sumindi ang fluorescent spheres na nakalutang sa paligid.
'Kung pagnanakaw ang motibo, wala na sana ang mga ilaw na ito.'
His years of experience taught him how desperate the thieves of Invio district are. Desprate, yes. Stupid? No. Hindi nila hahayaang mawala ang oportunidad na ibenta ang anumang bagay na may "value" ngayon sa Fort Cassare. Gagawin nila ang lahat para may maipambili ng oxygen bars para sa kanilang Oxygenators.
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science-Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...