QUADRAGINTA SEPTEM

88 22 0
                                    

Eleven years ago, I thought never seeing my father again will be the most painful reality I have to face in my life.

Hindi ko naman alam na mas masakit pa pala ang katotohanang hindi ko naman pala talaga kilala ang totoong David Lexington.

Tama nga si Nesrin.

Pareho lang yata kaming nabiktima ng maling pagkakakilala sa kanya. Sa mga mata ko, siya ang papa kong kinuha sa'min ng kalawakan; Sa mga mata ni Nesrin, siya ang estrangherong si "Tatay David".

But behind closed doors, who really was Daving Lexington? I should've known that it was just a matter of perspective.

You can't judge someone's value if you only see one side of the coin.

"Dmitri...?"

Huminga ako nang malalim at bumaling kina Devika at Erolle. Kahit na hindi nila ito sabihin, ramdam kong nag-aalala sila. Ganoon siguro talaga kapag matagal na kayong magkaibigan. You know what they want to say, even without saying anything. There's no scientific explanation behind true friendship.

Pinilit kong ngumiti, "Ayos lang ako. No matter what happens and no matter who's the enemy, we need to save New Eastwood and the village of Oblitus."

"Okay, so just a recap," humikab si Erolle habang binabasa ulit ang nakasulat sa kapiraso ng lumang dyaryo. "Bale, malaki ang posibilidad na ang tatay mo ang may pakana ng lahat ng ito dahil gusto niyang gumanti sa gobyerno at ituloy ang pag-aaral ni Dr. Furlan, 'di ba? In that case, does this mean..."

"Nandito si Tatay David sa New Eastwood." Mahinang pagtatapos ni Nesrin.

Lalong namuo ang tensyon sa loob ng private study. Hindi na ako nakipagtalo sa sinabi niya. It all makes sense why David Lexington disappeared from Oblitus. Hindi na ako magtataka kung matagal na niyang alam na kontrolado ng gobyerno ang Elders at na mga robot lang ang mga ito. Noong natunugan niyang gagawin siyang "sakripisyo", he took advantage of the situation and vanished. That way, walang maghihinalang iba na pala ang kanyang mga motibo.

Malamang nadiskubre niya ang tungkol sa teleportation technology.

"Is that even possible? Masyadong malayo ang Earth sa New Eastwood." Devika stated with furrowed eyebrows.

Biglang pumasok na naman sa isip ko ang sinabi noon ni Gabrio. Noong mga sandaling 'yon, nahagip ng mga mata ko ang blueprint ng isang telescope na nakakalat sa sahig. Just then, realization hit me...

"Or maybe Earth isn't as far as we think it is!"

May ideya na ako kung nasaan ang lokasyon ng New Eastwood.

Before any of them can react, mabilis akong tumakbo papalabas ng private study at dumaan sa pasilyo. Aksidente ko pang nabunggo ang ilang housekeeping robots na bitbit ang panibagong tea pot. But I was too preoccupied to care about the loud crashing noise behind me. Adrenaline pumped into my veins when I finally reached the living room.

Mabilis kong nilapitan ang telescope at sumilip rito. Kinakabahan kong itinutok sa ibang direksyon ang telescope. Soon, I used it to study the night sky over New Eastwood.

'I knew it.'

"DMITRI!"

Hinihingal pang pagtawag ni Nesrin nang sundan nila ako. Sa kanyang likuran, bitbit pa ni Devika ang mga dokumentong nakuha nila sa opisina ng mayor. Erolle struggled to catch his breath and adjusted the goggles on his head, "Futue te ipsi, dude! Tungkol saan ba 'to?"

"Do you ever wonder why we can't see the moon from here? Bukod doon, halos wala pa tayong nakikitang bituin sa langit tuwing gabi." Seryoso kong tiningnan ang langit mula sa bintana. Natatanaw ko pa ang ilang patrol cars ng Orionid Task Force. From the looks of it, they were doing their regular inspection.

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon