PROLOGUS

789 95 22
                                    

New Eastwood
June 25, 2123

✴️

"Auntie? Gusto kong pumunta sa langit."

Hindi ko makakalimutan ang naging reaksyon ng tita ko nang sabihin ko 'yon sa kanya noong 8th birthday ko.

Nakahiga ako noon sa rooftop ng gusaling pinaparentahan nila. She looked down at me, like I was a lunatic. In fact, her confused face blocked my view of the indigo sky! Nakakunot ang noo niya, halatang naguguluhan. Dumako ang mga mata ko sa metal na bagay na nakalagay sa leeg niya. Kuminang ito sa matamlay na liwanag na parang nang-aasar. I wonder why all the adults wear that steel collar? It makes them look like dogs.

Pero natigil rin ako sa pag-iisip nang umalingawngaw ang malakas na pagtawa ng tiyahin ko. Ngayon, ako naman ang naguguluhan. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"HAHAHAHA! Saan mo ba na naman nabagok ang ulo mo, Dmitri? Ang bata mo pa para mamatay!"

May punto naman siya. Masyado nga akong bata noon. Kasi ang mga residente sa New Eastwood, namamatay lang sa pagsapit ng 40th birthday nila. Hindi dahil sa sakit o sa katandaan, kung hindi dahil pinapatay na sila ng gobyerno. Population was a problem, at kapag mas maraming palamunin sa lipunan, mas nahihirapan sa budget ang pamahalaan. That's why they call it the "Execution-40".

Everyone in New Eastwood dies the moment the clock ticks to his or her 40th birthday---unless he or she has one of those fancy Vita Insurance rings, of course.

"Dmitri?"

My aunt has a point, but I think she misunderstood what I said. Hindi naman kasi kamatayan ang nasa isip ko noong mga sandaling iyon.

"Hijo, anong problema?"

I stared past her.

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa malawak na kalangitan. The transparent dome that regulated the sunlight stared back at me. The boundary that separated us from the heavens.

Hindi ito ang unang beses na nangulila ako sa kanya.

I smiled sadly at my aunt. "Auntie, ang ibig ko pong sabihin... I want to go beyond that sky. I want to see the other planets. I want to see some asteroids. I-I want to find my---!"

"Ilang beses ko na ba sinabi sa'yong hindi na siya babalik?"

Napalingon kami ni Auntie Mathilde nang bigla kaming nilapitan ni mama. Nainip siguro siya dahil hindi pa rin kami bumabalik sa loob. Nakasuot pa rin si mama ng apron at magulo ang pagkakapusod ng kanyang buhok. Pero hindi iyon ang nakapagpakaba sa'kin, kung hindi ang matalim niyang mga mata. Anger brewed behind her hazel eyes---eyes that reflected my own.

She's always like this whenever we talk about "him".

"Bumalik ka na sa loob, anak. Kanina ka pa hinihintay ng mga bisita mo."

"Pero---"

"He's never coming back, Dmitri. So stop wasting your life believing that he is!" My mother averted her eyes and clenched her trembling fists, "Mathilde, samahan mo na siya roon. Susunod na lang ako."

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagkabasag ng boses ni mama.

My mother thought I had no idea she was crying behind closed doors every night.

Isang taon na rin pala.

"Ma..."

"Tumigil ka na, Dmitri. Umaasa ka lang sa wala."

Agad kong itinikom ang bibig ko. Alam kong hindi siya makikinig, kahit ano pang idahilan ko. Mrs. Amaris James-Lexington always won the argument, especially on "that" matter. Huminga na lang ako nang malalim at malungkot na tumayo. Pinagpag ko ang narumihan kong damit na binili pa nila sa Fort Cassare noong nakaraang linggo, in hopes of making this day feel "special" for me.

Well, they failed.

Sinulyapan kong muli ang kalmadong kalangitan bago ako tuluyang nagtungo sa hagdan. Sinalubong ako ng malamig na kadiliman. Naramdaman kong nakasunod sa'kin si auntie. Naramdaman ko ring naaawa siya sa'kin.

"Wag mo na lang intindihan ang nanay mo. Alam mo namang apektado pa rin siya sa pagkawala 'niya'." Auntie Mathilde sighed and tried to cheer me up, "Bilisan natin at baka naiinip na 'yong regalo ko sa'yo."

"Regalo?"

Pwede bang mainip ang regalo?

Mahinang natawa si auntie. Kumindat pa siya sa'kin kasabay ng pagbubukas niya ng pinto. "You'll see..."

When she opened the door, the floating fluorescent spheres in the spacious living room almost blinded me. Nang makapag-adjust sa liwanag ang mga mata ko, panandaliang nawala ang lungkot ko nang masilayan ko ang "birthday gift" na sinasabi sa'kin ni auntie.

Indeed, it looked like it was waiting for me.

"Quack!"

The little Mandarin duckling immediately jumped down from the coffee table and wobbled towards me. Para bang alam na niya na ako ang magiging amo niya simula sa araw na ito. Sa gilid ko, malawak na ngumiti si Auntie Mathilde. A motherly look graced her aged face. Dahil wala siyang kakayahang makapagbuntis, hindi na nakapagtatakang itinuring na niya akong sarili niyang anak.

"Nakita ko siya kanina noong namili ako sa Fort Cassare. He was the odd duckling in the batch. Agad kitang naalala. I had a feeling you two will get along. Hahaha! Happy birthday, Dmitri."

"Quack! Quack! Quack!"

"'Happy birthdy' rin daw sabi ng bibe mo. Hahaha!"

I laughed when the duckling climbed up my head. Sumulyap ako sa salaming nakasabit sa pader. Paniguradong magagalit na naman si mama kapag nakita niyang magulo ang buhok ko.

I can't decided whether she just hated messy things, or she just hated the fact that whenever I have messy hair, I look so much like "him".

Like my father.

Bumalik na naman ang lungkot na isang taon ko nang pilit isinasantabi. Sa salamin, nagtama ang mga mata namin ng bibeng ginawa nang pugad ang ulo ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, I knew he can see the pain and misery in my eyes. Noong mga sandaling iyon, alam kong silang dalawa na lang ni auntie ang nakakaunawa sa kalagayan ko.

Masaya dapat ako ngayon...

Pero hindi ko magawang masaya tuwing naaalala ko ang mga sinabi kanina ni mama.

"QUACK! QUACK!"

Malungkot akong ngumiti kay Galileo Galilei Jr. Oo, napagdesisyunan kong iyon ang ipangalan sa kanya. Bukod sa wala na akong maisip, iyon ang pangalan ng paborito kong astronomer.

I bitterly laughed. I guess, aside from his looks, I also inherited my father's love of astronomy. Nakakatawa. Isang taon na ang nakalipas mula nang masira ang pamilya namin, but I was still too stubborn to accept the truth. Baka nga tama si mama. Baka nga sinasayang ko lang ang buhay ko sa pag-asang babalikan niya pa kami.

Binalingan kong muli si Galileo.

"He's never coming back, isn't he?"

_________________________

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon